Bullet 11

23 4 2
                                    

(Sache's POV)

Halos isang linggo narin ang lumipas ng mangyari ang patayan na iyon at ang taong nakita niyang nakatayo 'di kalayuan sa bintana ng kwarto. Halos nakalimutan na niya ang mga nangyari. Iniisip nalang niya na baka isa lang sa mga tambay nila na naligaw doon. Kasi hindi na rin naman nasundan kaya binalewala nalang niya.

Kaya ito at tuloy parin ang buhay niya. Martes ngayon at tulad ng nakagawian niya ay maaga siyang pumasok. Quarter to seven ay nasa loob na siya ng classroom at nag-aayos na ng mga libro at notebook na gagamitin niya para sa araw na iyon.

Sinasadya niya talagang pumasok ng maaga para 'di siya makipagsiksikan kapag dumagsa na ang mga studyante para pumasok. Marami kasi talaga ang studyante kapag umaga dahil pasukan rin ng elementary at high school

Ipinasok niya sa loob ng bag niya ang mga libro. Pagkatapos maayos ang bag ay nagsimula na siyang mag-ayos ng sarili. Nagsimula na siyang magsuklay at ayusin ang kanyang mahabang buhok. Itinirentas niya lang ito. Pagkatapos ay naglagay siya ng kaunting pulbo at inayos ang kwelyo ng suot niyang puting blouse na pang itaas nilang uniform na katerno ng kulay dark green na paldang may mga split. Itim na sapatos naman ang suot nila sa paa. sa lalaki naman ay puting pulo at itim na slack katerno ng itim din na sapatos tapos ay may logo ng university sa kaliwang dibdib.

"SACHE!"

Bigla siyang napalingon sa tumawag ng pangalan siya at nakita niya si Ken na papalapit sa kanya. Medyo marami na rin ang studyante loob ng classroom nila.

"Oy Ken good morning. Himala yata at ang aga mo?" Puna niya ng makita ito na hangos ng tumigil sa harap niya. Madalas kasi itong late kung pamasok eh.

"Maaga kasi si Papa na aalis papuntang Bulacan eh kaya napaaga kami ni mama."

Kaya naman pala. Hinahatid kasi ito at ang mama nito tuwing umaga pagpasok sa school bago naman pumasok ang papa nito sa trabaho nito sa munisipyo ng lungsod nila. Ang mama nito ay nagtatrabaho sa Accounting Department ng school pero nakalimutan niya alamin kung ano ang posisyon.

"Kaya naman pala." Tanging naisagot niya na may kasamang ngiti at muling hinarap ang salamin para ituloy na ang naudlot niyang pag-aayos.

"Nga pala Sache." Napaharap ulit siya kay Ken ng magsalita ito. "Mamaya na nga pala ang try-out ko sa basketball sana manuod ka naman para may magchecheer s'akin doon kahit isa." Dugtong nito na itinaas baba pa ang dalawang kila.

Bigla naman siyang natuwa ng marinig ang sinabi nito. "Talaga?" Tanong niya na gulat na gulat ang ekspresyon ng mukha.

Ngumiti naman ito at tumango sa kanya bago nagsalita. "Oo. Kinakabahan na nga ako eh. Mamayang alas tres ang laro."

"Syempre manunuod ako. Tamang-tama kasi P. E ko 'yon eh." Sagot niya na muling inayos ang buhok.

"Oh sige Sache aasahan kita doon ah? Lilibre nalang kita ng palamig mamayang uwian." Masayang sagot din nito sa kanya saka ito tumalikod sa kanya at halos patakbo lumabas ng classroom namin papunta sa dulo kong saan naman ang klase nito. Ngumingiti at napapailing nalang siyang habang sinusundan ito ng tingin.

Since may oras pa naman siya ay naisipan niyang kag-CR muna. Habang naglalakad ay naalala niyang naiwan niyang bukas ang kanyang bag, dali dali siyang umikot para bumalik pero saktong pag-ikot niya ay nakabunggo niya si Parker. Napa-aray pa siya sa gulat at 'di sa kung ano mang masakit, kundi dahil sa gulat. Bahagya din siyang napaatras ng konti.

"Sorry!"

Sabay pa silang nagsalita ni Parker at pareho silang napatitig sa mukha ng isat-isa pero parang agad din na nagkahiyaan kaya sabay din nilang binawi ang tingin nila.

"Sorry." Ulit niya sa sinabi kanina ng mahina. Umaasa siyang magsasalita ulit si Parker at hihingi din ulit ng sorry pero nabigo siya kasi tumalikod na ito pagkasabi niya ng sorry.

Napapailing na naglakad nalang din siya pabalik ng classroom. Bigla na rin nawala ang interes niya na pumunta ng CR kasi alam niyang marami ng tao doon pagganitong oras.

Ayaw niya talaga kasi ng nasa gitna siya ng maraming tao. Maingay kasi, masikip, pakiramdam niya ay di siya makagalaw ng maayos, at di siya makahinga. Lagi din siyang nakakaramdam ng takot kapag napapalibutan siya ng maraming tao.

~ ~ ~ ~

Nang tanghalian ay dumiretso siya sa isang maliit na cottage sa likod ng Registrar office para kumain ng tanghalian niya. Nagbabaon kasi siya para sa luch time para di na siya umuwi kasi nga gagahulin na siya sa oras at para makatipid narin siya. Di na niya kailangan pumila.

Nakalahati na niya ang pagkain niya ng may maramdaman siyang tao sa likod niya. Napangiti siya agad kasi kilala na niya kong sino.

"Siguraduhin mong may dala kang pagkain sa akin!" Malakas niyang sabi habang ngumunguya.

Napalantak naman ito. "Bakit ba hindi kita magulat gulat? Lakas ng pakiramdam mo pagdating sa atin. " Parang naiinis nitong sabi habang lumalapit sa akin. Agad nitong inabot ang lumpiang shanghai na nakasupot. "Oh, ito mainit pa."

"Yesss! Thank you Ken!" Parang batang tili niya habang binubuksan ang mainit init pang pagkain. "Kumain ka na ba? Hati tayo kong gusto mo." "Alok ko sabay abot ngbisang lumpia na dala nito. Umiling naman ito.

"Tapos na ako. Sabay kami ni Mama. Nakalima nga ako niyan eh." Ngisi nitong sagot. " Ala una din pasok mo 'di ba? Sabayan na kita sa building niyo." Maya-maya ay alok nito.

"Hhmm... Alas dos pa kasi wala daw 'yung prof namin sa geometry 2 kasi may sakit daw. Dito na lang muna ako." Sagot ko naman dito habang ganado sanpagnguya.

"Napaswerte naman ng isa diyan at mahaba ang vaccant." Naiinggit na turan nito. "Mauna na pala ako kong gano'n? Kita tayo mamaya alas tres." Paalala nito sabay tayo na. Tango lang ang sagot niya sa binata dahil saktong umiinom siya ng tubig na baon din niya. Ginulo muna nito ang buhok niya bago ito tuluyang umalis.

Nang matapos sa pagakin ay niligpit niya muna ang baonan niya at pinunasan ang mesa ng cottage at nilabas ang isa sa mga libro niya at nagbasa. Nakasampung minuto narin siguro siyang nagbabasa ng makaramdam siya ng antok kaya tiniklop niya muna ang libro at nag unat. Nang naglibot siya ng tingin ay nagulat siya ng makita si Parker sa 'di kalayuan.

May kausap ito sa cellphone. Nakatayo ito sa ilalaim ng malaking puno ng Narra na nasa likod ng faculty building na kahanay naman ng Registrar office. Hindi niya man naririnig dahil sa agwat nila pero nababasa naman niya sa mukha nito ang galit. Parang nakikipagmatigasan ito sa kausap. Maya-maya ng ibaba na nito ang cellphone ay ganoon na lang ang gulat niya ng bigla nitong sinuntok ang puno ng Narra sa tabi nito.

Alam niyang sobrang lakas ng pagkakasuntok nito sa puno. Parang siya ang nasaktan para dito. Sinundan niya ito ng tingin habang nagmamadali itong naglalakad paalis na kitang nagpupuyos sa galit.

Sino naman kaya ang kausap noon at ganoon na lang kong magalit?

My Assassin And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon