Bullet 14

23 4 23
                                    

Sache POV

Kinabukasan masigla siyang kumilos para pumasok. Ten thirty nakatanggap siya ng text mula kay Parker.

I'm here at computer lab building. Which room are you?   Stole your number from Mom's phone. Parker. 🤗

Napangiti siya ng mabasa ang text. Patago siyang nagreply at para hindi siya makita ng Prof na may din-i-discuss sa harap. Siguradong mapapagalitan siya.

Aga mo naman. Room Pascal ako. 😀

Reply ko dito habang palipat lipat  ang tingin sa harap at sa cellphone.

Gotcha. Alright. See you in a bit.

Reply ulit nito na 'di na niya sinagot. Two minutes before eleven ay pinagligpit na sila ng Prof nila at saktong alas onse ay pinalabas na sila.  Napansin niya agad si Parker na nakatayo sa gilid ng pader. Malayo na naman ang tingin nito na parang may iniisip. Mas lalong tumangkad ito tingnan sa suot na school uniform na puting polo at itim na slack at itim din na sapatos. Hindi ito nakasuot ng hoodie o sweatshirt pero may sumbrero ito para itago ang mukha.

Napabuntong hininga siya habang umiiling na lumapit dito. Hindi niya alam kong bakit parang lagi itong may pinagtataguan o laging nahihiya na makita ang mukha.

Tinapik niya ito sa balikat ng makalapit siya dito. Lumingon ito at ngumiti. At ayon na naman ang kislot sa puso niya.

"Let's go?" Aya nito na sinagot niya ng ngiti at tango.

"Saan mo ba ako ililibre?" Tanong niya ng naglalakad na sila.

"I will show you my favorite Place." Sagot nito. Nanlalaki ang mata na binalingan niya ito ng tingin. Tumingin din ito sa kanya at ngumiti. "You'll love it. But first thing first, let's buy some food."

Sumakay sila sa dala nitong Kotse at binaybay ang highway. Pagkatapos ng limang minuto ay nagpark sila sa isang mamahaling restaurant. Hindi na siya nito pinababa at saglit lang naman daw ito. Pagbalik nito ay may mga dala na itong dalawag malalaking supot.

Muli silang bumiyahe palabas ng bayan. Habang sa byahe ay casual lang silang nag-uusap tungkol sa mga kurso nilang kinukuha. Maya maya pa ay napansin niyang pumasok sila sa isang makitid na daan. Puro puno ang nakikita niya. Sobrang rough road, at paakyat. Wala siyang nakikitang mga bahay na nadadaanan nila.

Palagay niya ay hindi naman ginagamit ang daan na tinatahak nila. Habang tumatagal ang byahe, pakiramdam niya ay mas lalong kumikitid ang daan. Puro malalaking puno, niyog at malalagong ligaw na halaman ang nakikita niya.

"Saan tayo pupunta?" Hindi na napigilan na tanong niya.

"You'll see. Maikling sagot lang nito sabay ngiti.

Inabot rin siguro ng twenty minutes ang byahe nila paakyat ng unti-onting tumambad sa kanya ang isang malaking bahay. Umunat siya ng upo at inilapit ng kaonti ang mukha sa dashboard ng sasakyan. Bahay nga ang nakikita niya. Dalawang palapag na bahay. Napakamoderno nito sa isang ganito kaliblib na lugar. Black and white ang theme ng pintura nito. Ang ganda ng desinyo nito, iyon bang sa magazine mo lang makikita.

"Let's go. I'll show you my secret paradise." Napakurap siya ng marinig ang boses ni Parker. Nakatayo na ito sa harap ng nakabukas na pinto. Sa obrang mangha niya sa bahay ay hindi na niya namalayan na nakahinto na ang sasakyan. Napagbuksan na rin siya nito ng pinto ng sasakyan.

Dahan dahan siyan bumaba sa sasakyan. Agad naman siyang inalalayan nito. Humawak ito sa siko niya. Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan ay may parang kuryenteng gumapang mula sa kamay nito papuntang siko niya at gumapang sa buo niyang katawan.

My Assassin And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon