YUJIN"Wifey saan mo gustong pumunta? Wanna go somewhere fancy or simple?" Tanong niya.
Ako pa pinag-isip. Akala ko may plano siya. Pero ang pogi niya pa rin kahit ganun.
"Wag na sa mamahalin, nahiya naman 'tong damit ko di'ba?" Sabi ko na lang.
"I don't see anything wrong with your dress. You look so stunning." Tumingin siya bahagya sa akin dahil nakahinto kami.
Wag kang ganyan, kinikilig ako. Napatingin na lang ako sa bintana at nag focus naman siyang magdrive. Hindi ko alam kung bakit kahit na tahimik kami pareho, hindi naman awkward sa amin ang katahimikan.
At saka ang gaan ng loob ko sa kanya, sobra. Yung parang ang tagal ko na siyang kilala kaya para sa akin ang dali niyang pagkatiwalaan.
Ilang sandali lang ay huminto na kami. Hindi ako pamilyar sa lugar kaya't nilibot ko ang paningin ko. Nagtataasang pader ang sumalubong sa amin pagkababa ng kotse. Binasa ko ang nakasulat sa gate.
Dongdaemun Orphanage
Ano naman ang gagawin namin sa ampunan? Pumasok na kami at sinalubong kami ng mga nag-aalaga siguro sa mga bata dito. Napakabait naman nila at inanyayahan na kaming tumuloy sa loob.
Nakakamiss din palang pumunta dito. Meron din kasi kaming pinupuntahang orphanage sa probinsya namin at may anak kami doon ni Daewon.
Taenggi, I miss you.
Pagpasok namin ay sinalubong kaagad siya ng yakap ng iilang mga bata at naiwan akong nakatayo sa pwesto ko. Sabik na sabik ang mga bata na makita siya. Marahil ay lagi siyang pumupunta dito.
Dumiretso na kami sa isang kwarto dahil study time na pala ng mga bata. Meron siyang akay-akay na batang babae na medyo madungis ang mukha dulot ng pag-iyak. May sipon pang tumutulo kaya pinunasan ito ni Jimin gamit ang kanyang panyo.
Siguro nasa tatlo o apat na taon ang bata. Maikli ang buhok pero may maputing balat at nasa tama ang pangangatawan. Ugh, she's so cute.
Naupo kami sa likod habang pinapanood ang mga bata.
"Sorry wifey ah. Eto lang ang naisip kong puntahan natin." Sabi niya sa akin. Ngumiti ako.
"It's okay. Actually I'm enjoying it. And I really like kids so don't worry." Ngumiti din siya sa akin at hinawakan ang kamay ko't nilaro-laro ito.
Nakakatuwa talagang tignan ang mga bata na 'to. Nakalalungkot lang dahil wala na silang magulang, pero pinupunan naman ng mga tauhan sa orphanage ang pangangailangan at kalinga na ipinagkait sa kanila kaya ayos na yun.
"Jiminie, how did you found out this place?"
"Hobby na nila Mom tumulong. So every three months, pumupunta sila sa kung saan saang orohanage in our country kaya nalaman ko 'to. Siguro kaya monthly ako bumibisita dito ay napalapit ako ng husto sa mga bata at tao dito."
It's good to hear na tumutulong sila. We're also doing that natigil lang five years ago nung naghiwalay na sila mom and dad.
Pumunta na kami sa dining area dahil lunch time na nila at sinabi sa aming dito na daw kami kumain. Lumapit uli ang ilang bata kay Jimin pag upo namin.
"Oppa, is he your girlfriend?"
"Hyung, are you two couple?"
"Oppa who is she?"
English speaking pala mga bata dito. So cute.
"She's my fiancé. Say hi to you Noona/Eonnie Yujin."
BINABASA MO ANG
When You're Gone
Romance(#1) They said being on a fixed marriage is hard. Why? Because there's no guarantee you'll gonna be happy. That you'll love him and he'll love you as well. She knew it because her parents are from fixed marriage too. But they divorced after years, s...