Ten

88 1 0
                                    

YUJIN

Nakayuko lang ako the whole trip papuntang 9th floor dahil nahihiya ako. Obvious naman di'ba? Ano ba kasing ginagawa ni Jimin dito? Wag mo sabihing balak niyang maging artista or idol?

Hindi pwede!

Dadami ang magkakagusto sa kanya.

Leche ano ba 'tong mga pinag-iisip ko. Eh bakit nga ba kasi nya naisipang pumunta dito? Nakita niya pa tuloy ako. Uy don't get me wrong, gusto ko rin naman siyang makita, pero may lakad nga ako ngayon di'ba?

Ting!

Lumabas na kami at naiwan sina Jimin at ibang tao na nasa loob. Dumiretso na kami sa isang studio. Nakita ko ang ibang artista na inaayusan kaya dumiretso na rin si Jisung sa mga nag-aayos at nasa gilid niya naman ako.

"Uy girl jowa ka ba netong alaga ko?" Tanong ng makeup artist niya sa akin.

Umiling lang ako dahil 'yun naman ang totoo. Mukha namang ayaw pa niyang maniwala kaya naman si Jisung na ang nagsabing friends lang kami.

"Masyadong showbiz sagot niyo ah? Kayo talaga."

Bakit ganun pag showbiz. Kapag tinanong ka kung kadate mo ba si ganyan, tas sinabi mong friends lang kayo, ayaw maniwala? Parang mga timang. Bakit pa magtatanong kung hindi lang din naman maniniwala.

Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko kaya't kinuha ko ito.

From: Jimin
Let's talk later wifey.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Shet ramdam ko na 'yung kaba ko ngayon pa lang. Baka supalpalin niya ko ng kung anong nakita niya. Ay teka, bakit ba ako kinakabahan? Eh wala naman akong ginawang masama. Saka hindi naman magagalit sa akin si Jimin eh hehe.

Nagreply na lang ako ng 'sure' at itinago na ang phone ko dahil magsisimula na yung taping. Nagtagal din ng halos dalawang oras yung taping at hindi naman siys nakakabored. At least may idea na ako sa next episode di'ba? Hehe. At saka may nakakausap naman ako kahit papaano.

"Yujinie picture tayo."

"Sige."

Nagpicture na kami ni Jisung at siguro in-upload niya din pati yung pictures namin kanina.

In-upload niya rin naman kaagad at tinag pa ako kaya't nagnotify ito sa phone ko.

jisungo: today with a wonderful person

Punyetaaaaaaaaaa------

Bakit ganyan 'yung caption niya at talagang naka-tag pa ako?! Good luck na lang sa akin.

Hinatid na rin ako ni Jisung dahil pagabi na rin at tinanong niya ako kung pwede pa raw ba kaming lumabas next time, so pumayag naman ako.

Pagdating sa dorm, ako pa lang ang tao. Malamang nasa OJT pa ang mga kaibigan ko. Nagpalit na lang ako ng damit at pupunta na lang ako sa unit ni Jimin. Nagdala na din ako ng ingredients kasi magluluto ako doon.

Wala pa siya pagdating ko, baka nasa trabaho. Ay day-off niya ngayon di'ba? Saan naman kaya gumala 'yun? Makapagluto na nga lang.

Halos isang oras din akong nagluto at napagod din ako. Gumala nga pala din ako kanina, di ko namalayang nakatulog ako sa sofa habang naghihintay sa kanya.

"Wifey gising." Bumungad sa akin ang mukha ni Jimin na mukhang kakadating lang. Hindi pa nagpapalit ng damit eh.

"Kanina ka pa?" Tanong niya at nagtungong kusina.

When You're GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon