YUJIN
Hindi ko alam kung sasagutin ko ba ang tawag niya. At bakit naman siya tatawag? Wala akong makitang dahilan.
Natigil ang pag-ring at napahinga ako ng maluwag, ngunit ilang sandali lang ay tumatawag uli siya.
Wag kang maging duwag Yujin, sagutin mo ang tawag niya.
"Uhm, hello?" Hindi kaagad siya sumagot at tanging paghinga lang niya ang naririnig ko sa kabilang linya.
"Yujini--"
"MERRY CHRISTMAS PO SORRY WRONG NUMBER---"
"Hey hey wag mong ibababa ang tawag."
"Okay, bakit ka pala napatawag?"
"Why are you crying?"
Nagulat ako sa tanong niya. Pumunta kaagad ako sa bintana at sumilip sa baba, hinahanap siya. Ngunit hindi ko siya nakita.
"How do you know?"
"I am asking why Yujinie."
At nagkwento na ako sa kanya.
"Hindi mo talaga alam na may feelings pa rin sa'yo bestfriend mo?" Umiling ako, at napagtanto kong tumatawag lang pala siya.
"Nope, I mean recently medyo nahahalata ko pero binabalewala ko lang."
"Ang manhid mo naman, kahit nga nung tayo pa, it's too obvious na mahal ka pa rin niya." He chuckled.
"Eh sa anong magagawa ko? Sinabi niya sa akin na it's over, na hindi niya na ako mahal diba? 'Tas biglang ganun, biglang mahal niya uli ako? Ang unfair naman."
"I'm not sure about his feelings but maybe na-overwhelm lang siya nung naging kayo."
TOK! TOK! TOK!
"Uhh, meron kasing kumakatok, is it okay kung ibababa ko muna 'tong tawag?"
"Sure, I'll contact you soon. See you soon Yujinie." The he hung up.
Binuksan ko ang pinto at nakita kong nagpapanic si Yura.
"Ate ano bang ginagawa mo dito?! Nagsasapakan na sila't Taehyun and Daewon nandito ka pa rin."
"Oh anong gusto mo? Nandun din ako nakikisapak sa kanila?" Binatukan niya ako.
"Baba na tayo dali!" Sigaw niya kaya't nagmamadali kaming bumaba. Buti na lang inayos ko na sarili ko habang tumatawag sa akin si Taewoo.
Naabutan naming hawak nila Jimin at Yunseong ang nagwawalang si Taehyun habang nakaawat si Moobin at Taeri sa kalmadong si Daewon. Lumapit na rin sa kanila sila Mom at Tita Chaemi (Taeri's mom.)
"What's the matter here?"
"Wala po Mom, nagkapikunan lang po sila hehe." Sabi ni Taeri.
"Okay? Are you sure everything's fine? Taehyun son, don't be too hot-headed, nakainom ka ata eh?"
"I'm okay Mom." Walang emosyon niyang sagot.
"Okay we'll leave you here, wag ulit mag-aaway." Paalala ni Mom at bumalik na sila.
Medyo malayo din kasi pwesto nila sa amin kaya't hindi na nakapagtatakang hindi nila alam buong storya.
Nagpumiglas uli si Taehyun kaya hinigpitan nila ang hawak sa kanya.
"Tangina, magpapahangin lang ako, bitawan niyo ako." Binitawan na siya at masama muna siyang tumingin kay Daewon bago lumabas, pumasok naman sa loob sina Taeri at Daewon para gamutin siya.
BINABASA MO ANG
When You're Gone
Romance(#1) They said being on a fixed marriage is hard. Why? Because there's no guarantee you'll gonna be happy. That you'll love him and he'll love you as well. She knew it because her parents are from fixed marriage too. But they divorced after years, s...