YUJIN
I don't want a lot for Christmas
There is just one thing I need
And I don't care about the presents
Underneath the Christmas tree"All I want for Christmas is youuu woooh!" Sabay-sabay kaming kumakanta dito sa bahay.
"Ngayon lang uli tayo nakumpleto, ah?" Sabi ni Yura.
I would like to say wala naman dito si Dad but I don't want to ruin the mood so I choose not to.
"Ate tumulong ka daw magluto, haha." Pang-aasar ni Yunseong kay Yuna. Siya lang kasi ang mastered ang pagluluto sa aming magkakapatid. Though marunong naman kami ni Yura.Pumunta na siya sa kusina at tumulong na magluto, kaming tatlo naman ay nagkakantahan at nag-aayos sa sala. Pero parang hindi naman talaga kami nag-aayos. May party kasi mamaya dito, syempre invited yung close friends saka family nila. Ganito na din kasi tradition namin, sa New Year's Eve sa bahay naman nila Taeri.
"So kamusta naman pala kayo ni Jimin brader paker?" Close na din sila Jimin at Yunseong, paano magkasundo kapag inaasar ako.
"Okay lang naman? Ganun naman lagi haha."
"So siya na ba tinitibok ng puso mo?" Nagulat ako sa tanong ni Yura.
"I don't know, but all I know is he can make me happy."
"Sissy, anyone can make you smile but not all can make you happy, hindi kaya may feelings ka na para sa kanya?"
"'Di ko alam, wag na nga nating pag-usapan, naloloka lang ako."
"Ate linawin mo 'yung feelings mo sa kanya hanggang maaga, I don't want both of you to get hurt."
Napatahimik ako, hindi alam ang sasabihin. I realized, tama siya. Pero hindi ko rin kasi alam kung wala na ba talaga akong feelings para kay Taewoo. Minsan kasi ang dali lang sabihin na nakamove on ka na, mahirap patunayan.
Nagpatuloy na kami sa pag-aayos at bigla namang dumating dito si Jieun.
"Hulaan ko, makikikain ka 'no?"
"Tumpak brader, nasan ba si Mami Yoorin, gutom na ko hehe."
Sakto namang lumabas si Mom galing kitchen kaya't sinalubong niya ng yakap.
"Mami, gutom na ko huhu."
Etong si Jieun, daig pa kami eh 'no. Pero okay na rin yun, para makakain na rin kami hehe.
Niyaya na kami ni Mom na kumain, syempre kasama si Jieun, ayun magkatabi sila ni Yunseong, sila magkasundo, lakas ng trip ng dalawang 'yan eh.
"Kamusta naman pala mommy mo Jiji?" Tanong ni Mom.
"Ohh, si Hanbyul po ba? She's doing fine naman po, as usual busy kakatravel kung saan-saan."
Nagkwentuhan pa sila habang kumakain kaya't napatagal kami. Pagtapos namin kumain ay pumunta kami sa entertainment room at manonood kami.
"The Notebook na lang kasi!"
"Mas maganda Battleship Island!"
"Fifty Shades Darker na lang mga paker!"
Nagkatinginan na lang kami ni Yuna. Hindi na talaga magbabago 'tong mga 'to, haha.
"Lights Out na lang." Utos niya.
Wala naman sila nagawa kaya't Lights Out na ang pinanood namin.
"HOY WAG NIYONG PATAYIN YUNG ILAW KUKUTUSAN KO KAYO." Sumisigaw na dito si Jieun.
BINABASA MO ANG
When You're Gone
Romance(#1) They said being on a fixed marriage is hard. Why? Because there's no guarantee you'll gonna be happy. That you'll love him and he'll love you as well. She knew it because her parents are from fixed marriage too. But they divorced after years, s...