(Sache's P.O.V)
Anu daw?
Maang na tanong niya sa sarili habang bitbit parin ang malaking stuff toy.
Peace offering so ibig bang sabihin okay na kami? Bati na kami? Friends na kami? Ano ba naguguluhan na ako.
Sunod-sunod ulit na tanong niya sa sarili habang sinusundan ng tingin ang papalayong si Parker at ng mawala ito sa gitna ng nagkakagulong mga tao ay napabuntong hininga siya. Hindi na talaga niya maintindihan si Parker.
"Sache tara na." Napalingon siua sa lalaking nagsalita. Nakita niya si Ken at Rowe na nakatayo sa likod niya. Napatango ako bilang sagot dito
"Ate kung gusto mo pwede nating iwan muna yang stuffed toy sa sasakyan namin para hindi ka mahirapan sa pagdala!" Suhestiyon ni Rowe na sinang-ayunan niya.
Giniya sila ni Rowe papunta sa kung saan nakapark ang sasakyan ng mga ito. Habang naglalakad ay maingay silang nagbibiruan ni Rowe samantalang tahimik naman sa likod nila si Ken.
Matapos ang ilang liko at ilang minutong maglalakad ay narating din nila sa wakas ang malapad na parking lot ng malaking Carnabal. Ilang sasakyan pa ang nakaparada ang dinaanan nila bago nila tuluyang narating ang sasakyang dala ni Rowe at ng kuya nito.
"Sandali dala mo ba ang susi nito?" Tanong ni Ken ng tumigil na sila sa harap ng magarang sasakyan, kulay itim iyon at base lang sa nakikita niyang tatak sa unahan ng sasakyan ay Ford Ranger iyon na kulay itim, kung anong model ay hindi na niya matukoy dahil himdi naman talaga siya pamilyar sa mga sasakyan.
"AY! Oo nga pala na kay kuya ang susi." Bulalas ni Rowe na bakas sa mukha ang pagkapahiya. "I'm sorry!" Hinging paumanhin nito agad sa kanila.
"Paano natin 'to mabubuksan kung ganun?" Bakas sa boses ni Ken ang pagkairita, kahit siya ay nadismaya din. Naglakad sila ng ilang minuto tapos wala din pala silang mapapala.
"Naku sorry po nawala po kasi sa isip ko na kay kuya pala ang susi." Muling paghingi ng pasensiya ni Rowe.
Padabog na naupo si Ken sa hood ng sasakyan na agad nagbigay ng maingay na tunog bilang alarma. Agad na napaatras si Ken sa gulat ng marinig ang maingany na tunog ng sasakyan pero mas nagulat siya ng may maatrasan siyang tao sa likod na nanggaling sa kaliwang bahagi ng sasakyan.
"P*ta ginulat mo ako!" Galit na bulalas ni Ken kay Parker.
Tama, si Parker nga ang bigla nalang sumulpot mula sa gilid ng sasakyan. Hindi na nakasuot dito ang hoodie kaya malayang nakahantad ang gwapo nitong mukha. May hawak ito na isang stick ng yosi sa kanang kamay nito. Bigla siyang napangiwi sa kaalamang nagyoyosi ito.
"I'm sorry." Pagsosorry ni Parker na 'di umabot sa tono ng boses nito.
"Sa susunod kasi huwag ka namang pasulpot sulpot lang!" Bwelta naman ni Ken na binalewala naman ni Parker at hinarap si Rowe.
"Rowe let's go home!" Ayan na naman ang maawtoridad nitong boses.
"Ah kasi kuya ilalagay sana naman to sa loob ng sasakyan para di bitbit ng bitbit si Atw Sache." Sabay turo nito sa stuffed toy na yakap yakap parin niya.
BINABASA MO ANG
My Assassin And I
RomanceWarning: This story contains MATURE CONTENT, VIOLENCE, SEXUAL SCENE, EXPLICIT WORDS. READ AT YOUR OWN RISK. Tahimik ang buhay ni Sache, hanggang sa isang gabi ay kinailangan niyang tulungan ang binatilyong si Parker. Hindi na niya ito nakalimutan. T...