Bullet 5

69 10 15
                                    

(Sache's P.O.V)

Di doon natapos ang paghahabol at pagpupumilit niya kay Parker Lee para maalala siya. Maraming beses niyang tinangka na kausapin ito ng masinsinan pero lagi siyang bigo.

Kapalit ng maraming beses niyang pangungulit na iyon ay maraming beses din na pagkapahiya, paninigaw, pananakot, oo pananakot at inis hanggang sa huli sumuko na din siya at nagsawa. Naisip niya na 'di naman nito kasalanan kung hindi siya nito maalala eh pero kasi gusto niya lang malaman kung bakit? kung ano ba ang nagyari dito?

Lumipas ang araw, linggo at umabot ng isang buwan at tuluyan na rin niyang nakalimutan si Parker Lee at katulad nalang din siya ng iba na para bang 'di ito nakikita.

Kapag nakakasalubong niya ito ay para lamang itong multo na 'di niya nakikita, kapag nasa mansyon naman siya ng mga ito ay 'di sila nagkikita dahil madalas itong nakakulong sa kwarto nito.

Kahit pa nga may mga pagkakataon na gusto niya itong ngitian kapag nakakasalubong niya pero katulad ng iba nanaig ang takot niya kaya 'di nalang niya ginagawa at bukod doon ay ayaw din ni Ken na kausapin pa niya si Parker Lee.

Hindi niya ito masisi kasi sino ba naman sa University nila ang hindi kilala si Parker? Kinaiilagan, kinatatakutan dahil sa aura nitong laging seryoso at parang laging gustong manuntok at ang sobrang kinaiinisan ni Ken ay ang  pagtulak na ginawa sa kanya ni Parker Lee isang beses ng sinusubukan niya itong kausapin. Muntik pa nga magkasuntukan ang dalawa. Buti nalang at naawat niya si Ken.

Sa ngayon tama na sigurong nalaman niya na maayos na ito at 'di napahamak katulad ng madalas niyanh isipin.

Sa ngayon maituturing narin siyang isa sa mga taong AYAW kay Parker Lee. Sanay narin siyang makarinig ng balitang may sinuntok ito. Sinipa. Sinakal.

"I have a game for you." Biglang napabalik sa kasalukyan ang isip niya ng marinig na nagsalita ang lalaking kaagapay niya sa paglalakad pauwi sa kanila.

"H-ha?" Maang niyang tanong kahit na ang totoo ay narinig naman niya

Nagulat lang siya ng bigla itong magsalita. Inaasahan na niya kasing magiging tahimik ang buong paglalakad nila pauwi sa kanila, kaya pilit niyang inaaliw ang sarili sa pag-alala sa mga nangyari noong nakaraang habang nakatitig sa bilog na bilog na buwan.

Matagal bago ito sumagot sa kanya. "Alam kung narinig mo ang sinabi ko!" Turan nito sa medyo slang na tagalog at mahina na boses.

Bahagya siyang napayuko dahil alam niyang napahiya siya dito pero may sumilay na isang ngiti sa kanyang labi. Kinausap kasi siya nito. "Anong laro ba?"

"Its more of a psycholigical test." Sagot nito na tuwid parin ang tingin sa kalsada. "We used to play this before when I was still in training."

"Traning? Saan?" Curious kong tanong na binalewala nito.

"I will ask you a question. You'll give the answer then I will give the meaning for you." Mahaba nitong paliwanag na nakatingin sa kanya. Bigla siyang nailang sa klase ng titig nito.

"Tagalog ba ang tanong? hindi ako magaling sa english." Totoo sa loob na tanong niya dito pero tulad lang din kanina na parang hindi siya nito narinig. Napalabi siya sa inis.

Gwapo nga, sungit naman. Bulong ng isip niya.

"I'll start now." Sabi nito.

Tiningnan muna niya ito bago sumagot.

"Basta tagalugin mo." Giit ko.

"You know I am not good with tagalog, right?" Parang naiinis nitong sagot.

"Malay ko. Hindi naman tayo close ah?" Hindi naman niya intensiyon magtaray pero parang ganoon ang kinalabasan ng pagsagot niya dito.

Tumingin ito sa kanya na nangungunot ang noo at parang naiinis.

"Forget it!" Biglang sabi nito at itinuon ang tingin sa kalsada.

"Napaka mo. Sige na!" This time na totoong naiinid na siya.

"I said forget it." Pagsusungit ulit nito. Napangiti siya. "What?" Angil nito ng mahuli siyang nakangiti.

Nauwi sa tawa ang kanina ay ngiti niya lang na mas lalong nagpasimangot dito.

"Ang sungit sungit mo. Para kang babaing may regla. Bakla ka ba?"  Wala sa loob na tukso niya dito habang tumatawa pero bigla siyang napatigil sa gulat ng bigla siyang hilahin nito palapit at niyakap sa beywang.

"What did you say?" Tanong nito na nanghahamon ang boses. Sobrang lapit ng mukha nila sa isa't-isa dahil sa pagkakahapit nito sa beywang niya.

"J-joke lang." Pabulong niyang sagot na parang nahihipnotisko sa titig at gwapo nitong mukha at halos mabingi siya sa sobrang kabog ng dibdib niya.

Pero gusto yata talag nito gumanti kasi hindi siya nito binitawana. Mas lalo pa nitong inilapit ang muksa sa akin. Halos mapaliyad na siya sa pag-iwas hanggang sa wala na siyang maiiwas pa.

Napapikit siya ng maramdaman na niya ang hininga nito sa mukha niya. Hanggang sa maramdaman niya ang labi nito sa leeg niya.

Para siyang nakuryente. Ang init ng malambot nitong labi. Nang alisin nito ang lips sa leeg niya ay parang gusto sumama ng hininga niya dahil nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga.

Pero muli niyang naramdaman ang labi nito sa ilalim ng tainga niya. Hindi siya sigurado pero parang napatingkayad siya sa naramdaman niyang kuryente na dumaloy sa katawan niya dala ng halik nito.

Maya-maya ay ramdam na niya ang hininga nito sa tapat ng labi niya. Pakiramdam niya ay nanginig ang mga tuhod niya.

Lord... Piping usal niya.

"You have 5 seconds to say no." Anas nito sa akin.

"One." Simula nito sa pagbilang. Gusto niya sumagot pero para siyang naistatwa.

"Two." Pabulong ulit nitong sabi.

"Three." Bumuka ang bibig niya pero wala namang lumabas na boses.

"Four." Nataranta siya pero hindi naman niya alam ang gagawin.

"No!" Sa wakas ay sigaw niya. Sa hindi niya maipalaiwang na dahilan ay hinihingal siya.

Bibitawan siya nito ng dahandahan agad siyang naapatras palayo ng konti sa lalaki.

Sumilay ang ngisi nito sa labi. Habang nakatingin sa akin. Diyos ko! Ano ba pinaggagawa ng lalaking ito sa kanya.

"I guess you don't want my kiss huh?" Hindi niya alam kong nang-aasar ba ito o ano.

"Ano ka hilo?" Galit na sagot niya dito. Nanakawan pa ako ng first kiss ng supladonh 'to.

Sa inis ay nagpatiuna siya sa paglakad. Tahimik naman itong sumunod sa kanya. Ng nasa tapat na sila ng bahay nila ay tsaka lang siya humarap dito.

"Salamat." Naiinis parin na sabi niya dito.

Walang imik naman itong tunalikod at naglakad na pabalik sa mansiyon ng mga ito.

"Tinangnan mo. Wala man lang pawelcome." Bulong niya at akma narin sanang maglakad para pumasok ng may maalala siya bigla. "Teka lang Parker Lee!" Tawag niya dito pero 'di na ito lumingon at tuluyan ng nawala sa dilim.

Kung wala siyang naaalala tulad ng sinasabi niya bakit niya alam kung saan kami nakatira? Hindi ko naman binigay sa kanya ang direksiyon? Sabagay, baka nadaanan ako nito minsan.

My Assassin And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon