Bullet 16

19 3 27
                                    

Sache POV

Kinabukasan ay maaga na naman siyang nagising dahil maaga ang first mass sa cathedral nila. Kahit maaga siya mas nauna pang nagising sa kanya ang nga magulang niya.

Naligo siya at nagbihis. Sinuot niya ang dress na niregalo sa kanya ng Mama ni Ken noong birthday niya last year. Kulay pink na wrap dress iyon na above the knee. Tenernuhan niya ng puting converse low cut na nabili niya sa ukay-ukay ng 250 lang. Bagong bago pa ng nabili niya. Kaya sinakripisyo niya ang ipon niya para mabili lang kasi nga nasasayangan siya at wala siyang masyadong sapatos na maayos.

Pagkatapos magkape at pandesal ay nagtoothbrush siya at nagpulbo. Nagspray din siya ngbpabango na binigay naman ni Mrs Millstone dahik hindi na raw magagamit kasi ayaw ni Rowe ng amoy. Alam niyang mamahalin ang pabango, sa lalagyan palang mukhang mahal na. Saktong kinse minutos bago mag alas sais ay nagpaalam na siya sa mga magulang niya at umalis.

Maswerte sila kasi ang nabiling lupa na kinatatayuan ng maliit pero komportable nilang bahay na bunga ng paghihirap ng mga magulang niya ay malapit sa lahat. Malapit sa university na pinapasukan niya, malapait sa palengke, malapit sa munisipyo at malapit rin sa simbahan. Malapit din sa bahay ni Mrs Frost. Walking distance lang.

Naabutan niyang naghihintay sa kanya si Ken sa tapat ng Cathedral.

"Ang kupad mo talaga kumilos." Bungad agad nito ng makalapit siya.

"Napaaga ka lang ngayon, makupad na ako?" Natatawang sagot niya dito at pinitik ito sa ilong. Tatawa tawa naman itong napakamot sa ilong nito. "Pasok na tayo para makaupo tayo sa unahan." Aya niya dito sabay hila sa kamay nito. Nagpatangay naman ito sa kanya. 

Nang makapasok ay hila hila niya parin ito hanggang sa makakita sila ng upuan sa pinakagitna at tatlong upuan ang agwat mula sa unahan.

"Ate Sache!"

Tawag ng pamilyar na boses sa kanya. Agad siyang napalingon sa gawing kanan niya, at gano'n nalang ang gulat niya ng makita si Rowe kasama ang Mommy nito at si Parker.

Nasa kabiling upuan lang ang mga ito at kahilira pa nila. Gusto niya tuloy magsisi kong bakit niya pinili ang first mass. Sana pala umoo na lang siya kay Ken.

Kumaway sa kanya si Rowe at ngumiti. Gumanti din siya ng ngiti dito. Nakasilip lang ito dahil napapagitnaan ito ng Mommy nito at ni Parker. So bali daanan lang sa gitna ang pagitan nila ni Parker na kanina pa nakatingin sa kanya na iniiwasan naman niya.

Pinilit niyang ituon ang atensiyon sa misa kahit pa nga nararamdaman niyang maya't maya ay nakatutok ang mata ni Parker sa kanya.

Habang nakikinig ng Homily ay naramdaman niyang nagvibrate ang cellphone niya sa dala niyang maliit na sling bag. Sinet na niya ito kanina sa silent mode bago pa siya umalis sa kanila.

Pasimple niya itong kinuha at tiningnan ang text. Pangalan ni Parker ang nakita niya. Pasimple niya ring sinilip ang lalaki, nasa harap ng altar ang mata nito. Mas gumwapo ito sa suot na light blue long sleeve polo na naka-tuck-in sa itim nitong pantalon. Ang macho nito tignan. Literal na hot sabi nga. 'yong tipong kapag nakita mo hindi pwedeng hindi mo lingunin.  Binuksan niya ang text at binasa.

You're more beautiful today. I missed you. ♥️

Biglang uminit ang mukha niya ng mabasa ang text. Dali dali niyang ibinalik ang cellphone sa bag at ibinalik ang atensiyon sa misa pero wala pang dalawang minuto ay nagvibrate na naman ang cellphone niya.

My Assassin And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon