Chapter 13 Guilt

18 1 0
                                    

Chapter 13 Guilt

Satana’s POV
Pagkadating na pagkadating ko sa Classroom, rinig na rinig ang ingay sa loob. Nagkukumpulan ang mga babae sa isang particular na tao. Hindi naman ako curious pero nung Makita ko kung sino ang pinagkakaguluhan nila lumapit ako at hinawi ko sila.

“Good Morning Xaver” batiko sakanya. Buti nalang pala at Sa klase ko ngayon ay nandito sya, napupuno nya talaga ang araw ko.

“Ano bang problema mo?” tanong nung isa sa mga babae sa kumpulan kanina na kasama sa paghawi ko.

“Is there something wrong?” tanong ko, figure out the sarcasm.

“TSS. BITCH” tapos bigla ay sinabunutan nya ako. Pero imbes na lumaban ibinaba ko lang ang kamay ko. Baka mamaya kasi iba ang magawa ko sakanya. Pero bigla ay sumama sa pagsabunot at pagsampal saken yung ibang mga babaeng kasama sa paghawi ko kanina. Shit, nararamdaman ko na ang hapdi ng anit ko at nang pisngi ko, damang dama ko rin ang mga kalmot na binibigay nila saken.

“Xaver….help” yan lang ang nasabi ko, hindi ko sya Makita sa crowd pero wala akong naririnig na nag sstop ng away na to, kaya kahit konti naramdaman ko ang sakit, not physically but emotionally.

“STOP” sigaw ng isang lalaki, hindi yun boses na kilala ko, bago lang yun sa pandinig ko. Natigil ang ginagawa nila sakin. Nahawi ang mga babae at pumasok ang isang lalaking matangkad, at gwapo pero mas gwapo parin talaga ang Xaver ko.

“What the hell is happening?” sabi niya. Itinaas ko ang buhok kong ubod ng ganit. Nakaharap saken yung lalaki.

“What?” tanong ko. Napalingon ako kay xaver na hanggang ngayon ay pirming nakaupo sa upuan nya. Ansakit sobra. Hinawakan ako ng lalaking kadarating palang at hinatak ako palabas.

“Wait. San mo ko dadalhin?” tanong ko sa may pagkairitang boses. Sa labas nakita ko ang humihingal na si Bailey.

“Are you okay?” tanong nya pero hindi ko nasagot. Sumunod nalang sya sa lugar kung san man ako dalhin ng lalaking ito. Maraming nakatingin saamin. Marami ang nakangisi at nagbubulungan. Tinatry kong tanggalin ang pagkakahawak nya sakin pero sobrang higpit ng hawak nya. Dinala nya ako sa likod ng YP Building kung saan may garden at mga bench. Duon binitiwan nya ako. Nilapitan ako ni Bailey.

“Ayos kalang?” tanong nya sabay hawak sa braso kong puro kalmot at tingin dito. Tiningnan ko sya ng masama.

“Pwede ba! Layo-layuan mo ko?” irita kong sabi sakanya at hiniklas ang kamay ko. I saw, shock and pain in her eyes. Naluluha na syang tumakbo papasok sa loob ng building, nakita ko naman yung lalaking humatak saken na masama ring nakatingin saken,

“What?” tanong ko sakanya.

“DO you expect me to say thank you to you?” tanong ko sakanya. Tumaas bigla ang kilay nya.

“I didn’t expect that the vice president of the Night Class will be like that” sabi nya.

“like What?” tanong ko.

“Like a Chihuahua when getting hitted by blows of lions, then act cool though she looks like a mere wounded puppy” sabi nya. Sinamaan ko sya ng tingin.

“Bakit, sino k aba ha?” tanong ko sakanya.

“Tsk. Im Cloud Luille De guzman the VP of the Day Class Student Council, and from now on we are going to work on the papers of enrollees.” Sabi nya.

“I don’t care” sabi ko sakanya. Lumapit sya saken. Seryoso syang nakatingin saakin habang palapit, hindi ako nagpaawat sakanya. Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko at matapang na nakipagtitigan sakanya.

KuroShiro Academy: Beyond the Boundary [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon