YUJIN
Hindi ako makagalaw sa kintatayuan ko. Hanggang ngayon ay mahigpit pa rin ang yakap niya sa akin na para bang ayaw niya akong pakawalan.
Dahan-dahan na rin akong napayakap sa kanya pabalik. Not minding our friends there, seeing us. Ang mahalaga maramdaman niyang nandito na ako at hindi na mawawala pa. Bumitaw siya sa yakap and he cupped my face.
"Where did you go wifey? And why not bother telling us?"
"I went to Gumi by myself. Kasi naman, mag-isa lang ako, nakakalungkot. Masyado kayong busy. So napag-isipan kong bumisita muna doon. Kay Jieun na lang ako nagpaalam kasi siya 'yung huli kong kausap kanina. Hindi ko naman alam na nawala pala 'yung cellphone niya."
"We're busy, huh? Just ask me and I'll free my damn time for you. I don't want you to be upset or feel lonely wifey, so next time tell me if you want someone to be with you. I can literally give up anything for you."
Inaamin kong kinilig ako sa sinabi niya ngunit hindi ko maiwasang makaramdam ng ilang-- dahil alam kong pinapanood kami ng mga kaibigan namin!
Napalayo kami sa isa't-isa nang tumayo si Daewon. Mukhang bagot na bagot siya.
"Ano? Tapos na ba kayong maglandian diyan? Ayan na, nakabalik na siya, okay na. Kaya umalis na tayo. Malay ba natin kung nakakaistorbo tayo di'ba." Tumitig siya sa akin at ilang sandali lang ay lumabas na siya.
Tumayo na rin ang iba upang umalis ngunit lumapit sa akin si Jieun at bumulong, "Don't mind our Lolo Daewon. He's just tigang." Nakaramdam ako ng ilang sa huli niyang sinabi kaya't napahalakhak siya't tuluyang lumabas.
Dinala naman ako ni Jimin sa dining table namin kung saan nandoon si Minah at nakasubsob ang mukha sa table, mukhang natutulog. Hindi ko na siya ginising. Malamang pagod 'yan. Kumain na kami ni Jimin-- turns out hindi pa pala siya kumakain dahil hinihintay niya daw ako.
Sinabihan ko naman siyang laging kumain sa tamang oras. And he used my words against me, nice clapback though.
Ako na ang naghugas ng kinainan namin at ginising ko na si Minah, para makatulog siya sa kama niya, mas kumportable 'yun kung tutuusin kesa ang sumubsob sa mesa.
Nagulat naman siya't napayakap pa sa akin. Wow, they really cared for me, huh? Of course Yujin! Kasama mo sila since you're kid. Ang tanga mo talaga. I understand Taeri why she slapped me but I think she went too overboard. Ang sakit kaya nung sampal niya. Bahala na bukas.
Hinatid ko na si Jimin sa parking lot dahil lagpas 10 PM na. I'm sure may pasok siya bukas. Habang ako'y wala. Well one class only. Kaya naman I'm gonna stay here all day. Hindi na ako aalis. Baka may masabi pa sila, tsk.
**
Nagmamadali ako papuntang first class ko, ni hindi na ako nakapagsuklay at tinali ko na lang ang buhok ko. Wala din akong makeup na suot, so I looked like a walking radish. Well, everyone here looks like radish but ang putla ng kulay ko kaya't mukha akong naiiba.
Muntikan na akong hindi makaabot sa first class-- and my only class for today pero naunahan ko siyang pumasok kaya hindi ako late.
Hinihingal kong binaba ang bag ko sa bakanteng upuan na una kong nakita at pinaypayan ang aking sarili gamit ang mga kamay. Ilang sandali lang ay pumasok na ang prof namin at kaagad siyang nag-attendance at pagkatapos ay nagsimulang mag-discuss.
Napatingin ako sa mga kasama ko sa room. Halo halo yata kaming nandito eh. May mukhang freshman at sophomore akong nakikita. Based on their ID lace.
BINABASA MO ANG
When You're Gone
Romance(#1) They said being on a fixed marriage is hard. Why? Because there's no guarantee you'll gonna be happy. That you'll love him and he'll love you as well. She knew it because her parents are from fixed marriage too. But they divorced after years, s...