07

1.2K 47 61
                                    

Sana's PoV

Nakaupo lang ako sa passenger sit ng van namin, papunta kame sa isang event. ISAC na, paguran nanaman.

Hindi maganda ang pakiramdam ko but the fuck I need to go there.

I drunk coffee para di ako makatulog kahit na alam kong bawal sa akin.

Lahat sila tulog habang nasa biyahe at ako nakatanaw lang sa may bintana.

Umupo ako sa passenger sit kase masama talaga pakiramdam ko. Hindi ko alam, epekto siguro ng acid like coffee na bawal sa akin. Wala rin naman akong magagawa kapag di ako nagkape baka makatulog ako sa mga events namin.

Minsan lang ako magkasakit pero grabe naman ang bawi. Hindi ko napansin na hindi ko na pala naalagaan ng maayos ang sarili ko.

Nung malaman ng mga magulang ko ang nangyare sa akin gusto nilang umuwi na muna ako ng Japan.

Pero dahil mukhang di ko naman kakayaning malayo sa grupo.

Sanay ako na malapit lang sila sa akin, lalo na si Dahyun. Yeah, ako na talaga ang tanga tanga.

Masaya na ko, sa simpleng nakikita ko siyang masaya kuntento na ko kahit sa piling pa ng iba pa ang ikaliligaya niya.

Pagdating namin sa event syempre andami ng tao sa arena. Lahat ng fans ng iba't ibang groups including Onces andito na.

Naglalakad kame papunta sa designated place namin ng bigla akong nilapitan ni Jihyo.

"Ayos ka lang?" tanong niya.

"Naman!" pilit kong pinasigla ang sarili ko at pilit kong ipinakitang wala akong dinadamdam na sakit.

"Sure ah." paniniguro niya tumango nalang ako.

Umupo lang ako habang nag iintay ng progress during event. Katabi lang namin ang ibang groups kaya nakikipagkulitan kame.

Nasa may likod ako at tahimik lang silang pinagmamasdan.

Lumapit naman si Irene unnie sa akin bigla at sandaling niyakap ako.

"Kamusta yung pakiramdam mo?" tanong niya agad.

She's like a sister figure at sa grupo namin ako lang ang una niyang inaapproach, ako lang naman ang matapang na kulitin siya kase may pagkayelo yang si Unnie.

"Ayos lang naman. Nagiging okay na." ngumiti ako ng bahagya sa kanya.

"Pero di ka nakikisali sa mga makukulit." katwiran niya. "Fans are worried, nilabas na sa public yung nangyare sayo." dagdag niya.

Oo nga pala, Onces already know my sickness.

Kaya nga ginagawa ko ang lahat para magmukhang okay. Ayoko naman kaseng maiwan sa dorm dahil lalo lang nila akong aalalahanin.

Atleast makikita naman nilang okay lang talaga ako.

"Masama pa naman pakiramdam ko, I can see in your eyes. Kaya magsabi ka sa manager mo kung may nararamdaman kang hindi mo kaya baka magcollapse ka." bilin niya.

"I'll be fine unnie. Ako pa ba?" mayabang na saad ko. "Dun kana nga. Ayun yang jowa mo ang hyper hyper nakikisayaw pa kasama si Yeri at Nayeon unnie. Sali ka. Baka naman." pang aasar ko.

Well, I know that she's into Seulgi unnie. SeulRene is real gays.

"Oo na, bet ko Likey niyo eh." bwelta niya. Bago puntahan yung mga sumasayaw sayaw dun habang nagpeplay ang Likey na song namin.

Pinanonood ko nalang silang nagbabaliw baliwan.

Sila Dahyun nakikigulo sa Gfriend na kalapitan lang din namin ngayon. Pati yung ibang boy groups na kasama namin ang hahyper kaya I can't do anything but to smile.

"Bakit di ka nakikigulo, Sana?" tanong ni Eunha.

"Kaya na nila yan!" nakangiting sabi ko.

"Baliw, OP ka lang. Di ka masyadong naglilikot may masakit sayo no?" tamang hinilang sabi niya kaya tumango nalang ako. Kaya umupo naman siya sa tabi ko. "Sabi na eh." dagdag niya pa.

"Nagsosolo naman kayo dyan!" napasugod naman sila Joy at Wendy unnie ng RV, Changsub oppa ng BtoB, Woozi ng SVT at ang loko lokong si Bona ng WJSN.

Ano kayang pakay ng mga bugok na 'to sa akin mga baliw eh.

"Tutal OP narin kame magdamayan tayo!" hyper na sabi ni Joy.

"So true. Landi na nga SeulRene tas dedma pa si Joy kay Yeri!" pang aalaska ni Wendy unnie.

"May kanya kanya na silang mundo ikaliligaya nila yan." sabi ni Woozi.

"Luh, umalis ka lang naman kase di ka makarelate sa usapang matangkad nila." segunda ni Changsub oppa.

"Oy umalis nga siya dun ino-open mo naman dito oppa! Pabibo ka rin eh." Bona just said tsaka binatukan si Changsub oppa.

"So true. Pabiboooo!" sabi nilang apat at dumagdag pa si Eunha.

"Loko niyo rin ako pa ginulo niyo dito. Nananahimik ako." nakakalokong hirit ko.

"Ayos lang yan. Pasale narin ako, pinamimigay na ko ng mga members ko." bigla namang lumapit si Mark na umupo sa tabi ko.

Nakapagitna tuloy ako kina Eunha at Mark. Pft.

"Mga inaabandona na pala kayo sakin pa kayo nalapit." natatawang sabi ko.

"Bubuo kame ng squad eh. Team Pabibo." gago talaga ni Joy kahit kailan. "At dahil gurang ka sa gels Wenderp unneh ikaw leader!" gatong pa niya.

"Payag ako dyan!"

"Ay oo nanay na walang asawa!"

"Matandang dalaga por layp!"

"Wew, single!"

"Wala kaseng mapikot!"

"Mga gago kayo. Sa grupo ko, ako na kawawa dito ganun padin?" nakasimangot na sabi ni Wendy unnie.

"Grupo mo na nga kame eh. Team Pabibo!" sabi ni Eunha at naghand gesture pa bago niya i-cling yung kamay niya sa braso ko.

Nakakagaan ng loob 'tong mga 'to. Kahit may dinadamdam akong sakit nawawala dahil sa mga baliw na 'to.

Sumandal ako kay Mark habang nakikipagdaldalan kame sa mga baliw naming kasama.

Ang gawi tuloy si Eunha at Mark ang nakacling sa akin. Haha.

Napalingon naman ako sa kinaroroonan ni Dahyun kasama sila Momo at ang Gfriend pati ibang members namin.

Napaiwas ako ng tingin ng makita ko siyang nakatingin rin. Ang sama sama pa kamo ng tingin.

What did I do?

---

mojojojoycee naantay mo ba? Bukas na yung sa ECW.

Even If It's Not Me|SaiDaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon