YUJIN
Napapansin ko na napapadalas ang pag-isip ko kay
Taewoo. At last month nagkaroon na kami ni closure. Kung closure ngang matatawag 'yun. Siguro naman malinaw na sa aming dalawa na kahit gaano pa namin kamahal ang isa't-isa, maaaring hindi nga kami ang para sa isa't-isa.Ang kailangan ko na lang gawin ay ang mag-move on at maging masaya muli. I admit, masaya naman ako. Ngunit may parte pa rin sa puso ko na parang may kulang. But I don't know what it is.
Maybe acceptance. Lagi kong sinasabi sa sarili ko na, 'okay na', 'tanggap ko na', pero sa kaloob-looban ko alam kong umaasa pa rin ako. Nakokoloko lang, 'no? Ako 'tong nagtulak palayo tapos umaasa na babalik kami sa dati.
Sabi nga nila, hindi ka makakamove forward kung hindi mo pa tanggap ang iyong kapalaran. Kaya nga hanggang ngayon mahal ko pa rin siya.
Bigla akong nakarinig ng katok sa pinto kaya't lumapit ako at binuksan ito at tumambad sa akin ang bunso kong kapatid na si Yunseong at hinihingal pa.
Pumasok siya sa amin at kumuha ng tubig. Naupo naman ako habang hinihintay ang sasabihin niya.
"Ate nasaan si Jiyeon?" Panimula niya.
"Bakit sa akin mo tinatanong hindi naman kami parehong fourth year."
"Mas close kaya kayo kesa sa kanila ni Yura."
Nag-text na lang ako kay Jiyeon kung nasaan siya at sinabing nasa dorm lang daw siya. Kaya't sinabi ko na rin kay Yunseong.
"Anong room pala ni Yeonie baby? Hehe."
"Wag mo siyang pasukin sa dorm niya! Sumbong kita kay Mom."
"Kakatok lang ako, maka-react ka dyan parang rerape-in ko siya eh, tch."
"Aba malay ko ba kung iba na takbo ng utak mo." Pang-aasar ko kaya't kumunot lalo ang kanyang noo.
"Ate kapatid mo ako! Kapatid! Kadugo! Kapamilya! Kapuso! 'Nangyan makaalis na nga." At umalis na siya.
Pikunin ever talaga 'tong kapatid ko.
Tinignan ko ang phone ko at mayroong isang text si Jimin na kaagad kong binuksan.
From: Jiminie
It's okay wifey! I hope you had a good sleep. By the way, let's have dinner date later?Mabuti na lang kahit busy siya ay mayroon pa rin siyang time para sa akin. Hindi naman sa demanding or what, pero paano kami magki-click kung wala siyang oras sa akin, di'ba?
Nag-reply naman ako ng sure at sinabi niyang susunduin niya ako dito before 6 PM. 4 PM na rin kaya't naligo uli ako at ginamit ang bathtub para ma-relax ang katawan ko. Magbababad na lang ako dito hehe habang nagbabasa ng libro.
Muntikan na akong makatulog habang nakababad ako kaya't umahon na ako at nag-ayos. Akala mo honeymoon pupuntahan ko eh, makapag-ready ako wagas.
I chose beige lace dress na tinernuhan ko ng beige ankle strap heels. Para neutral lang. Nag-makeup na rin ako, 'yung tipong natural beauty. Baka sabihin ni Jimin masyado kong pinaghandaan eh. It's a big no no. Petics lang kaya ako dito.
Halata naman di'ba?
Nag-vibrate ang phone ko kaya't dali-dali ko itong tinignan.
From: Jiminie
Wifey I'm here now at parking lot, wait me there.Kaya naman bumaba na ako para salubungin siya kahit na sinabi niyang maghintay na lang ako dito. Siguro dinumog nanaman siya ng admirers niya papunta dito. Marami-rami rin naman ang nagkakagusto sa kanya dito kahit hindi siya nag-aaral dito. Nagulat naman ako nung makitang nasa tapat ko na ang kotse niya.
BINABASA MO ANG
When You're Gone
Romance(#1) They said being on a fixed marriage is hard. Why? Because there's no guarantee you'll gonna be happy. That you'll love him and he'll love you as well. She knew it because her parents are from fixed marriage too. But they divorced after years, s...