Chapter 9: Egoistic Claiming

7.4K 239 5
                                        

Egoistic Claiming

Ariana's POV

After that visit from Jaxxon, I am still afraid to go to school. Pero tama siya, I should stop being afraid of him. Kung umubra nga ang potion sa kanya at kung sa tingin niya ay mahal niya nga talaga ako, hindi naman siguro niya ako sasaktan hindi ba? No normal person would hurt the one's they love intentionally. But that's the problem, Jaxxon is far from normal.

"Bahala na!" Sambit ko at binuksan ang pinto nang bahay ko at saka dumeretsyo ng school.

I'm not gonna let my studies get affected by him. Even if he's constantly bothering me, I have to go to school. Besides, may laro ngayon ng basketball si Alexis. Sa sobrang busy nito ay minsan lang ito makasali sa laro ng basketball sa school kaya naman kahit anong mangyari, hindi ko ito palalagpasin.

It's only seven thirty in the morning and the game will start at sharply before nine. Sinadya ko talagang agahan dahil siguradong punuan ang gym ngayon ng mga babaeng gusto din panoorin maglaro si Alexis. Kung gusto kong maupo sa harap ay kailangan kong agahan para hindi ako mawalan ng pwesto.

I texted Cherry that I will save a seat for her beside me. Kagigising lang kasi ng bruha kaya hindi ko din siya maaasahan na mag reserve ng upuan para sa aming dalawa.

Pagdating ko sa school gym ay marami nang studyante ang nagkukumpulan sa harap, hinihintay na magbukas ang gym. Naalala ko tuloy na eight am ito binubuksan at may limang minuto nalang bago mag alas-otso. Agad akong tumakbo at nakipagsiksikan hanggang makarating ako sa harap.

"Ano ba yan. Kung makasiksik naman." Reklamo ng isang babaeng nadumbo ko.

"Sorry." I apologized and gave her a cheeky smile.

Nakuha naman ang atensyon naming lahat nang makarinig kami ng pagbukas ng pinto. Bago pa man tuluyang mabuksan ang pinto ng gym ay nagtakbuhan na ang mga tao papasok. Syempre hindi naman ako nagpahuli.

I ran like my life depended on it and sat in the center front row of the bleachers and put my bag beside me.

"Sorry may naka-upo na dito." Sambit ko nang may babaeng uupo sana kung saan nakalagay ang bag ko.

Sumimangot ito at naglakad palayo. It only took another ten minutes for the whole gym to be filled with students. Magilan-ngilan nalang ang empty seats sa taas. May mga ilang studyanteng nagpumilit sa tabi ko pero hindi ko sila pinayagan. This seat is already reserved for Cherry. At saka pinaghirapan ko ito kaya hindi ko basta-basta ibibigay ang upuan na 'to sa kahit na sino.

May halos isang oras pa ang hihintayin namin bago mag-umpisa ang game kaya tinawagan ko na muna si Cherry.

"Where are you?!" I screamed to to the phone because the place is too noisy.

"Ang traffic!" Reklamo nito sa kabilang linya.

"Dalian mo! Ang daming gustong umagaw ng upuan mo dito."

"Peste naman oh! Hoy! Green light na! Ano pang hinihintay mo? Andar na!" Sigaw nito na sa tingin ko ay sa isang driver.

"Whoa! Calm down Cherry."

"Sige na Ariana, basta huwag mong ibibigay iyang upuan ko diyan ah." Pa-alala nito.

"Of course. Okay, bye. Drive safely." Paalam ko bago pinatay ang tawag.

After fifteen minutes, nagsidatingan na ang mga players na galing sa ibang school and it just happened that the team will have to seat bellow my row as I'm seating in front of the bleachers. Nagsigawan ang ilang mga babae sa tabi ko pero hindi ako nakisali. Hindi naman sila ang inaabangan ko kundi si Alexis.

POTION ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon