Bullet 15

18 3 24
                                    

Sache POV

Isang linggo na ang nakaraan ng nakawan siya ng halik ni Parker. Isang linggo na rin itong hindi nagpapakita sa kanya. Wala ding text o tawag para ipaliwanag ang ginawa nito.

Hindi niya alam kong iniiwasan rin siya nito o talagang 'di lang sila nagpapangita na pinagpapasalamat naman niya kasi hindi niya alam ang sasabihin. Hindi niya alam kong paano humarap dito.

Hindi rin naman niya alam kong nagagalit ba siya o nabigla sa ginawa nito. Gusto niyang isipin na nagagalit siya dahil ninakawan siya nito ng halik pero hindi rin naman niya maikakaila na hindi niya makalimutan ang kiss na 'yon. Kahit hanggang ngayon ay ramdam parin niya ang init at lambot ng labi nito.

"Nakatulala ka na naman diyan. Bilisan mo na pagkain niyan ng mahatid na kita pauwi." Napatingin siya kay Ken na sarap na sarap sa kinakain na kwik kwik.

As usual, nilibre na naman siya nito ng paborito niyang piniritong isaw at lumpiang shanghai sa labas ng university nila. Madalas silang kumain dito na magkaibigan. Paborito nila actually.

Nagpumilit itong ihatid siya dahil parehas na maagang natapos ang klase nila. Pero ito nga at bago umuwi ay nagkayayaan silang ng street food.

"Inaalala ko lang mga assignments ko." Pagsisinungaling niya.

"Sabado naman bukas. Sa linggo mo na isipin." Sagot nito habang sinasawsaw sa maanghang na suka ang apat na stick ng pritong isaw at iniabot sa kanya ang dalawa. "May gagawin ba kayo ni Mrs Frost bukas?" Tanong nito na sinagot niya ng iling dahil puno ang bibig niya ng isaw. Wala siyang natanggap na text o mula kay Mrs Frost na may gagawin silang dessert bukas. Baka wala pang order. "Punta ako sa inyo bukas. Hindi na ako nakakatambay doon sa inyo. Patulong na rin ng research." Suggest nito na ikinatuwa niya kasi malilibang siya ng hindi puro halik ni Parker naalala niya.

"Ay tamang tama. May mga mais na inuwi si tatay galing sa kumpare niya. Ihaw tayo." Suggest din niya.

"Gusto ko 'yan."

Pagkaubos nila ng sampong stick na pritong isaw, dalawang kwik kwik at anim na lumpia ay nagbayad na sila at naglakad na pauwi sa kanila.

Mabagal lang ang lakad nila ni Ken habang nag-uusap ng mga gagawin nila bukas.

"Hi, Kendrick!"

Sabay silang napalingon ni Ken at napahinto ng marinig na may tumawag sa pangalan nito. Limang nag-uumpukan na mga studyanteng babae ang nakita nila na nakaupo sa labas ng tindahan.

"Saan punta mo Kendrick?" Tanong ng isang cute na babae. Mahaba ang kulay brown nitong buhok. Medyo tsinita rin na binagayan ng bangs nito.

Ngumit si Ken dito bago sumagot. "Hatid ko lang bestfriend ko."

"Ingat." Maikli at nahihiyang sagot ng babae na sinagot din ni Ken ng salamat at nagpatuloy na kami sa paglakad.

"Cute 'yon. Ligawan mo kaya?"  Suggest niya dito ng makalayo sa mga babaing nag-uumpukan.

Hindi naman kasi maikakila na gwapo ang kaibigan niya kaya marami rin ang nagkakagusto dito. Matangkad ito, medyo payatin lang ng konti. Kahawig na kahawig ito ng artistang si Khalil Ramos. Wala nga lang nunal at maputi si Ken.

My Assassin And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon