YUJIN
"Wifey kasi kausapin mo na si Daewon." Pamimilit niya.
"Eh kinakabahan nga ako."
"Bakit ka ba kinakabahan? Ayan na nga 'yung closure na hinahangad niyong dalawa eh, tsk."
Since our confession on that river (he said where it all started), I'm sure may nagbago sa amin, in a positive way. Mas naging open and vocal kami sa isa't-isa. At ngayon pinipilit niya akong kausapin si Daewon. Eh natatakot nga ako sa kanya. Though alam ko namang hindi niya ako sasaktan physically, but his words, sobrang nakakasakit.
"Bahala ka wifey wala kang kiss sa akin." Napapoker face ako.
"Sabi ko nga eh, sige na kasi wifey, bahala ka wala kang hubby for a day." Pangbblackmail niya.
"Sige na nga. Madaya ka eh 'no." Dumila lang siya sa akin.
"Grabe ang clingy mo talaga, ayaw mo akong mawala sa piling mo." Natawa ako. Feeling talaga, ah?
"Coming from you, ah?" Natawa din siya.
"Iwan na kita dito ah? Tatawagin ko na si Daewon, if anything happens just press 1, ako nasa speed dial mo. Mahirap na baka nasapian ng kung anong espiritu 'yang si Daewon kaya nagkakaganyan."
Lumabas na siya at pinipisil ko naman ang daliri ko habang naghihintay. Sana lang talaga magkaayos na kami ni Daewon. Namimiss ko na siya eh, as bestfriend.
Ilang sandali lang ay pumasok na si Daewon at narinig ko pa ang pag-lock ng pinto galing sa labas. Grabe, ni-lock pa talaga kaming dalawa. But I'm sure, nandyan lang din naman sila sa labas, nag-aabang.
"H-hi." Nag-wave pa ako sa kanya. Mukha tuloy akong babaeng nakasalubong ang crush niya, potek.
"I'll be straight, I still love you Yujin." Hindi na ako masyadong nagulat.
"You said before na hindi mo na ako mahal kaya ka nakipag-break sa akin di'ba? Bakit ngayon sinasabi mong your feelings is still the same?"
"I don't know, ang hirap kasi i-explain eh. Mahal na mahal kita sa point na natakot ako sa posibilidad na iwan mo ako."
"So ako ang iniwan mo, ganun?"
Hindi siya nakasagot.
"Wala ng sense Daewon. Tapos na 'yun eh. May Taeri ka na, may Jimin na ako. Ang dami nang nagbago, hindi mo naman pwedeng guluhin ang maayos dahil lang sa gusto mo. Ang gusto ko lang naman malaman, bakit mo ba ako iniiwasan? Akala mo ba madali lang na magkunwaring hindi ka galit sa akin? May nagawa ba akong ikinagalit mo? Oh ano?"
"Naiinis kasi ako sa sarili ko eh, nasa akin ka na tapos ang gago ko binitawan ko pa. Naalala mo pa ba noong bata pa tayo? Nangako tayo sa isa't-isa na tayo lang di'ba? Masyado na ba akong huli?" Unti-unting pumatak ang mga luha na kanina niya pa pinipigilan.
Oh God, may napagtanto ako.
"Daedae are you sure mahal mo pa ako? Baka naman kasi you're just longing of what you've felt before, pwedeng gusto mo lang tuparin 'yung pangako nung bata pa tayo. Dae, andyan si Taeri, hindi mo ba nakikitang mahal ka niya?" Umiling siya.
"Buksan mo ang puso mo Dae, oo masyado nang huli ang lahat para sa ating dalawa, but it's not late to fix yourself, wag kang mabuhay sa nakaraan, tapos na tayo dyan. You must continue to live forward, ilang taon na ang nasayang oh, hahayaan mo pa bang masayang ang isa pang taon?"
"Thank you Yujinie, thank you for letting me go. Siguro nga ito na lang 'yung hinihintay ko para makapagpatuloy ako sa buhay, siguro kung hindi mo pa sasabihin ang lahat ng 'to, patuloy pa rin akong umaasa sa'yo." Napangiti ako. At last, natauhan na din siya.
BINABASA MO ANG
When You're Gone
Romansa(#1) They said being on a fixed marriage is hard. Why? Because there's no guarantee you'll gonna be happy. That you'll love him and he'll love you as well. She knew it because her parents are from fixed marriage too. But they divorced after years, s...