Three

190 4 0
                                    

YUJIN

"Yujinie gising na!" Sigaw sakin ni Jieun.

"Aish. Tumahimik ka nga! Puyat ako." Sabi ko then nagtalukbong.

"Happy Birhtday Yujin and Yuna!" Sabay-sabay nilang sigaw. Great. Nandito pa yata silang lahat sa kwarto.

Bumangon na ako, not minding what I look like. Andito nga sila. Pinicturan pa nila ko. Ang babait talaga. Maybe I looked like a panda there because I have black bags on my eyes. Thank you to that someone na hindi ako kaagad pinatulog dahil sa ginawa niya kagabi.

"Baba nga muna kayo. Mag aayos muna ako." Sabi ko at pumasok na sa bath room. Ginawa ko na ang morning rituals then lumabas na. Andun pa rin naman sila.

Nagbabaan na kami. Ugh. Party nanaman mamaya. Pero dito gagawin sa bahay. Buti na lang. Hindi na ako iinom mamaya. Bahala sila. Kumain na kami. At pool party pala yung birthday ko. Buti naman hindi formal party. Hehe. Kumpleto pala kaming magkakaibigan ngayong kumakain. Hindi na daw sila uuwi. Kaya mamaya magshopping uli. Tingan mo 'tong mga 'to. Tamad umuwi pero may ganang magshopping. Ay ewan.

Nandito kami ngayon sa entertainment room namin. Trip daw nila manood. Pagpasok nila, kanya kanya kaagad silang kuha ng chips and chocolates. Ang babait talaga. Buti na lang binigyan ako ni Daewon ng favorite kong chips.

IT. Hala eto yung sa clown diba? Ayoko manood bahala sila. Matutulog ako. Umupo na ako. So bale napaggigitnaan ako nina Minah at Yura.

Sinuot ko na yung earphones ko habang nagscroll sa Facebook.

Jang Haneul
49 minutes ago
I know I'm evil. And I'm proud of it.

Luh. Proud pa siya. Bahala siya sa buhay niya. Kung ikasasaya niya pagiging miserable ko, wala na akong pake.

Makapagstatus nga rin.

Yujin Kwon
4 seconds ago
Mosaics are made from broken pieces and they're still works of art and so as you.

Nagpost na rin ako sa ig and messenger story ko saka pala sa snapchat na kung trip nilang pumunta sa birthday namin, edi pumunta sila. Basta pool party at 6 pm. Haha. Tinatamad akong invite sila isa-isa. Makatulog na nga.

+++

Nagising ako sa mahinang tapik sa braso ko. Dumilat na ako at nagulat ako dahil bungad ang mukha ni Jimin.

"Wifey, buti naman gising ka na. Ang hirap mong gisingin." Narinig kong sabi niya. Pagtingin ko sa paligid, kami na lang yung tao. Asan na yung mga magaling kong kaibigan?

"'Bat tayo na lang nandito? Asan yung iba? Kanina pa ba sila lumabas?" Tumayo na ako.

"Actually kakalabas pa lang nila nung nagising ka. Nasa kwarto sila." Tignan mo 'to. Ang OA naman ng 'ang hirap mong gisingin' niya.

Pumunta na akong kwarto at nakita kong nag-aayos sila. Ah, baka ngayon na kami pupuntang mall. Hindi na ko maliligo. Naligo na ako kanina. Nagpalit na lang ako ng damit then go na. Tinatamad ako magmake up. Wala na din namang naligo sa amin kaya pumunta na kami.

Ang dami namin, para kaming pamilya na hindi nakapag family planning eh. Haha. Nagkanya-kanya na kami then nag usap na magkita sa favorite resto namin by 12 noon. Kasama ko sina Minah, Jiyeon, Yunseong and Minjae.

"Wifey, mamaya na lang tayo magsama uli ha? Wag mo ko masyadong mamiss." Sabi ni Jimin bago maghiwalay. Kapal.

Iniinis nanaman ni Yunseong si Jiyeon as usual habang kami ni Minjae ay tumitingin ng swimsuits. Si Minah ay tumitingin ng sandals.

Nakapili naman na kami ng bibilhin at nagbayad na din sa counter. Treat na daw ni Yunseong kasi andyan si Jiyeon. Pero wala naman siyang binili.

"Bakit wala kang binili?" Minah.

When You're GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon