Seven

128 2 0
                                    

YUJIN

Dahil sa pagmamadali ko kagabi, nakalimutan ko man lang gawin ang mga ritwal ko. Kaya paggising ko ngayong umaga sobrang oily ng mukha ko. Nakakabadtrip. Naghilamos na lang ako at nagtoothbrush.

Napapansin ko lately ang dami kong ginagawang katangahan. Ganito ba ako maging broken? Nagiging tanga? Sa pagkakaalala ko hindi naman. Sa pagkakaalam ko feeling strong ako kapag broken eh. Kunwari di nasasaktan pero kapag nasa C.R. todo iyak na may pagkagat pa ng labi para hindi maingay.

Nakita kong tulog pa ang tatlo doon sa kama, dun na nga sila natulog. Mga mukhang timang pa. Hindi ko alam kung paano nila napagkasya ang sarili nila dahil hindi naman queen size ang kama namin sa dorm.

Naisipan ko namang ipagluto na sila para hindi kami malate mamaya. Naghahanap ako ng mailuluto habang naririnig ko ang hilik ni Moobin. Ano ba magandang lutuin? Carbonara na nga lang. Nilabas ko na ang mga kakailanganin ko at nagsimula nang magluto.

Kahit anong pilit kong alisin sa utak ko ay patuloy pa ring pumapasok sa utak ko ang mga nangyari kagabi. Ganun pala talaga no? Kung ano pa yung gusto mong kalimutan, yun pa yung mas lalo mong natatandaan.

Ay lintek. Umagang-umaga kung ano ano ang pinagsasabi ko. Tinawagan ko na sina Taeri at inanyayahang dito na sila kumain. Kaagad naman silang pumayag. Silang dalawa lang daw ni Jiyeon dahil may klase na ang iba. Nagpapatugtog ako ng Gashina habang sumasayaw.

Ang laswa ko, shet. Ano ba 'tong ginagawa ko? Nababaliw nanaman ako. Ilang sandali lang ay dumating na silang dalawa at nagsayawan kami dito habang nagluluto. Yung tatlo sa kwarto tulog pa rin naman. Mukha kaming timang ni Yeonie na nagsasayaw habang si Taeri naman ay maayos naman sumayaw. Syempre, trainee idol na kaya siya.

"Grabe Yujinie nakita ka na bang sumayaw ng mga napa inlove mo? Hahaha." Pang-aasar ni Jiyeon. Natawa na rin ako.

"Buti nga hindi pa eh." Sumabat naman si Taeri.

"Wag na wag kang sasayaw major turn off!" Nagtawanan kami.

"Hoy ang iingay niyo ata ah." Sabay-sabay na naglabasan ang tatlo sa kwarto.

"May spare kaming toothbrush pala dun sa cabinet sa C.R." Sabi ko.

"Mouthwash lang katapat nito." Sabay na sabi ni Moobin at Jieun.

Yuck.

De joke lang. Nung bata ako mumog nga lang ginagawa ko eh. Pero ngayon parang nandidiri akong ewan.

Ilang sandali lang ay naluto na rin ang carbornara kaya't nagsipagupo na kami't kumain. Dalawang pack ng pasta ang niluto ko pero nakakagulat na naubos namin 'yun. Ganun ba kami kagutom?

Naghugas na ng plato sina Jieun at Yeonie at nagpaalam naman si Moobin na uuwi na siya sa dorm niya. Kaming tatlo naman ay nanood ng Z Nation sa Netflix. Ang hilig talaga namin sa sci-fi.

Naimagine ko tuloy bigla paano kung nagkaroon ng zombie apocalypse dito? Uugod-ugod ba ako o daig ko pa atleta sa pagtakbo? Ah, bahala na. Mabuti na lang talaga't hindi pa nangyayari yun dito.

Kinalikot ko muna ang cellphone ko dahil nag-uusap lang naman ang mga bida doon. Nag-text pala si Jimin.

From Jiminie: 6:09 A.M.
Good morning wifey! Start your day with a smile by thinking of me. I love you. Hindi mo nga lang ako pinatulog kagabi *sad emoticon*

Kinilig naman ako ng konti dahil pumasok nanaman sa isip ko ang nangyari kagabi.

To Jiminie: 7:23 A.M.
Good morning din. Sorry, nakatulog naman ako kagabi. Nasa work ka?

When You're GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon