(Sache's P.O.V)
Nang marinig niya ang boses ni Parker ay saka lang siya kumalma at saka lang din siya binitawan nito. Nang makaharap niya ito ay sinigod niya ito ng malalakas na suntok at hampas sa iba't-ibang parte ng katawan nito na walang reklamo naman nitong tinanggap.
"Nakakainis ka alam mo ba iyon? Nakakainis ka!" Malakas niyang sigaw sa lalaking kaharap ng mapagod siya sa pagsuntok at paghampas dito. "Alam mo bang halos mamatay na ako sa takot kanina at basta mo nalang ako iniwan? Ang galing mong mang-iwan!" Halos naiiyak na siya sa pagsigaw kay Parker. Ramdam parin niya ang panginginig niya.
"Sorry. I thought you're following me." Paliwanag nito na lampas sa kanya ang tingin.
"Basta mo nalang ako kinaladkad dito tapos iiwan mo nalang?" Hindi parin siya nakabawi sa inis na naramramdaman niya kay Parker.
"Sorry na. Let's go find Rowe. " Anas nito pagkatapos ay tumalikod na para umalis pero bago paman ito makahakbang ay agad siyang nangunyapit sa laylayan ng suot nitong hoddie jacket para siguraduhing 'di na siya ulit nito iiwan.
Agad naman itong napahinto bigla at tumingin sa kamay niyang mahigpit na nakakapit sa jacket nito pero hindi na rin naman ito umimik at nagpatuloy lang sa paglakad habang kasunod siya.
"Alam mo kasalanan mo 'to eh." Sermon niya sa kasama. "Kong pinagbigyan mo na lang sana ang kapatid mo 'di sana hindi ganito."
"Shut up!" Asik nito sa kanya na sinagot niya ng nanlilisik na mata.
"Anong shut up? Totoo naman ah? Minsan na nga lang maexperience ng kapatid mo ang ganito ayaw mo pa pagbigyan?" Tuloy niya sa pagbubunganga dito.
"I said shut up!" Asik na naman nito habang nakikiramdam sa dinadaan nila.
"Bakit ba? Gusto ko na dumadaldal eh. Ayaw mo na pinopoin-out ko mga mali mo?" Malakas ang boses na sagot ko rito.
Bigla itong huminto at napabuga ng hangin habang nakatingala sa sobrang frustration ng pagdadaldal ko.
"Please. Fucking shut your mouth or I'll leave you here." Mariin nitong banta gamit ang american accent nito.
"Oo na. Titigil na." Pabalang kong sagot.
Nagsimula ulit silang maglakad pero hindi pa man sila nakakalayo ay biglang namatay sindi ang mga ilaw na 'di na nga halos nakakatulong sa kanila.
Lalo siyang napasiksik kay Parker na para namang wala yatang kahit katiting na takot sa katawan. Maya-maya ay may narinig siyang mga kaluskus sa paligid nila.
"Parker ano 'yon?" Tanong niya habang pilit inaaninag ang paligid nila pero hirap siyang makakita.
"Ssshhh. Which part of 'shut your mouth' you don't understand?" Sarcastic nitong saway ulit sa kanya. Wala siyang magawa at nanahimik na lang at baka iwan nga siya nito.
Tuloy lang sa pagpatay sindi ang mga ilaw habang naglalakad sila ng mabagal ni Parker.
Maya maya ay may nahahip ang mata niya. Sa unahan nila ay may malaking lalaki na nakatayo at may hawak na itak.
BINABASA MO ANG
My Assassin And I
RomanceWarning: This story contains MATURE CONTENT, VIOLENCE, SEXUAL SCENE, EXPLICIT WORDS. READ AT YOUR OWN RISK. Tahimik ang buhay ni Sache, hanggang sa isang gabi ay kinailangan niyang tulungan ang binatilyong si Parker. Hindi na niya ito nakalimutan. T...