03

1.3K 53 18
                                    

Sana's PoV

Nandito kami sa isang fanmeeting ngayon. Sa totoo lang pare pareho kaming walang tulog.

Mabilis na dumaan ang mga araw. Nakapagperform na sila Dahyun, lumipas narin ang new year.

And as a gift sa akin ni Dahyun sabi niya bibili daw kami ng perfumes ko. Excited ako dun malamang.

Pero sa dami ng nangyare lalong dumadami ang mga gawain namin ngayon.

I was looking at Nayeon unnie kase alam kong nilalagnat padin siya pero go padin siya sa fan service.

Yeah we are all tired pero kami ni Nayeon unnie ang may pinakadinadamdam.

Sa lahat ng bagay na meron kame ngayon isa lang ang hinihiling ko na sana wala ng magkasakit pa sa amin.

Si Jungyeon unnie ang kakulitan ko ngayon. Malamang magkasama si Momo at si Dahyun ano pa bang aasahan ko.

Hindi naman na talaga ako masyadong dumidikit kay Dahyun kung di lang talaga kailangan.

Let's say that I'm always here for her but if I'm not the one that she needs so di ko naman na ipagpipilitan kung ganun ang sitwasyon.

"Sana, may sakit pa ba yan?" ungot ni Jungyeon unnie sa akin sabay nguso kay Nayeon unnie na nasa kabilang side namin katabi ng baliw naming leader.

"Oo daw. Sabi ni Jihyo nilalagnat pa yan. Hayaan mo yan, kaya niya yan." paniniguro ko.

"Talaga lang. Sana talaga di yan magcollapse di madadala ni Thomas yan." mapait na sabi ni Jungyeon unnie

"Selos ka lang kay Jihyo sus. Let me see hmm. Ship nalang naten ayusin natin!" parang engot na sabi ko sa kanya.

"Sige kahit di tayo talo. Tiyagaan nalang!" sagot niya at naki-appear pa sa akin.

Daldalan lang kami netong si Jungyeon unnie pero di parin maiwasang lumingon dahil sweet si Momo at Dahyun sa isa't isa.

"Wag mo ng tignan masakit yan!" asar niya.

Ay gago, sa aming siyam si Jungyeon unnie, Jihyo at si Mina palang ang may alam sa nararamdaman ko.

Ewan ko sa mga yan echosero masyado. Lalo naman si Jihyo daig pa nanay ko kung makapangaral kahit mas matanda ako sa kanya.

Tumayo ako to get my pikachu stuff toy na bigay ng fan.

Kaso biglang sumakit yung tiyan ko. Napakapit nalang ako sa may table ng mahigpit kase ang sakit talaga.

"Oyy! Namumutla ka?!" eskahaderang pabulong na sabi ni Chaeyoung.

"A-ahh h-hindi loka. Umupo ka dun! Uupo nadin ako." kahit masakit di ko pinahalata. Nasa fanmeeting kami baka may makapansin usap usapan nanaman kung sakali tas di nanaman ako pasasamahin sa fanmeets and event maiiwan ako sa dorm ano yun? Mababaog akong mag isa dun.

"Bumalik ako sa pwesto kanina kaso wala na si Jungyeon unnie lumipat pala sa tabi ni Chaeyoung, no jam bros nga naman.

Kaya heto ako nakaupo sa other side ko si Tzuyu katabi ko eh. Kaso may kausap siyang fan so shut muna ko masakit kasi talaga pramis.

Tangina.

"Sana unnie, okay ka lang?" sabi ni Tzuyu bigla.

"Oo naman, gugutom na ko. Hahaha." sabi ko kahit di totoo.

"Ganun? Ahm, may chocolate bars ako." sabi niya at inabot sa akin ang dalawang chocolate bars na agad ko ring tinanggap.

"Thank you, Chew." sabi ko. "Done kana? Di kana makikipag interact sa fans?" tanong ko.

"Tapos na kaya, lutang ka nanaman. Ayan oh wala ng tao sa linya. Mag goodbye na tayo sa kanila, ay nakuu. Medyo lutang ka, sabagay daming pumila para sa fanservice mo." ang daldal ni Chewy ngayon. Eh nako.

Inakbayan ko nalang siya at di na ko nagsalita. Inangat ko yung isang paa ko sa upuan wala trip ko lang pero sakit padin ng tyan ko.

After ng fanmeet namin pauwi narin kami sa wakas ng dorm niyan.

Nag aayos lang kami ng gamit bago kami tuluyang lumabas dito sa may venue.

Nahihilo tuloy ako, pagod na pagod lang talaga siguro ako.

Tumayo ako at dahan dahang naglakad para kunin yung sweater ko na nakapatong sa upuan dun sa likod. Napapadaing ako sa isip isipan ko kasi masakit talaga.

Lagi nalang ganito, mula pa ng Likey Era nagkakaganto na ko pero hinahayaan ko lang magiging ayos lang din ako.

Iisang tao lang ang nakakapansin neto, ang leader namin na si Jihyo pero sabi ko kaya ko kahit na mamatay matay na ko madalas sa sakit.

Ayoko lang din naman kasi silang mag alala pa.

Nang kunin ko ang sweater ko, may biglang humawak sa braso ko.

"Sana..." sabi ni Dahyun kaya mariin akong pumikit bago siya lingunin. Hinugot ko na ang lahat ng lakas ko para di nalang niya mahalatang may dinadamdam ako.

"Hmm?" tipid akong ngumiti sa kanya. "Pagod kana ba?" tanong ko.

"Medyo. Inaantok na nga ko. Pero Momo said na tiis lang dahil sa dorm ang tuloy natin." sabi niya. "Kaya lang unnie yung sinabi kong sasamahan kitang bumili ng perfume bukas di muna matutuloy kase aalis kami ni Momo." sa sinabi niyang yun ayan na nanaman yung pamilyar na sakit. Yeah, si Momo padin ang pinili niya ewan ko na.

"Ganun ba? Sige. Naiintindihan ko." pilit akong ngumiti kahit masakit. Doble nanaman, may masakit na sakin physically pati ba naman emotionally double kill na mga bes. "Kay Chewy nalang ako papasama okaya ako nalang mamimili." dagdag ko pa.

"Sorry unnie." nakayukong sabi niya.

"Alam mo namang sanay na ko diba?" tipid akong ngumiti. "Puntahan mo na si Momo sa kabilang van ako sasabay kasama si Jihyo at Nayeon unnie." sabi ko pa.

Dalawang van ang sasakyan namin. Yung isa paglalagyan ng mga nakuha naming stuffs mula sa fanmeet at yung isa buong Twice ang sasakay. Kaso humiwalay kaming tatlo at hinati yung ibang stuffs para sa dalawang van.

Tumango siya at malamyang naglakad palayo.

Pag alis niya napakapit nanaman ako sa upuan. Sumasakit nanaman yung tiyan ang tindi nanaman di ako natatae puta pero masakit.

Napapikit ako ng mahigpit para indahin ang sakit. Ano ba naman 'tong nangyayare sa akin?

"Squirrel! Tara na oy!" sigaw ni Nayeon unnie na nasa exit na.

"Bilisan mo na unnie!" sabi ni Chewy.

I smiled tsaka naglakad, pinagpapawisan ako ng malamig sa ngayon siguro dahil may dinadamdam ako.

Nang maabutan ko sila Jihyo unnie sa may exit hinawakan ko sa balikat si Momo.

Hanggang tuluyang manlabo ang paningin ko at nakaramdam ng matinding panghihina.

Naramdaman ko ang pagtama ko sa sementadong sahig hanggang sa marinig ko ang mga co members ko.

"Sana!|Unnie!|Squirrel!" they all shouted.

Pero di ko na nabigyan ng respond until everything went black.

Even If It's Not Me|SaiDaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon