Warning: this chapter contains explicit words, mature content that are not suitable for readers below 18. Please read at your own risk.
Sache.
"Come on Ate Sache. Join us na kasi." Pamimilit sa kanya ni Rowe na sumali siya sa pool party nito. Wala raw kasi itong kasabay at ang Kuya lang daw nito ang kasama nito at ang 'Dominick' na binanggit nito kanina.
Naabutan siya nito sa kusina ng maghatid siya ng mga ingredients na pinamili ng Nanay niya kanina. Bukas pa naman sila magluluto.
"Naku 'wag na Rowe. Nakakahiya." Tanggi ko.
"No! Kami kami lang naman. Let's go na." Pilit parin nito.
"Wala naman akong dalang pampaligo." Dahilan niya dito.
"Oh, okay." Kibit balikat nito at umalis na.
Akala niya ay sumuko na ito at hahayaan na lang siya pero hindi pala. Makalipas ang ilang minuto ay bunalik ito at may bitbit.
"Here." Abot nito sa kanya ng floral pink na tela. "Wear this. Medyo malaki to sa akin. Sigurado kasya sa'yo 'to." Nag-aalangan siya kaya ito na mismo ang kumuha ng kamay niya at ipinilit sa kanya ang tela pagkatapos ay hinila siya sa banyo na nasa kusina.
Nag-aalangan parin na pumasok siya sa loob ng banyo at tinitigan ang tela.
"I'll wait for you here Ate."
Rinig niyang sigaw ni Rowe mula sa labas kaya pikit mata niyang sinuot ang ibinigay nito.Nang matapos ay humarap siya sa whole body mirror na andoon at natigilan siya. Kasyang kasya sa kanya ang one piece swimsuit ni Rowe. Cut out ang design niyon kaya bukas ang mula sa ilalim ng kanyang dibdib pababa sa pusod pati ang likod niya ay labas rin.
Napatitig siya sa sarili sa salamin. Mas lalong lumitaw ang hugis ng katawan niya. Pati ang maputi at makinis niyang balat ay nalantad rin.
Hindi malaki ang dibdib niya pero hindi rin maliit. Hinipo niya ng kaonti ang nahantad na parte ng kanyang dibdib. Inalis niya sa pagkakatali ang mahaba niyang itim na buhok.
"Are you done Ate? Let's go!" Malakas na sigaw ulit ni Rowe sa labas. Alunpihit niyang binuksan ang pinto. "See? Kasya sa'yo. You look gorgeous." Komento nito at hinila na siya nito papunta sa pool sa gilid ng malaking bahay.
"Rowe sandali..." Awat niya dito pero parang wala itong naririnig.
"I recruited someone to join the party!" Malakas na anunsiyo nito ng makalapit na kami sa pool.
Napalingon sa kanila si Parker at ang kasama nitong lalaki. Biglang kumabog ang puso niya ng makita ang gwapo nitong mukha.
Basang basa ito at mukhang kakaahon lang mula sa pool. Nakasuot ito ng itim na surfer shorts kaya kitang kita ang alagang katawan nito. Broad shoulder, masculine arms and breast, and 6 packs abs.
Hindi talaga siya mahilig sa lalaking may abs kasi nasasagwaan siya kapag nakakakita siya sa mga posters, or tv o video. Pero kay Parker parang ang sarap nito yakapin.
Napalunok ito ng tumingin sa kanya. May hawak itong beer in can. Napadako ang tingin niya sa tattoo nito sa taas ng kaliwang dibdib. Para itong seal na pabilog ng kong anong lugar o organisasyon tapos ay may dalawang espada na naka-ekis dito.
Hindi lang iyon ang tattoo nito. Meron din ito sa tagiliran nito. Parang latin iyon. Vivere et mori. Sa harap ng siko nito, sa babang konti ay simbolo naman ng beta.
BINABASA MO ANG
My Assassin And I
عاطفيةWarning: This story contains MATURE CONTENT, VIOLENCE, SEXUAL SCENE, EXPLICIT WORDS. READ AT YOUR OWN RISK. Tahimik ang buhay ni Sache, hanggang sa isang gabi ay kinailangan niyang tulungan ang binatilyong si Parker. Hindi na niya ito nakalimutan. T...