01

2.3K 57 84
                                    

Sana's PoV

"Tae ayoko niyaaaan!" tili ni Dahyun tsaka tumakbo paakyat ng room nila.

"Arte mo unnie! It's just a fake lizard!" asar ni Chaeyoung sa kanya.

"Wag kang papasok dito sa kwarto, cub! Masasakal kita!" triggered na siya. Hahaha.

Hey it's me, Minatozaki Shy shy shy Snakeu Sana. I'm 21 years old, the life of Twice and Onces. Yieee.

2 big years, dalawang taon ng namamayagpag ang Twice. We're on top until now. Marami mang bashers or kung anong against sa group namin we're getting more stronger.

Pero sa dalawang taon na yun, masaya man ako, nakikita niyo na lagi akong nakangiti pero hindi buo yun, because since the day I've realized that I'm inlove with her I felt burden and stupid. Coz' I'm always by her side no matter what, even if I'm not the one that she loves.

She was so stuck with my bestfriend, Momo. She loves Momo no matter what and Momo loves her too pero hindi mawawala ang mga panahong nagkakasakitan sila ng damdamin at sa mga pangyayareng yun ako ang takbuhan ni Dahyun.  Yeah, si Dahyun nga ang mahal ko.

Dun lalong dumudoble ang sakit, sa tuwing nakikita ko siyang umiiyak at nasasaktan kasabay din nito ang sakit dahil sa mas naipapamukha pa sa akin na hindi ako ang laman ng puso niya.

"Oyy! Tulala ka nanaman unnie!" sabi ni Jihyo sa akin ang tarling pa naman ng boses niya.

"Sakit sa tenga ah." sarkastikong sabi ko sa kanya.

"Arte ah." sabi niya naman sa akin at nagmake face bago tumuloy sa kusina.

"No sched! Freeeee daaay!" sigaw ni Nayeon unnie.

"Right! Makakapagpahinga na tayo." Jungyeon unnie added.

"Yeaaaah. Makakatulog din tayo ng mahimbing sa wakaaas!" gatong pa ni Momo kaya nakatanggap siya ng batok kay Mina.

"Ang ingay mo." cold na sabi ni Minari. This girl, napakatahimik.

"I'm hungry." mahinang ungot ni Tzuyu.

"Aba naman Chewy. May pagkain sa ref, nagluto si Jihyo unnie." eskahaderang sabi ni Chaeyoung habang nakahilata sa sofa. Pustahan nagpapaantok na yun.

Kakauwi lang kasi namin 2 hours ago, 6am palang at galing kami sa event namin. Inabot kami ng madaling araw. Nako. 2017 is really a hardest and so busy year for us.

"Alright kakain ako. Sinong sasama?" tanong naman ni Maknae.

"Wala. Kumain na kami. Kaw lang naman di pa nakain eh." segway ni Nayeon unnie. Napasimangot si Tzuyu bago tuluyang sumunod sa kusina.

"Tara, Jejemon. Sa kwarto na lang namin tayo matulog." hatak ni Mina kay Chaeyoung.

"Langya ka. San mo nakuha yang word na yan?" saad ni Chaeyoung na nagpahatak na kay Mina.

"Sa mga Filipino fans somewhere out there." luh daming alam ng penguin na ituuuu.

Nang makalayas yung dalawa sumunod naman si Jungyeon unnie kasama si Nayeon unnie na matutulog narin daw. Kami nalang ni Moguri ang siyang naiwan dito.

"Oy munggago! Pengeng dos, lol. Biro lang, Squirrel. Di ka matutulog?" tanong ni Momo sa akin.

"Makamunggago. Urur. Teka, matutulog pero maya maya nalang siguro." sabi ko sa kanya bago ako nagsuot ng earphone nakaupo lang ako sa couch.

Masakit lang ulo ko, siguro dahil sa pagod. Kaya pumukit nalang muna ko.

Dinig ko ang pagbukas ng isang kwarto, kasunod ang boses ni Dahyun.

"Moguri unnie!" malambing na tawag ni Dahyun kay Momo. Well, di na ko dumilat I bet magkayakap sila or what.

"Oh, Dubu ko." balik ni Momo kay Dahyun.

"Aalis tayo ngayon? As promise? Di na tayo natuloy last week." sabi ni Dahyun.

"Ah eh... We need to rest first. Di tayo pwedeng gumala isa pa nag i-snow sa labas. Delikado." saad ni Momo. Tinanggihan nanaman niya si Dahyun, mas gusto niyang matulog kase makasama yung babaeng mahal niya.

"Mahina lang naman ang bagsak ng snow." saad ni Dahyun. Malungkot at nanghihinayang ang boses niya. Alam ko nakasimangot na siya kahit nakapikit lang ako, mahina ang volume ng headset ko kaya dinig ko sila.

"Dun na muna ako sa kwarto. I need to sleep. Kung gusto mo tulog ka din tabi tayo." sabi ni Momo.

"No, unnie. Dito nalang muna ko sa sala. Tutal andito naman si Sana unnie na tulog din." sabi ni Dahyun. Nagtatampo siya kay Momo sigurado.

"Sige. I love you Dahyunie." sabi ni Momo.

"I love you more Moguri unnie." sagot ni Dahyun. Ramdam ko nanaman ang pamilyar na kirot, sakit na nagpapasikip ng dibdib ko. Masakit talaga na marinig yun, na hindi ako ang sinasabihan niya ng I love you.

"You're asleep. Pati ba naman ikaw tinulugan na ko." rinig kong sabi ni Dahyun ramdam ko na ako ang sinasabihan niya. Kaya naisipan ko ng dumilat.

Dahan dahan akong dumilat, nagkunwaring humikab na para bang kagigising ko lang.

"Oh, Dahyun? Bakit di kapa nagpapahinga?" tanong ko sa kanya.

"Ayoko pa unnie. Gusto ko sanang lumabas kaso ayaw ni Momo unnie, wala akong kasama." malungkot niyang saad.

"Ha? Wait, gusto mo ako nalang ang sumama sayo?" tanong ko.

"Really unnie? Kaso pagod ka din, you need to rest baka makaistorbo nalang ako." sabi niya.

"No, Dahyun. It's okay, lalabas tayo. Mas okay na yung may kasama ka. Don't mind me makakapagpahinga pa ko later." sabi ko at nginitian siya bago sandaling umakyat para kunin ang sweater ko pati narin ang mask ko. "Tara?" yaya ko sa kanya pagbaba ko.

"Let's go." sabi ni Dahyun.

Lumabas kami ng dorm naglakad lakad papuntang Han Riverside. Marahang pagbagsak ng yelo, banayad na simoy ng hangin at mga taong naglalakad ang mamamataan dito.

"Ang ganda ng winter season. White Christmas for real." kalmadong sabi ni Dahyun.

"Peaceful ang lugar, maaliwalas tignan di tulad ng mundong ginagalawan natin masyadong komplikado." sabi ko.

"Komplikado nga, unnie bakit laging ganun si Momo? Lagi niya kong tinatanggihan pag nag aaya akong lumabas?" malungkot na tanong niya.

"Alam mo naman, laging pagod. Siguro pagod lang siya na nagkataon kaya di ka niya masamahan." sabi ko.

"Bakit ikaw? You're tired like her pero bakit ikaw mas pinipili mong samahan ako kesa ang magpahinga?" tanong naman niya at kinaskas ang dalawang palad niya mukhang nilalamig siya.

"Alam mo naman ang dahilan diba? Kailan ba kita pinabayaan? 3 years or more na mula ng una tayong magkasama matagal na panahon na para iwan pa kita. Marami na tayong kinaharap na problema ng magkasama di na kita kayang iwan." sincere kong sabi sa kanya tsaka ko inilagay ang kamay niya sa pocket ng sweater ko, hand warmer niya ko eh.

"Buti ka pa, di mo ko kayang iwang mag isa. Di mo ko matitiis pero siya unnie, bakit lagi niya kong nirereject kahit alam kong mahal niya ko?" tanong ni Dahyun.

"Magkaiba kami ni Momo, hindi ko alam pero di naman sa nirereject ka niya mahal ka nun yun ang mahalaga." sabi ko kahit labag sa kalooban ko.

"Unnie, thank you. Kung wala ka siguro matagal na kong sumuko sa kanya." sabi niya.

Oo kahit na alam kong pasuko na si Dahyun kay Momo pinipilit kong ayusin kase ayokong nasasaktan si Dahyun.

Mahal ko siya, pero di ko siya masisisi kung magiging masaya siya sa piling ng iba.

It's just me, loving her unconditionally.

---

Even If It's Not Me|SaiDaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon