(Sache's P.O.V)
"Anak nasa baba na si Ken nag-aantay." Bungad sa kanya ng kanyang Nanay sa kanyang kwarto.
"Opo nay, sandali na lang din ako." Nakangiti kung sagot ng lingunin ko ang nanay ko na nakasandal sa amba ng pinto ng kwarto ko.
"Oh sige.."
Nang tumalikod ang kanyang nanay ay nagpatuloy na siya sa pag-aayos ng kanyang sarili. Buong araw siyang hinayaan ng kanyang mga magulang na magpahinga ngayong araw ng sabado. Wala din siyang pasok kay Mrs Frost dahil linggo bukas kaya walang order para dito, bukas na ulit siya babalik don para tulungan itong magbake para naman sa lunes.
Natulog siya buong maghapon, nagising lang siya ng mga bandang alas quatro na para mag-ayos para sa plano nila ni Ken na pumunta ng Carnabal. Tuwing buwan kasi ng Agusto ay nagbubukas ang carnabal at magsasara pagkatapos ng january pagkatapos lang ng bagong taon at iyon ang pinainaabangan niya.
Simula ng dalhin siya ng kanyang itay noong high school siya sa carnabal ay naging paboritong pasyalan na niya iyon. Excited siya laging dumating ang August. At ito na nga, dumating na ang pinakaaantay niya. Isang linggo ng bukas ang Carnabal pero ngayon lamang sila nakahanap ng time ni Ken.
Matapos niyang iipit ng ponytail ang buhok ay naglagay siya ng kaonting pulbo pagkatapos ay lumabas na ng silid. Naabutan niyang nakaupo si Ken sa kanilang maliit na sala, sa kawayan nilang upuan. Saktong alas singko na ng hapon at paniguradong marami ng tao sa carnabal.
"Ano alis na ba tayo?" Agad na tanong ni Ken ng makita siya. Tumayo ito at umagapay sa kanya.
"Bakit ayaw mo pa? Kung ganoon mauuna na ako!" Biro niya dito.
"Hindi mo ako pwedeng iwan, alalahanin mo na libre kita at nasa akin ang ticket mo." Paalala nito habang winawasiwas ang dalawang kulay puting ticket sa kanyang harapan. Napalabi naman siya dito bilang sagot. Natatawang ginulo nito ang buhok niya.
"Para kang bata kapag nagpout ng ganyan." Komento nito.
"Ayan ginawa mo na naman akong bata! Alis na nga lang tayo." Natatawang hinuli niya ang braso nito at hinila palabas ng bahay. "Nay alis na po kami ni Ken!" Sigaw niya sa ina na abala sa kusina habang palabas na sila ni Ken ng bahay.
"Ingat kayo! Huwag kayong magpagabi ha?" Pahabol na sigaw ng kanyang nanay.
Hindi pa man humihinto ang jeep na sinasakyan nila ni Ken ay kumilos na siya para bumaba, agad namang umalalay sa kanya ang kaibigan na hinawakan siya sa braso. Pagpasok nila ng Carnabal ay para siyang batang nagtatalon.
"Ken tara ng sumakay sa ferris wheel!" Parang batang sigaw niya sa kasama at hinila ito papunta sa bilihan ng ticket ang kaso masyadong mahaba ang pila, kailangan nilang mag-antay.
"Kung gusto mo pwede tayong sumakay muna sa iba, balik nalang tayo dito mamaya pag wala ng masyadong pila." Alo sa kanya ni Ken ng marahil ay makita ang dismaya sa mukha niya. "Maaga pa naman eh."
"Oh sige!" Sagot niya na pinilit ibalik ang sigla. Naisip niyang tama si Ken, maaga pa naman. Pwede silang sumakay mamaya bago sila umuwi.
BINABASA MO ANG
My Assassin And I
RomanceWarning: This story contains MATURE CONTENT, VIOLENCE, SEXUAL SCENE, EXPLICIT WORDS. READ AT YOUR OWN RISK. Tahimik ang buhay ni Sache, hanggang sa isang gabi ay kinailangan niyang tulungan ang binatilyong si Parker. Hindi na niya ito nakalimutan. T...