(Sache's P.O.V)
Lihim siyang napabuga ng hangin habang nakatingala sa maliwanag na buwan na nagbibigay liwanag sa kanila habang mabagal nilang binabaybay ang daan pauwi sa kanilang bahay.
Tahimik lang sila pareho ni Parker Lee simula ng umalis sila sa malaking mansiyon ng mga ito. Sabagay. Ano ba ang pag-uusapan nila eh hindi nga daw siya nito matandaan?
Sino ba ang mag-aakala na pagkatapos ng matagal na panahon matapos niya itong tulungan ay muli nilang makikita ang isa't-isa?
Sa totoo lang ni sa panaginip ay 'di niya inakala na magtatagpo ulit sila ng lalaki. Simula kasi ng magising siya at 'di na mahagilap ang binata ay itinanim na niya sa sariling 'di na sila magkikita ulit dahil bukod sa pangalan ay wala na siyang alam sa lalaki.
Pero ayun nga at lumipas ang ilang taon ay nagkita silang muli sa 'di ulit. Kahit pa nga hindi naging maganda ang sumunod nilang pagkikita last year.
(Flashback)
Nakakunot ang noong nagpahid siya ng pawis sa mukha gamit ang likod ng kanyang kamay habang naglalakad sa katirikan ng araw papuntang admin office.
Kailangan na niya kasing malaaman kung ano ang mga kailangan niya para sa pagkuha ng permit para sa pre-lim examination. Kung tutuusin may tatlong linggo pa siya para asikasuhin ang mga kailangan niya , mahabang oras na 'yon kung tutuusin pero ayaw niya kasi sa lahat ay ang nagagahol sa oras kaya habang 'di paman mahaba ang pila at siksikan ay tatapusin na niya ang mga dapat niyang gawin.
"Haaah! Sa wakas!" Malakas niyang sabi kasabay ng isang buntong hininga ng marating na niya ang Admin office. Agad siyang sumilip sa salaming bintana ng opisina para silipin kung may nakapila ba at nanlumo siya ng may mapansin siya na may ilang mga kababain ang nakapila sa nakasarang pintuan ng administration office.
Ayaw niyang makipagsisksikan kaya patatapusin na muna niya ang mga ito. Mahaba pa naman ang oras niya bago ang first period class niya para sa hapon kaya ayos lang na magtagal siya ng konti.
Luminga-linga siya sa paligid para maghanap ng mauupuan at mukhang maswerte siya dahil mga dalawang dipa mula sa kinatatayuan niya ay may mahabang upuan na gawa sa kahoy at pininturahan ng kulay itim ang nasulyapan niya. May tatlong babaing nagkukwentuhan ang nakaupo na roon na marahil tulad niya ay ayaw magtiis sa pagpila kaya nag-antay nalang din.
BINABASA MO ANG
My Assassin And I
RomanceWarning: This story contains MATURE CONTENT, VIOLENCE, SEXUAL SCENE, EXPLICIT WORDS. READ AT YOUR OWN RISK. Tahimik ang buhay ni Sache, hanggang sa isang gabi ay kinailangan niyang tulungan ang binatilyong si Parker. Hindi na niya ito nakalimutan. T...