(Sache's P.O.V)
"Natagpuang wala ng buhay ang senador sa loob ng kanyang sasakyan na may tama ng baril sa kaliwang dibdib. Sa ngayon ay inaalam pa ng mga pulisya ang dahilan sa pagpaslang sa senador at kung sino ang maaring may utak sa nangyaring krimen.
Ayon naman sa may bahay ng butihing senador ay maaring may kinalaman sa politika ang pagpatay sa kanyang asawa ngunit iba naman ang nakikitang teorya ng matalik na kaibigan ng namayapang senador na si Mayor Michael Porras, maaari umanong may kinalaman sa sunod-sunod na pagpatay ng mga taong may matataas na posisyon sa lipunan ang pagpatay din sa kaibigan niya.
Samantalang ilalagak naman ang bangkay ni Senador Peter Alvero sa Saint Joseph Chapel sa Manila bukas ng um-."
Napakurap ng ilang beses si Sache ng bigla nalang mamatay ang T.V kahit pa nga patapos na rin ang balitang pinapanuod niya. Inalis niya ang mata sa malapad na T.V at tinitigan ang hinahalong egg white at ang asukal gamit ang electric mixer. Di pa ito masyadong fluffy kaya di pa pwedeng hanguin mula sa mixer. "Grabe po talaga ngayon ano? Sunod sunod ang patayan?" Hindi nakatiis na komento niya habang sige sa pagbantay sa mixer. Sa gilid ng kanyang mata ay nakita niyang lumingon sa gawi niya ang magandang ginang na kasama niya sa malawak na kusina, si Mrs. Frost. Abala ito sa paghalo ng harina at niyog na pinatuyo sa tabi niya. Nag-antay siyang sumagot ito sa naging komento niya pero lumipas ang ilang minuto ay di parin ito nagsalita kaya nagpatuloy siya.
"Sana naman mahuli na kung sino man ang pumapatay na 'yan. Sana maisip nila na isang malaking pagkakasala ang pumatay." Dugtong niya. Muli niyang sinilip ang laman ng hinahalo at ng makitang pwede na ay pinatay na niya ang mixer at isinalin ang laman noon sa isang glass bowl na nasa harap lang din niya. "Pero alam niyo po, naniniwala ako na may dahilan ang bawat pagkakasala ng tao. " Sa pagkakataon na yun ay nakita niya sa gilid ng kanyang mata na napalingon sa gawi niya si Mrs. Frost at napatitig sa kanya pero saglit lang iyon dahil muli itong nagbawi ng tingin at inabala ang sarili sa ginagawa.. Ngumiti siya ng lihim. "Pero sana naman matigil na ang patayan." Muli niyang sabi ngunit tulad kanina ay tahimik at walang reaksyon parin si Mrs. Santos na mas lalo pa yatang inabala ang sarili sa ginagawa.
Maya-maya ay lumapit ito sa kanya at kinuha ang isinalin niyang ingredients mula sa mixer. "Sana nga." Maikling komento nito. Nakatuon ang paningin niya sa ginagawa nito.
Maya-maya ay may pumasok sa kusina. Nang tingnan niya ay nakita niya si Parker. Bagong ligo ito. As usual seryoso ulit ang mukha nito.
"Oh anak! Hindi ko alam na nakauwi kana pala." Gulat na wika ni Mrs. Frost sa panganay nito pero hindi man lang umimik ang lalaki. Pero hindi sumuko ang Ginang. "You want coffe. I'll make you a cup anak." Alok nito na sinagot lang ulit ni Parker ng malamig na titig.
BINABASA MO ANG
My Assassin And I
RomanceWarning: This story contains MATURE CONTENT, VIOLENCE, SEXUAL SCENE, EXPLICIT WORDS. READ AT YOUR OWN RISK. Tahimik ang buhay ni Sache, hanggang sa isang gabi ay kinailangan niyang tulungan ang binatilyong si Parker. Hindi na niya ito nakalimutan. T...