Six

124 1 0
                                    

YUJIN

What the hell is he doing here?

I mean hindi naman siya nag-iisa. Andito naman sina Minah, Jieun at Moobin. Pero ang makita na andito si Jimin, at take note-- nagluluto pa, it's a big no no no.

"Wifey ang tagal mo naman. Buti sakto dating mo at matatapos na ako sa niluluto mo."

"Galbi jjim pa niluluto, nagpapalakas sayo Sleeping Beauty! Hahaha!" Pinandilatan ko naman si Jieun nang tawagin niya ako sa nakakahiya kong nickname.

"Oo na, titigil na." Natatawa niyang sabi.

Pumasok na ako sa kwarto namin ni Minah at nagpalit na ng damit. Narinig ko namang dumating na yung groceries ko kaya't naglabas na din ako ng cash. Paglabas ko, naabutan kong inaasikaso ni Minah yung delivery.

"Minmin, yung bayad pala oh. Nag-abala ka pa."

"Hindi na, si Jiminie naman yung nagbayad." Napatingin ako kay Jimin na nagsasandok.

O...kay? Inayos ko na lang yung groceries at ilang sandali lang ay kumain na rin kami.

I never thought na marunong palang magluto si Jimin. Hindi halata sa mukha. Ang sarap din niya magluto. Enjoy na enjoy naman sina Moobin at Jieun na mukhang may competition na sinalihan dahil sa bilis nilang kumain. Kami ni Minah ang naghugas pagkatapos dahil nanonood na sila sa labas.

Pansin kong gusto akong tanungin ni Minah but why she isn't approaching me? Or maybe she is shy? Ay bahala na. Baka mamaya itanong niya rin kung Taewoo ba or Jimin. Kahit na alam na rin naman nila kung ano ang sagot.

Nanood na rin kami ng movie habang nasa kama ko kami ni Jimin, yung tatlo kasi nasa kama ni Minah. Nakahiga ako sa braso ni Jimin. He's really sweet. But I'm really concern baka kasi mamanhid yung braso niya. He said ayos lang daw, so I let him.

The movie ended at tulog na yung tatlo sa kama. Ako naman dito ay tahimik na kumakain ng popcorn. Si Jimin mukhang natutulog na din.

Ang gwapo niya talaga, pakshet.

Muntikan ko nang hawakan ang mukha niya buti na lang napigilan ko ang sarili ko. Pinagnanasaan ko ba ang fiancé ko?! Nakakaloka.

"Staring is rude, wifey." Nakadilat na pala siya.

"I'm not staring. I'm gazing." Ganti ko.

"You're creepy." Kunot-noo niyang sabi.

"It's romantic." Pang-aasar ko. Nakita kong namula siya.

"Wag kang ganyan wifey kinikilig ako, aah." Natawa ako. He's so cute.

"Now you're laughing at me. Panagutan mo ako." Ugh. When did he start to be adorable?!

"Lakad tayo?" I said. Wala namang curfew dito sa campus namin. Kaya nga ang daming pumupuntang clubs at kung saan saan pa eh.

Lumabas na kami at binigay niya yung jacket niya pero tumanggi ako since long sleeves naman ang suot ko.

"Dapat tinanggap mo wifey para romantic." Pamimilit niya.

"Eh hindi naman ako nilalamig. Saka anong romantic pinagsasabi mo?" Ngumisi siya.

"You started it." Namula ako. Nakakahiya, ano ba yan.

Naglakad-lakad lang kami hanggang sa mapadpad kami sa Sundong Lake. Ang dakilang tambayan namin bukod sa rooftop. Nakatitig lang kami sa kawalan habang nakaupo at magkahawak ang mga kamay.

Nadarama kong bumibilis ang pagtibok ng puso ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko lagi kapag kasama ko siya? Hindi ko maintindihan. Hindi ko naman siya mahal, pero kakaiba ang nararamdaman ko talaga sa kanya.

When You're GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon