(Sache's P.O.V)
3 years later.....
"Sache bilisan mo at tanghali na!" Narinig niyang sigaw ng kanyang nanay mula sa kusina nila.
"Opo! Aalis na po nay!" Sigaw din niya dito pagkatapos ay agad ng dinampot ang lumang bag na gamit pa niya mula ng siya ay 10th grade pa lang hanggang ngayon na second year college na siya. Pinagtatyagaan nalang niya kasi ok pa naman.
"Oh umuwi kang maaga ha? may pera ka pa ba diyan?" Salubong sa kanya ng kanyang nanay ng makalabas siya ng kwarto niya. Pawisan ang mukha nito at basa ang suot na apron dahil sa pagiging abala sa kusina.
"Opo nay, may natira pa don sa itinabi ko galing sa sahod ko kay Mrs. Frost." Sagot niya habang sinusuklay ng daliri ang basa pang buhok.
"Oh sige! Mag-ingat ka anak ha?" Bilin ng kanyang nanay. Tumango siya bilang tugon dito at nagpaalam na para umalis.
Pakanta-kanta niyang binabaybay ang maliit na daan mula sa kanilang bahay. Kahit medyo maputik ang gilid ng daan ay parang balewala sa kanya at siyang-siya siya. Araw-araw ay ganito siya. Naglalakad papasok. Simula pa yata noong high school siya, kaya halos kilala siya ng marami. Matiyaga sa lahat. Ganoon siya pinalaki ng nanay Sita at tatay Pedring niya. Pinalaki siyang matiyaga at kontento lagi sa buhay, 'di siya nawawalan ng pag-asa dahil naniniwala siyang lahat ng problema ay may solusyon at may dahilan. Lahat may paraan. Kong gusto mo, gawan ng paraan makuha mo.
"Ate Sache aga mo ah?" Napalingon siya sa may-ari ng boses at napangiti siya ng makita ang batang si Marco na nakasilip sa bintana ng kanilang maliit na barong-barong. Halatang bagong gising ito dahil magulo pa ang buhok.
"Oy Marco good morning!" Masigla niyang bati sa sampong taong gulang na bata.
"Pasok kana po sa school ate Sacheco?" Tanong nito sa paantok na tono.
"Oo eh! Bye Marco!" Sagot niya dito bago kumaway para magpaalam.
"Babye din po ate Sache."
Nang makitang gumanti ng kaway ang bata ay tumalikod na siya at nagpatuloy sa paglalakad. Pikit matang napasinghap siya ng hangin ng marandaman ang ihip noon.
Muli siyang naglakad papunta sa kaliwang direksyon ng mahaba at malawak na kalsada papunta sa puting mansyon kung saan siya nagtatrabaho bilang alalay sa pagluluto at pabi-bake ng mayamang si Mrs. Frost o mas kilala sa tawag na mommy Trina. Wala pang masyadong sasakyan na dumadaan, at 'di niya alintana ang tumatamang sikat ng papalabas na araw sa kanyang balat.
So maybe it's true, that I can't live without you.
Well maybe two is better than one.
There's so much time, to figure out the rest of my life.
And you've already got me coming undone.
And I'm thinking two, is better than one.Mahina niyang kanta habang malalaki ang hakbang na nagpatuloy siya sa paglalakad sa tabi ng malawak na daan. At sa araw-araw na ginawa ng Diyos sa tuwing binabaybay niya ang kalsadang iyon ay paulit-ulit niya ring kinakanta ang kantang 'yon. Isang beses niya lang narinig yun noong summer ng patugtugin iyon ni Ken mula sa cellphone nito noong minsang tumambay ito sa kanila at nagustuhan niya agad. Nag-internet pa nga siya para lang makuha ang tamang lyrics ng kantang iyon. Ewan niya pero simula ng marinig niya ang kantang yan ay di na maalis sa systema niya, para kasing ang ganda ng tonog para sa kanya.
"Good morning Sache!" Bati sa kanya ng guard na nakatayo sa tapat ng gate ng marating niya ang puting mansyon matapos marahil ang mahigut kinse minutos na paglalakad.
"Magandang umaga din po kuya!" Masiglang ganti niya sa bati ng medyo may edad na ring guwardiya. Labas na kasi ang mga ilang puti nito sa buhok.
"Ganda natin ngayon ah?" Nakangiti nitong puri habang binubuksan ang maliit na gate sa gilid para sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Assassin And I
RomanceWarning: This story contains MATURE CONTENT, VIOLENCE, SEXUAL SCENE, EXPLICIT WORDS. READ AT YOUR OWN RISK. Tahimik ang buhay ni Sache, hanggang sa isang gabi ay kinailangan niyang tulungan ang binatilyong si Parker. Hindi na niya ito nakalimutan. T...