12

1.2K 52 30
                                    

Jihyo's PoV

"Oy sinong katext mo dyan?" tanong sa akin ni Nayeon unnie. Katabi ko kase siya dito sa may sofa nanonood kame ng movie.

"Wala!" mabilis na tugon ko.

"Baka si Wendy unnie!" singit ni Chaeyoung.

Napakagat ako sa labi ko sa tili ni Chae. Kase oo, si Wendy nga kase ang katext ko. Mula kase ng magkasama kame ng matagal sa ISAC nag umpisa na kaming maging textmates.

"Ano? Si Wendy unnie nga?" tanong naman ni Jungyeon unnie.

Dahan dahan akong tumango kase nahihiya ako. Aasarin nanaman ako panigurado.

"Waaaah! WenJi heart kooo!" segway ng gagong si Chaeyoung.

"Tumigil nga ka nga oy." awat ko.

"Ano bang meron sa inyo ni Wendy unnie?" tanong naman ni Tzuyu.

"Friends kame bakit ba?" ungot ko.

"Ang showbiz ng sagot. Pwe." saad naman ni Sana.

"Wag pabibo! Pake niyo ba ah?" nakasimangot na angil ko.

"Mababakla kana ba ng tuluyan unnie?" tanong ni Mina na ngayo'y katabi ni Sana.

"Hoy, Mina! Minsan ka nalang magdaldal gaganyan kapa." nakasimangot na reklamo ko.

"Atleast ngayon alam na namin di kana magiging single!" hirit ni Jungyeon unnie.

"Mabait naman si Wendy unnie, wala ring sabit kase nga inaasar siyang tatandang dalaga." sabi ni Tzuyu. Tignan mo 'tong batang 'to buti di ko na siya crush ngayon kaya di masakit kekeke.

"Wag si Wendy oy." singit ni Nayeon unnie.

"Problema mo? They look good together naman kaya." saad ni Sana.

Hindi sumagot si Nayeon unnie pero tumayo siya at tumuloy sa kwarto namin.

"Hindi ata boto ang nag iisang unnie mong may pagkamahangin dito." kumento ni Momo na kakarating lang kasunod si Dahyun.

"San kayo galing?" tanong ko nalang dun sa dalawa.

"Han River." sagot ni Dahyun at umupo dito sa tabi ko san kanina nakapwesto si Nayeon unnie.

"Nagmoment nanaman." sabi ni Chaeyoung.

"Kamusta naman?" tanong ni Jungyeon.

"Ayos naman. Nag enjoy akong kasama ang dubu ko." masayang sabi ni Momo.

Lumingon ako kay Dahyun, ang lapad ngiti niya pero nakita ko ring nagtama ang mga mata nila ni Sana na nagpabago sa ekspresyon ni Dahyun.

Napapansin ko narin naman 'to. 2 weeks na mula ng matapos yung ISAC na akala kong okay na ang SaiDa pero bigla nalang silang hindi nag usap.

Daig pa nila real quick minsan eh. Iniisip ko after 3 years sumuko na yata si Sana? Hindi na yata niya kinayang manatili kay Dahyun.

Nakita ko rin na kung paano bumalik yung closeness nila ni Mina.

Kung di ako nagkakamali Saida is already gone.

Shipper ako pero yun yung nakikita ko. Pero maaring tama narin kase may Momo si Dahyun at para hindi narin umasa si Sana.

Tama naman ang desisyon ni Sana, ramdam ko ang paglayo niya kay Dahyun. Sabagay matagal narin siyang naging martyr.

Medyo tanga si Dahyun kase di niya makita si Sana. Di niya nakita yung worth ni Sana.

Kase kapag minahal ka ng isang Minatozaki Sana oo maraming nagkakagusto sa kanya pero worth it yung pagmamahal niya lahat ng efforts ginagawa niya.

Yun ang pagkakamali ni Dahyun, kung si Sana ang minahal niya hindi minsang marereject ang efforts ni Dahyun, kasi si Momo yung tao na di masyadong nakakapansin ng efforts pero siya yung minamahal.

At ako naman heto, single pero andaming napapansin.

Hindi rin naman kasi malabong maging taken. Gaya ng pang asar mabait naman si Wendy eh, wala akong masasabi sa ugali niya.

Tumayo nalang ako at pumasok sa kwarto namin ni Nayeon unnie.

Si Nayeon unnie na simula pa nung una mahal ko na.

Naabutan ko siyang nakaupo sa kama niya at nagbabasa ng libro.

"Oh? Tapos niyo ng pag usapan si Wendy?" tanong niya na hindi man lang ako binalingan ng tingin.

"Luh, napano ka dyan?" imbes na sumagot sa tanong niya mas curious ako na para bang mas badtrip siya.

"Ji wag ka munang maglovelife." angil niya.

"Hoy baliw bakit?" tanong ko.

"Kase baka makalimutan mo na unnie mo." hays, Im Nayeon naglalambing bago yan ah.

"Baliw di naman kita ipagpapalit kapag naglovelife ako." saad ko.

Niyakap niya nalang ako.

"Ayoko kase ng makakaagaw ng atensyon mo. Hirap kasi." saad niya.

Hindi ako nagsalita niyakap ko siya pabalik.

Sa simpleng yakap, lambing tinatablan ako. Bulta bultaheng kuryente ang gumagapang sa pagkatao ko, mabilis rin ang tibok ng puso ko. Yan ang epekto ni Im Nayeon sa akin.

Mahal ko siya, gets niyo na? Di ko sinabi kase una sa lahat ayokong masaktan ako kase alam kong kapatid lang ang turing niya sa akin.

Habang buhay ko yung itatago, alam ko minsan lang kame magkaroon ng shippers pero totoo naman ang shiniship nila kaso lang di ako mahal ni unnie.

Matagal kameng magkayakap hanggang sa maramdaman ko ang paglalim ng paghinga niya.

Nakatulog siya kaya inihiga ko siya ng maayos sa kama.

Pinagmasdan ko ang maganda at maamo niyang mukha habang natutulog siya.

Hindi naman ako mawawala sayo. Mahal kita kahit hanggang dito nalang tayo. Mahal na kita mula ng Sixteen era, mahal na kita mula ng makalaban kita, mahal na kita simula pa nung una pero itatago ko yun. Habang buhay ko ng itatago yun, Nayeon unnie. Kase alam ko di mo ko makakayang mahalin ng higit pa sa hinihiling ko.

----

A/N : kawawa naman si Godjihyo. Haha. At sorry late ud nanaman ako.

Even If It's Not Me|SaiDaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon