Bullet 10

70 10 9
                                    

(Parker's POV)

Pagdating ni Parker galing sa school ay may naabutan na kaagad siyang brown envelop sa kanyang kama. Basta nalang niyang tinapon ang bag na gamit sa pagpasok at agad na dinampot ang long size envelop na maayos na nakapatong sa kanyang magulong kama.

Sa likod ng envelop ay klarong makikita ang simbolo ng organisasyong kinabibilangan niya. He let out a sigh harshly to let go of his anger and frustration.

The envelop means one thing.  Mayroon na naman siyang mission, mission na kailangan niyang tuparin, mission na kailangan niyang tapusin sa ayaw at gusto niya.

Marahan niyang binuksan ang brown envelope, at mula sa loob ay nakuha niya ang itim na folder, at sa harap ay nakasulat ang salitang "SECRETUM MISSIO" sa latin. Na ang ibig sabihin ay Secret Mission.

He slowly sat down on the bed opening the folder.  Unang tumambad sa kanya ang malaking larawan ng lalaking may edad na. Kilala niya ito at kilala din ng halos karamihan dahil isa ito sa may mataas na katungkulan sa gobyerno at alam niyang bago paman sumapit ang umaga ay isa na itong malamig na bangkay.

Sunod niyang inusisa ang papel na nasa ilalim ng malaking larawan. Naglalaman iyon ng mga impormasyon tungkol sa lalaking nasa larawan, mula sa maliit na detalye hanggang sa pinakaimportante na makakatulong sa kanyang mission.

Kasama na doon ang mga lakad, lugar na pupuntahan nito at oras. Ang huling pahina ay naglalaman ng detalyadong plano kung papano papatayin ang Gabernador ng lungsod

Pagkatapos niyang busisiin at pag-aralan ng mabuti ang mga papel ay maingat niya itong inilapag sa kama at tinakpan ng unan. Sinigurado din niyang naka-lock ang mga bintana at ang pintuan ng kanyang kwarto.

Kailangang walang may makaalam ng kanyang mission, walang may makakita o makakuha ng mga papel na hawak niya para sa kanyang kaligtasan at ng mga taong mahalaga sa kanya.

Saktong alas syete ng gabi ay naligo na siya. Mayroon nalang siyang anim na oras bago ang kanyang mission. Kailangan niyang magpakondisyon, ihanda ang sarili niya, physically at mentally. Hindi siya pwedeng pumalpak.

Pagkatapos maligo ay pinili niyang magsuot ng puting sando at kulay blue na sweatpants pagkatapos ay nahiga siya at pinikit ang mata. Gusto niyang takasan pansamantala ang mangyayari mamaya kahit sandali lang. He wanted to escape. He wanted out. To vanish forever.

"Parker anak dinner time na!" Saglit siyang napamulat ng marinig ang boses ng Mommy niya mula sa labas ng kanyang kwarto. "Niluto ko ang paborito mong pochero anak!" Malakas ulit na sabi ng kanyang mommy pero'di siya sumagot.

The anger kicked in again. The pain. Everyday he needs to face the person who made him suffer. Who made him like this. A killer. A monster. Her Mom killed her.

Saglit na namagitan ang katahikan sa kanila. Hiniling niya na sana nga ay umalis na ang mommy niya pero maya-maya lang ay narinig niya ulit itong nagsalita. "Kung ayaw mong lumabas ipapahatid ko nalang ang hapunan mo dito." Napansin niya ang lungkot sa boses ng Nanay niya at alam niya kung bakit.

He felt a pang of guilt. He knows he's hurting her the way he treated her but he can't stop the hatred. Everyday, his hatred is eating him. He knows its wrong to hate his mother but its winning.

Lagi nalang sumasagi sa isip niya ang ginawa nito noon. Ayaw man niya pero ito ang sinisisi niya sa naging takbo ng buhay niya, ng buhay nila. Kung bakit niya kailangan gawin ang bagay na ayaw niyang gawin, kung bakit lumaki siyang 'di nararanasan ang mga normmal na bagay na dapat ay tinatamasa niya bilang bata, kung bakit hindi siya normal

My Assassin And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon