Sache's POV
"Kamusta na nga pala ang kuya mo Rowe?" Lakas loob kong tanong sa dalagita ng mapasukan siya nito sa kusina habang nag-aayos ng mga ingredients para sa cheesecake na gagawin nila ni Mrs. Frost. Umalis saglit ang Mommy nito at may pupuntahan lang daw.
Halos magdadalawang linggo na ng mangyari ang suntukan na kinasangkutan ni Parker at pagkatapos noon ay hindi na niya ito ulit nakita. Nahihiya din siyang magtanong sa Mommy nito at kay Rowe o kahit pa nga sa mga katulong at guards. Ngayon lang talaga siya nagkalakas ng loob magtanong ng pumasok si Rowe sa kusina para kumuha ng icecream sa malaking refrigerator ng mga nito.
"He's okay na Ate Sache. Nasa Japan siya ngayon one week na din." Sagot nito ng makaupo na sa tabi niya hawak hawak ang isang baso ng icecream at kutsara.
Japan?
"Ah buti naman kong gano'n. Nagbabakasyon siya sa Japan mag-isa?" Pasimple niyang tanong kahit na nagmumukha na siyang ususera.
"Ang alam ko pinapunta ni Daddy doon. Business matter daw." Sagot naman nito sa pagitan ng pagsubo ng icecream. Tumango naman siya bilang sagot. "Kapag kasi may mga kailangan asikasuhin si Daddy sa negosyo and he's not available at malapit lang like Japan. Si kuya ang pinapapunta niya." Patuloy nito. Sinimulan na niyang haluin ang mga dapat haluin na sangkap. Saglit din niyang tiningnan ang oras. Six fifteen ng gabi. Maaga pa naman. Sana matapos din sila ng maaga ni Mrs Frost para makapagreview pa siya sa quiz niya bukas. Lunes kasi at panigurado may mga surprise quizzes.
"Masunurin rin naman pa lang anak 'yang Kuya mo kahit suplado sa personal." Biro niya dito.
"Nakakainis nga eh. Ako 'tong gustong gusto makarating ng Japan." Nakanguso nitong sagot. Napangiti naman siya kasi ang cute nitong tingnan.
Nakalugay lang lagi ang natural na dark blonde nitong buhok na lampas balikat. Matangos ang ilong nito, magandang mata at mamula mulang labi. Napakaamong mukha. Hindi maipagkakailang may iba itong lahi. "Pagpinabalik talaga ni Daddy doon si Kuya, sasama talaga ako." Parang batang nagsusumbong ang mukha nito. Napapangiti tuloy siya habang tinitingnan.
Maya-maya ay sabay silang napalingon ng bumukas ang sliding door ng malawak na kusina at iniluwa noon ang kanina pa nila pinag-uusan.
Si Parker.
Bigla siyang nataranta ng magtama ang mata nila. Siya ang unang bumawi at ibinalik ang tingin sa ginagawa.
"Speaking of! Welcome home Kuya!" Masiglang bati ni Rowe dito. Casual lang ang suot nito. Pantalon lang at gray na pull ove pero para ito artista sa paningin niya. Mukhang kakarating lang din nito.
Nilapitan nito ang kapatid at ginulo ang buhok."I bought something for you. Go get it in the car." Malambing nitong turan sa kapatid.
"Yes! I knew it!" Tili naman ng dalagita at basta na lang nilapag ang kinakain na ice cream pagkatapos ay excited ng tumakbo palabas.
BINABASA MO ANG
My Assassin And I
RomanceWarning: This story contains MATURE CONTENT, VIOLENCE, SEXUAL SCENE, EXPLICIT WORDS. READ AT YOUR OWN RISK. Tahimik ang buhay ni Sache, hanggang sa isang gabi ay kinailangan niyang tulungan ang binatilyong si Parker. Hindi na niya ito nakalimutan. T...