15

1.2K 50 24
                                    

Sana.

"We tried but we know it's not enough to try." Mina just stated.

"It's better to bestfriends kesa ipilit tama?" I smiled.

"I agree. Atleast for now, tinigil mo na ang pagiging martyr." sang ayon niya.

Tama kayo ng nabasa. We're not together, hindi sapat yung nararamdaman namin ngayon para sa isa't isa.

Pero gaya ng usapan at pangako ko sa kanya hindi ko na ginagawa yung dati kay Dahyun.

Alam ko rin na wala na sila ni Momo but after all, hindi na ko babalik sa kanya di na kasi gaya ng dati ang lahat.

Nakakamiss yung dating ingay ng grupo. Yung lahat may dala dalang punchline kase ngayon si Dahyun hindi na siya gaanong nakikisali sa mga harutan.

Madalas rin siyang umaalis ng walang paalam.

Minsan iniisip ko siyang hanapin pero pinipigilan ko na lang ang sarili ko. Kase once na nilapitan ko siya rurupok nanaman ako.

Magba-back to zero naman. Ayokong masira ang pagtitiis ko mabalewala ko lang siya.

Nagtungo ako sa rooftop ng dorm, hindi naman gaanong mainit ang panahon kaya di nakabilad.

Hapon narin naman kasi, 5pm na so maya maya didilim narin.

Umupo ako sa monoblock chair at prenteng nakatanaw sa malawak na syudad.

Sa mga lumipas na buwan natiis ko siya, natanggap ko ng hanggang dito na lang talaga ang lahat ng pagpapakatanga.

"Huli ka nanaman sa aktong tulala." sabi ni Jihyo na kararating lang. Humatak siya ng isang monoblock chair bago tuluyang tumabi sa akin.

"Kala ko ba nagluluto ka?" tanong ko.

"Tapos na, napansin ko lang kasing wala ka sa sala. Kamusta naman?" makahulugang saad niya.

"Ito, dahil sa pagtigil ko sa paglapit kay Dahyun nahihirapan pero kinakaya." tipid na ngiti ang pinakita ko.

"I know, mahirap na layuan yung taong mahal mo. Mahal na mahal mo siya, kita ko yun sa mga mata mo. Until now ba ganun parin yung nararamdaman mo?" tanong niya.

"Hindi naman nagbabago yung nararamdaman ko. Pinipigilan ko lang naman ang sarili ko para hindi mabalewala yung pag iwas ko." tugon ko.

"Bakit ba nagpaubaya ka noon? Bakit hinayaan mong si Momo ang unang magconfess sa kanya? Siguro kung nauna ka, pareho kayong masaya ni Dahyun. Hindi sana nasayang yung halos tatlong taon mong pagmamahal sa kanya. Hindi ka sana nabalewala." pagpapamukha niya sa akin ng mga pagkakamali ko noon.

I was about to confess my feelings before, but Momo just said that she's into Dahyun too.

Sinabi ko rin naman sa kanya na I feel the same, pero sabi ko hindi bale.

Noon palang pinaubaya ko na siya, nagpaubaya na ko kay Momo.

Pero ang sabi ko habang kaya ko, kapag dumating sa puntong hindi na maramdaman ni Dahyun ang pagpapahalaga at pagiging priority niya andun lang ako.

At nangyare nga, na kahit magkaMU sila, Dahyun is not her priority at sa akin, ako ang sumasalo sa lungkot ni Dahyun gumaan lang ang loob niya.

I have done everything na dapat si Momo noon ang gumagawa. Pero kahit anong gawin at effort ko hindi parin ako ang kailangan niya.

I'm still into her even if it's not me.

I'm still hoping and praying before that I hope in the next moment that she would stand infront of me, her priority and whole story are all about me.

"I just choose my bestfriends happiness. Tsaka siya yung gusto ni Dahyun diba? Hindi ako. Kaya anong sense para magconfess pa ko?" sagot ko na lang kay Jihyo.

"Yan ang mahirap sayo. Pinangungunahan mo ang sitwasyon. Pinangungunahan ko ng negatibong pag iisip ang lahat." naiiling na saad niya. "Momo and Dahyun are not inlove, they just love the idea of being inlove." she added.

"Tapos na yun. Dapat ng kalimutan yun." seryosong saad ko.

"Pero paano kayo? Pareho niyong pinahihirapan ang isa't isa. Sana, buong grupo natin apektado. Buong grupo hindi ko na makita ang dating sigla, since SaiDa sank not just the two of you changed. MiChaeng, Mimo, NaMo, NaHyo, JiTzu, 2yeon every ship or OTPs are not sailing because SaiDa is the commander in chief the captain." nakuha pa niyang magbiro sa huling part.

"Walang NaHyo diba?" segunda ko. "WenHyo ata?" gatong ko pa.

"There's nothing between Wendy and I." nakasimangot na sabi niya. "Basta ang masasabi ko na lang sayo, ayusin niyo na. Pagbigyan niyo na yung isa't isa. Wag niyo ng pahirapan ang mga sarili niyo kase alam naman nating lahat na iisa na lang ang sinasabi ng mga puso ninyo." nakangiting sabi niya tsaka tinapik ang balikat ko.

Napaisip ako sa ngayon. Hindi ko alam kung ano ang pwedeng kalabasan neto.

Hindi ko alam kase parang nahihirapan ako.

Hindi ko rin makakailang kailangan ko talaga siya sa buhay ko.

-----

Even If It's Not Me|SaiDaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon