11

1.2K 61 23
                                    

Sana's PoV

Mula ng makausap at nagconfess sa akin si Mina lahat ng atensyon at pag aalaga ibinaling ko sa kanya.

Hindi ko siya ginagawang panakip butas at alam ko na hindi siya mahirap mahalin.

Kapag kaya ko na at nakaahon na ko sa sakit na dulot ni Dahyun kay Mina ko ilalaan ang puso ko

Nagpunta ako sa Water Park mag isa. Hindi ko alam pero dun ko naisipang magpunta.

Gusto ko munang mag isa.

Masyado ng maraming iniisip na problema at kailangan ko ng pahinga.

Nakatayo ako sa harapan ng fountain at tinanaw ang lagaslas ng tubig.

"Minatozaki Sana?" tanong ng isang babaeng feeling ko ka-age ko lang.

"Ako nga." I smiled.

"You're sad. Take this." sabi niya at inabot sa akin isang coin. "It's a recovering coin, magwish ka sa fountain para gumaan yung nararamdaman mo." sabi niya.

"Ha? Salamat." saad ko. Ngumiti lang siya bago umalis.

Pag alis niya pansin kong walang masyadong tao dito dahil weekdays.

Tinignan ko ulit yung coin. At naisipang magsalita ng kung ano.

"Go on, be with her, Dahyun. Basta tatandaan mo lang na sa oras na paiyakin ka ulit niya, hindi ako aalis balikan mo ko kung saan mo ko iniwan. Mananatili ako kahit na anong mangyare pero sana sa susunod mong pagbalik eh ako na, ako na yung laman niyang puso mo hindi na siya."

Isang malabong phrase. Alam ko na di ako kailanman magiging laman ng puso niya.

At ang hindi aalis kung san ako iniwan? Imposible na kase may Mina na.

Bakit ko pa ba nasabi ang mga salitang yan? Siguro yan yung mga huling salita na para bang umaasa pa ko.

Huling mga salitang sisirain ko kase gusto ko namang maging masaya ng wala munang siya.

Alam ko nagkukulang si Momo sa kanya pero alam ko hindi siya pababayaan ni Momo.

She's in the right hand at wala akong ni isang dapat ipag alala.

Kailangan ko namang maging masaya para sa sarili ko.

Naisipan ko nalang ding umuwi ng sumunod na mga oras. Baka kasi hinahanap narin naman nila ako.

Dahyun's PoV

Busy ako sa panonood ng TV kasama si Chaeyoung dito sa may sala ng bumukas ang pintuan.

Iniluwa nito ang inosenteng itsura ni Sana unnie.

"Oy, San ka galing?" tanong ni Chaeng.

"Naglakad lakad lang." sagot naman niya.

Bakit di man lang siya nagyaya at mas ginusto niya pa yatang mag isa.

Naisipan kong yayain siyang magmall kase gusto ko siyang ibili ng perfume.

Tumayo ako para sundan siya sa kwarto nila ni Mina unnie. Wala kase si Mina unnie sumama siya kina Momo unnie, Jihyo unnie at Tzuyu mamili sa grocery.

"Unnie." tawag ko kay Sana unnie.

"Bakit?" nanibago ako sa tono ng boses niya. Hindi ko na ramdam yung care at interest. Bakit ganun?

"Alis sana tayo mamaya?" tanong ko.

"Kay Momo ka nalang magpasama." ramdam ko yung kawalan ng emosyon bakit ba siya nagkakaganito?

"Eh ibibili sana kita ng perfume mo." saad ko.

"Hindi na. Aalis rin kami ni Mina, bibilhan niya na ko." balewalang tugon niya.

"Pero unnie..." apela ko.

"Wala ka nang sasabihin Dahyun. Hindi kita masasamahan. At hindi NA kita kailanman masasamahan. Nauna na si Mina." parang dinurog ako sa mga narinig ko.

"Sabi mo lagi kang andyan para sa akin. Simpleng bagay lang naman ang hinihingi ko." naiiyak na talaga ako.

"Hindi na ngayon. Kase di ako habang buhay na andyan kase wala naman akong karapatan. Sa hinihingi mo di ko mapagbibigyan kase mas pipiliin ko na si Mina kesa sayo." ang tatag niya na para bang wala na siyang pakialam.

"Andaya mo. Simpleng bagay pero bakit pinagpalit mo na ko. Ang sakit, hindi ko alam na yung sabi mo andyan ka lang lagi binasag pinggan mo nalang lahat. Wala naman akong ginawa sayo." umiiyak na sabi ko at mabilis na umalis tsaka tumuloy sa room namin nila Chae.

Nilock ko yung pintuan at doon ako humagulgol.

Anong nangyare?

Ayos lang kame nung isang araw.

Sabi niya di siya mawawala.

Pero ang sakit.

Iniwan narin pala niya ko.

Si Mina unnie na ang nasa pwesto ko.

Naguguluhan ako bakit parang daig pa ng heart break itong nararamdaman ko.

Kinain niya nalang ba lahat ng mga sinabi niya?

Ano bang mali sakin bakit binitawan niya ko?

Tuluyan na siyang nawala.

Hindi na kami katulad dati ng bestfriend ko.

Wala na sa akin yung unnie ko, wala ng SaiDa. Wala naman talaga.

Hindi ko lang matanggap kase di ko yata kayang may pumalit sa akin pero nangyare na.

---

Note : Just Comment and Vote everyone for me to know kung may nagbabasa pa.

Even If It's Not Me|SaiDaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon