Sache POV
Dahil sa paglunoy sa malamig na pool ay nagkasakit siya. Nilagnat siya na may kasamang ubo. Hindi siya nakapasok ng tatlong araw. Hindi rin siya nakapunta sa puting mansiyon.
Sa loob ng tatlong araw puro higa lang yata ginawa niya. Sobrang bigat kasi talaga ng katawan niya. Dagdag pa sa nararamdaman niya ang walang paramdam ni Parker.
Para na naman itong bula na nawala. Walang text. Walang tawag. Lumipas na lang ang araw ng sabado at linggo pero hindi parin ito nagpaparamdam. Pakiramdam niya para lang siyang pinaglalaruan nito. Naalala lang siya kapag gusto makipaghalikan.
Lunes, iksaktong limang araw na wala siyang narinig dito ay ito naman ang tumawag na hindi niya sinagot. Hindi rin siya nagrereply sa mga text nito.
Ilang beses din nitong sinubukan na kausapin siya. Inabangan din siya nito pero lagi siyang nakaka-iwas. Ngayon ay pangatlong araw na niyang pag-iwas kay Parker at mukhang desidido ito dahil buong araw siya nitong sinundan.
Pagpasok palang niyang kanina ay nakaabang na ito sa gate. Panay ang tanong nito kong bakit siya galit pero hindi niya sinasagot. Mukhang hindi na yata ito nakapasok sa klase sa pag-abang at pagsunod sa kanya.
Tulad ngayon, paglabas niya sa last subject niya ngayong araw ay nakaabang na ito. Parang nawawalang tuta ang mukha nito. Malayo sa seryoso at suplado nitong mukha lagi.
"Bakit sunod ng sunod 'yan sa'yo?" Tanong ng classmate niyang si Gisselle habang naglalakad sila papuntang Gym para magpraktis ng sayaw sa P.E nila. Nakasunod sa likod nila si Parker
"Iwan ko diyan." Sagot niya na diretso ang tingin sa nilalakaran.
Pero hindi rin siya nakatiis tumigil siya sa paglakad para antayin ito. Nakokonsensiya siya dahil kanina pa ito sunod ng sunod.
"Ano bang problema mo?" Inis niyang tanong ng tumapat ito sa kanya.
"You're avoiding me." Mahinang sagot nito na parang pagod na pagod.
"Hindi kita iniiwasan. Hindi lang tayo close." Mariin niyang sagot sabay talikod para pumasok sa cr ng mga babae na nadaanan nila para magpalit ng susuotin para sa praktis.
Nakakainis. Manhid ang gago! Hanggang ngayon hindi nito alam kong bakit siya galit.
Paglabas niya ng cr ay andoon parin ito, nakatayo sa labas at matiyagang naghihintay pero nagbago ang hitsura nito ng makita siya.
"What the fuck?" Malakas na sabi nito at biglang bumalik ang supladong mukha.
"Parker ano ba?" Saway niya dito. Bakit ba ang hilig nitong magmura? Pero wala sa kanya ang atensiyon nito kundi sa suot niyang legging shorts at puting spaghetti strap na pang-itaas.
"Are you dumb? Are you trying to seduce every guysm in here?" Umuusok ang ilong nito sa galit.
"Ewan ko sa'yo!" Irap niya sabay padabog na naglakad papuntang gym. Pero agad siya nitong hinawakan sa braso para pigilan. "Ano ba? Late na ako sa praktis."
"Hell no! You are not going there wearing that." Mariin nitong sabi at binigyan ako ng nagbabantang tingin.
"Parker hindi ako nakahubad! May damit pa ako." Malakas ang boses na sabi niya sa lalaki. Bakit ba ang gulo ng lalaki na 'to.
BINABASA MO ANG
My Assassin And I
RomanceWarning: This story contains MATURE CONTENT, VIOLENCE, SEXUAL SCENE, EXPLICIT WORDS. READ AT YOUR OWN RISK. Tahimik ang buhay ni Sache, hanggang sa isang gabi ay kinailangan niyang tulungan ang binatilyong si Parker. Hindi na niya ito nakalimutan. T...