(Sache's P.O.V)
Nakangiti siya habang nakatutok ang mata sa labas ng bintana ng sinasakyang kotse. Di niya alam pero di niya maipaliwanag ang saya niya, kahit na ang totoo ay wala siyang idea sa pupuntahan nila o kung ano ba ang nag-aantay sa kanila doon basta ang malinaw lang sa ngayon ay masaya siya.
Narinig niyang tinawag siya ng lalaking nagmamaneho ng kotseng sinasakyang niya, ng lingunin niya ito ay nakita niyang kumaway ito sa kanya, napangiti siya ng matamis habang ginagantihan din ito ng kamay. Maya-maya ay ang babaeng katabi naman nito ang kumaway sa kanya na may ngti din sa labi na agad din niyang ginantihan ng ngiti at kaway.
Napansin niyang bumuka ang labi ng babae at may sinasabi sa kanya pero di niya maintindihan dahil walang boses na lumalabas sa bibig nito. Dumukwang siya ng konti para sana lumapit ng konti dito sa pag-aakalang mahina lang ang boses nito at di niya naririnig dahil sa ingay ng makina ng kotse.
Balak niyang sabihin na wala siyang may naiintindihan pero bago paman niya magawa iyon ay may itim na van ang bigla nalang humarang sa kanila at bumaba mula doon ang tatlong lalaki na may dalang mga mahahabang baril at bigla nalang pinaputukan ang kanilang sasakyan.
Sobrang bilis ng mga pangyayari, ang tanging natatandaan lamang niya ay dumapa siya at sumiksik sa upuan ng sasakyan habang nakapikit at nanginginig sa takot habang dinig niya ang malalakas na putok mula sa labas ng sasakyan at ang mga balang tumatama sa ibat-ibang bahagi ng kotse.
Walang tigil, nakakabingi, nakakatakot, gusto niyang sumigaw pero wala na siyang lakas, gusto niyang tumakbo palayo sa sasakyan pero nanginginig siya. Nanatiling pikit ang kanyang mata habang iniisip ang mga nangyayari, kung bakait nangyayari ang ganoon, ang inay niya, ang itay niya, si Ken? Gusto na niyang umuwi sa kanila at isiping bangungot lang ang lahat.
Nang subukan niyang idilat ang kanyang mga mata ay tumambad sa kanya ang duguang katawan ng dalawang kasama niya sa loob ng sasakyan. Ang daddy niya nakasubsob sa manibela samantalang nakahandusay naman sa kinauupuan nito ang kanyang mommy.
"Mommy? Daddy?" Nanghihina niyang tawag sa dalawa pero hindi sumagot ang mga ito sa kanya.
Sunod-sunod na pumatak mula sa kanyang mata ang butil ng mga luha. "Mommy! Daddy! Gumising kayo please!!" Impit niyang tawag sa mga ito na naliligo sa sariling dugo, pagapang siyang lumapit sa mga ito pero nanghihina na siya kaya 'di niya nagawa.
"Mommy!!" Muling tawag niya sa wala ng buhay na ina. "Daddy gising please??" Alam niyang wala na ring saysay ang pagtawag niya dahil kahit anong gawin niya ay hindi na siya naririnig ng mga ito.
Muli siyang pumikit at muling humagulgol ng malakas hanggang sa nagdilim ang lahat sa kanya.
Hindii niya alam kung gaano siya katagal na walang malay, nang magising siya ay wala na siya sa loob ng sasakyan. Nakahiga siya sa isang malawak na damuhan, may mga bahid ng dugo ang kanyang katawan at damit. Pinakiramdaman niya ang sarili kung mayroon bang masakit sa kanya pero wala naman siyang nararamdamang kakaiba bukod sa panghihina.
Painot siyang bumangon at naupo, lumingon siya sa paligid at inalam kung nasaan siya pero hindi pamilyar sa kanya ang lugar. Ramdam niya ang panghihina pero pinilit niyang tumayo at nagsimulang maglakad. Wala siyang direksyon na tinatahak, basta tuloy lang siya sa paglakad sa malawak na damuhan habang walang tigil sa pag-iyak.
"Mommy! Daddy?" Wala sa sariling tawag niya sa mga magulang kahit pa nga alam niya na wala na talaga siyang dapat hanapin dahil nakita mismo ng dalawang mata niya kung paano pinaulanan ng bala ng walang mga puso ang kanyang mommy at daddy. "Mommy!! Daddy!'' Patuloy niya sa pagtaghoy habang sige lang siya sa paglakad. Hindi niya alam kung saan siya makakarating, pagod na siya at alam niyang ano mang oras ay magugupo na siya noon.
BINABASA MO ANG
My Assassin And I
RomanceWarning: This story contains MATURE CONTENT, VIOLENCE, SEXUAL SCENE, EXPLICIT WORDS. READ AT YOUR OWN RISK. Tahimik ang buhay ni Sache, hanggang sa isang gabi ay kinailangan niyang tulungan ang binatilyong si Parker. Hindi na niya ito nakalimutan. T...