YUJIN
Wow, in just one night dumami bigla 'yung follower ko. Si Jisung may gawa neto eh. Feeling ko talaga akala nung iba nagdidate kami ni Jisung.
It's a nope.
I don't think we can be more than friends.
I love another and so as he.
Besides he has family-- well not the typical family.
May phone palang naiwan kagabi sa pinagkainan namin. I bet it was from girl na mukhang galit sa akin. Nandun 'yung picture niya and a baby girl sa wallpaper. Parang anak niya. Infairness, hindi pa siya mukhang mommy. Hindi ko pa naman binubuksan 'yung phone niya baka sabihin niya nangingielam ako tas lalo pang magalit sa akin.
Ang boring talaga sa Marketing. Hindi ko alam kung bakit. Pero nakikinig naman ako. Hindi nga lang ngayon hehe. Nilabas ko 'yung binabasa kong libro about heartbreak. Ang ganda netong libro kasi dama mo talaga 'yung sakit at feels ng author. So pasimple lang akong nagbabasa habang nagdidiscuss siya. 'Di bale, nakapag-advance reading na ako sa subject niya.
Nakalimang chapter din ako habang nagdidiscuss 'yung prof namin. Pagkabell, lumabas na ako sa classroom at sinalubong si Daewon na kanina pa nakasilip sa bintana.
Mukha siyang timang, sa totoo lang.
"Saan tayo?" Tanong ko at tinuro niya 'yung kisame. Malamang sa rooftop 'yan.
"Hindi tayo bibiling pagkain?" Umiling siya.
"Nagpadala si ate kanina ng supply, gusto kong i-share sayo hehe." Inakbayan niya ako habang papunta kami sa rooftop.
Normal na naman ito sa amin dahil nga simula pagkabata namin magkakaibigan na kami.
Nilatag namin 'yung coat namin at naupo na sa sahig. Malamig 'yung hangin pero maaraw namin. Tama lang 'yung weather.
"Namiss kita." Bigla niyang sabi.
"I miss you too. Masyado lang talaga tayong busy, lalo na't graduating tayo."
"Ikaw nga 'yung hindi busy sa pag-aaral diyan. Busy kay Jimin, tch." Inismiran niya ako.
Napakunot naman ang noo ko. Anong problema netong lalaking 'to?
"Hindi kaya. Busy din kaya siya sa trabaho niya. Tampo naman 'tong bestfriend ko. Don't worry, mas close pa rin tayo." Humalakhak ako nung nakita kong mas lalong lumukot 'yung mukha niya.
"Pinagtitripan mo nanaman ako eh."
"Hindi ah. May tanong pala ako, what's the score between you and Taeri?"
"Magkaibigan lang kami, wag mong bigyan ng malisya ang closeness namin. Alam mo namang ikaw lang." Ngumiti ako.
"Alam ko namang ako lang 'yung pinakaclose mong babaeng kaibigan. Di naman ako nagtatampo 'di tulad mo."
Hindi ko alam kung may masama ba akong nasabi o ano basta bigla na lang siyang naging bad mood. Halos magsalubong na 'yung kilay niya at hindi niya ako pinapansin hanggang sa matapos kaming kumain. Hindi niya rin ako hinintay makatayo at iniwan na lang ako.
"Babygirl Yujin!" Napalingon ako sa tumawag sa akin habang papunta ako sa first floor.
It was Minsung. Taewoo's twin brother.
Identical twins sila. At cinareer ata nila ang pagiging kambal dahil pati tattoo at hairstyle ay pareho sila. May maliit lang na nunal si Minsung sa eyelid at 'yun ang pinagkaiba nila. Pero kung titignan mo sa malayo ay mahihirapan kang i-distinguish kung sino ba si Taewoo or Minsung.
BINABASA MO ANG
When You're Gone
Romance(#1) They said being on a fixed marriage is hard. Why? Because there's no guarantee you'll gonna be happy. That you'll love him and he'll love you as well. She knew it because her parents are from fixed marriage too. But they divorced after years, s...