(Sache's P.O.V)
Malakas siyang humikab habang patamad na binubuklat ang hawak na libro. Inaantok na siya pero 'di siya pwedeng matulog hanggat 'di pa tapos ang mga kailangan niyang ireview para sa departmental test niya bukas. Kung Kailan naman kasi nasa hospital ang nanay niya tsaka naman naschedule ang exam nila, ayan tuloy 'di niya masamahan ang tatay niya sa pagbabantay don sa hospital at naiwan pa siyang mag-isa sa bahay nila. Di naman siya takot kasi 'di lang naman ito ang unang pagkakataon na naiwan siyang mag-isa, iniiwan nalang niyang bukas ang ilaw sa kusina nila lagi.
Muli niyang pinasadahan ng basa ang hawak na libro at inulit ang binabasa niya kanina, lalo na 'yong mga importante na pweding maitanong sa exam bukas. Maya-maya pa ay nalunod na siya ulit sa pag-aaral at 'di niya alam kong ilang minuto na siyang tutok ng may marinig siyang mahihinang katok sa pintuan ng maliit nilang bahay. Marahan niyang tiniklop ang libro at naupo sa kinahihigaang manipis at maliit na kama. Hindi siya kumilos muna at inaantay na muli iyong kumatok. Nagdadalawang isip kasi siya kung bubuksan ba niya, kasi kong ang tatay pedring niya iyon sigurado siyang tatawagin siya nito. Pero duda siya kung ang tatay nga niya iyon dahil di iyon uuwi at iiwan ang nanay niya sa hospital ng pasado alas diyes ng gabi maliban nalang kong importante.
Muli siyang nag-antay ng katok pero lumipas na ang dalawang minuto ay 'di na ulit kumatok ang kung sino man na nasa labas. Hindi niya alam kong bakit pero bigla siyang kinilabutan. Hindi kasi ligtas ang lugar nila, marami ang pakalat kalat na masasamang loob ss tinitirhan nilang mag-anak.
Dahan dahan siyang tumayo mula sa kama at maingat na lumabas ng kwarto niya para pumunta sa kusina at kinuha ang kutsilyo na nakapatong parin sa lababo na ginamit niyang pambukas ng de lata na inulam niya kanina. Pagkakuha ng kutsilyo ay maingat ulit ang hakbang na lumabas siya ng kusina papunta sa sala kung saan ang pinto nila. Habang tumatagal ay lalong lumalakas ang kabog ng dibdib niya dahil sa takot na nararamdaman.
Nang marating niya ang pinto ay maingat siyang sumandal doon at idinikit ang tainga sa dahon ng kanilang pintuan para pakinggan ang nangyayari sa labas at biglang nagtayuan ang mga balahibo niya sa buong katawan ng makarinig siya ng mahihinang ungol. Bigla siyang tumakbo palayo sa pintuan at nanginginig na bumalik sa kusina. Pigil ang iyak na napasandal siya sa lababo nila hawak parin ang kutsilyo sa nanginginig na kamay.
"Tulong!" Napapitlag siya ng marinig ang sunod sunod na katok kasabay ng mahinang boses na humihingi ng tulong mula sa labas ng kanilang pinto. "Tulong!" Dinig niya ulit na sigaw ng lalaki na halos pabulong na lang. Binitawan niya ang hawak na kutsilyo at dahandahan na humakbang pabalik papuntang pinto nila at pagkatapos ay palihim na sinilip sa rehas ng bintana na gawa sa kawayan ang tao sa labas. Nanlaki ang mata niya ng makita sa tulong ng liwanag ng ilaw mula sa street light sa 'di kalayuan ang isang lalaking nakasandal sa pinto nila. Di niya makita ang mukha nito dahil nakayuko at nakasuot ng hoodie, sapo nito ang tagiliran at mukhang hinang hina ito.
Maingat siyang umalis sa pagkakasilip sa bintana at muling sumandal sa pintuan, at mula doon ay dinig niya ang mahihinag daing ng tao sa labas. Nalilito siya, 'di niya alam ang gagawin niya. Gusto niyang tumulong pero paano kong masamang tao pala ang nasa labas at nagpapanggap lang?
Diyos ko tulong po. Ano pong gaagwin ko?
Napapikit siya ng muli niyang narinig ang katok.
"S-sino ka? Alnong Kailangan mo?" Tanong niya sa nanginginig na boses ng magkaroon ng lakas ng loob.
"Help. Please help me." Sagot nito sa mas mahina ng tinig. Matagal bago siya nakasagot, 'di parin kasi siya sigurado sa gagawin niya. Takot parin siya. Disisais lang siya at nag-iisa. Paano kong masamang tao ang sa labas? "Please. I need help."
BINABASA MO ANG
My Assassin And I
RomanceWarning: This story contains MATURE CONTENT, VIOLENCE, SEXUAL SCENE, EXPLICIT WORDS. READ AT YOUR OWN RISK. Tahimik ang buhay ni Sache, hanggang sa isang gabi ay kinailangan niyang tulungan ang binatilyong si Parker. Hindi na niya ito nakalimutan. T...