Chapter 26: Son of a- His Still Alive?

152 8 2
                                    

Klint POV

Naghati kami sa dalawang grupo para mapabilis ang paghahanap.

Naglalakad kami ngayon sa loob ng building para maghanap ng clue. Ilang minuto na kaming naghahanap pero kahit isang clue ay wala kaming nakita.

Kainis!

"Hanapin nalang kaya natin yung iba?"-Harold

"Pwede" pagsang ayon ko.

Nag ikot kami sa loob ng building para hanapin ang iba naming kasama.

Nakailang ikot na kami pero di namin sila matagpuan.

Asan na kaya ang mga yun?

Habang naglalakad kami, napansin ko ang isang kwarto na nakabukas ang pinto kaya naisipan naming pumasok.

Hinanda ko muna ang baril ko dahil baka may kung ano sa loob.

Pagpasok namin, nagulat kami sa nasaksihan namin.

"S-si Juanito" gulat na sabi ni Joven.

Nakita namin si Juan na nakasandal sa pader habang nakapikit ang mga mata.

Agad na tumakbo si James papunta kay Juan samantalang kami ay nakatayo lang habang nakatingin kay Juan dahil hindi kami makapaniwala sa aming nakita.

Napansin kung gumalaw si Juan na hawak hawak ni James kaya napanatag ang loob ko.

Bigla nalang sumigaw si James.

"PATAY NA SYA!"-James

"Tanga, buhay ako"-Juan

"BUHAY SYA!"-James

Agad namang lumapit si Joven at binatukan si James.

Nakakarami na ng batok tong isang to.

"Aray! Teka nakakarami kana ah. Bakit ba batok ka ng batok sakin?" reklamo ni James.

Oo nga, sabi ko nga!

"Abnormal ka kasi!"-Joven

"Tol, ano bang nangyari?" Tanong ni Harold na itatanong ko din sana.

"May nakita akong isang folder na may nakasulat na AIDS kaya kinuha ko ang attention nila at pinalapit sila sakin. Nakita ko ang pag iba ng reaksyon ni Ai kaya agad ko syang tinanong kung alam ba nya to" sabi ni Juan.

"Oh tapos?" Tanong ko.

"Sabi nya hindi, kaya bubuksan ko na sana ang folder ng bigla nalang akong nakaramdam ng matigas na bagay na tumama sa ulo ko at nawalan ng malay" sabi ni Juan habang nakahawak sa ulo nya.

"Anong ibig sabihin nito?" Tanong ko.

"Ewan. Pero bago ako mawalan ng malay, narinig ko pa ang mga sinabi ni Ai"-Juan

"Ano yun?" Tanong ko ulet.

"Mukhang ito nga yun" sabi ni Juan habang ginagaya ang boses ni Ai.

Ha?

"T-teka?"-James

Napatingin kaming lahat kay James dahil sa naging reaksyon nya. Gulat na gulat kasi sya habang nakatingin kay Juan.

"Ano?"-Juan

"T-teka, di ko alam na magaling ka palang manggaya ng boses ng iba" gulat na sabi ni James.

Tangina! Kala ko kung ano na.

"James, pwede ba kitang suntukin?"-Juan

"Pfft"

Narinig ko ang impit na tawa o nagpipigil ng tawa ng mga babae sa likod ko.

"Asan yung iba?"-Harold

I Woke Up On Zombie LandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon