09

1.1K 50 29
                                    

Sana's PoV

Galing nila Dahyun sa archery. Maya't maya ang hiyawan naming kagrupo niya sa tuwing makakapuntos sila.

After the archery game ayan nanaman kame uupo nanaman kami sa flooring.

Mag uumpisa nanaman ang harutan with other groups. At gaya kanina, medyo matamlay ako kase di fully okay yung pakiramdam ko.

Napahawak ako sa tagiliran ko na medyo sumakit kaya uminom nalang ako ng tubig.

"May masakit ba?" nagulat pa ko ng may tumabi at pormal na nagtanong sa akin.

Si Dahyun.

"Okay lang ako." malayong sagot ko.

"Kahit alam kong masama pa pakiramdam mo." naiiling na sabi niya.

"Bakit andito ka? Dun ka sa tabi ni Momo." saad ko.

"Eh, may kasama naman siya sila Nayeon unnie. Tsaka kanina ko pa kasama si Momo unnie." balewalang saad niya.

"Sabi mo eh." sagot ko.

Hindi ako makapaniwalang sa akin pa siya tumabi ngayon.

"Nakakamiss yung dating tayo." she said out of nowhere.

"Wala namang nagbago sa atin ah." sagot ko naman.

"Maraming nagbago unnie." kontra niya. "Since naging malinaw yung sa amin ni Momo hindi na tayo gaya ng dati. Kapag magkasama kami lagi kang nakadistansya. Kapag lumalapit ako pero around siya lumalayo ka. Ano bang problema?" lumamlam ang mga mata niya.

"Walang problema. Natuto lang ako, hindi na ko kayang maging clingy sayo kase alam kong may kayo ng bestfriend ko." I answered honestly.

"Bakit kailangan lumalayo? Umiiwas? Bakit di kana open sa akin laging kay Tzuyu at Nayeon unnie na? Feeling ko nawawala kana sa akin unnie." ramdam ko yung tampo sa boses niya.

Hinawakan ko yung kamay niya at tiningnan siya sa mata.

"Hindi ako mawawala sayo. Kahit anong mangyare kahit ikasal kapa sa harap ko..." saad ko. "Never came in to my mind na iwan ka. Habang buhay na kong mananatili sa tabi mo." dagdag ko.

Niyakap nalang niya ko patagilid at pilit na isiniksik ang sarili niya sa akin dahilan para akbayan ko siya.

"Ayokong mawala ka. Kaya sana wag mong iparamdam na lumalayo ka. Kase hindi ko na kaya." bulong niya.

I can feel sadness and fear to her words.

Bakit ka ganito Dahyun? Inaayos ko na nga sarili ko.

Matagal ko ng alam di na ko mananalo sa puso mo kahit kailan.

Bumibitaw na ko sa pwedeng maging tayo kase alam kong suntok sa buwan yun.

Pero bakit parang binibigyan mo ko ng rason para umasa pa.

"Nagtitilian na yung Team Sprite. Magkadikit nanaman kayo." puna ni Nayeon unnie sa amin.

"Wew. Dun kana." bulyaw ni Dahyun.

"Pagbutihin niyo. Magwawala nanaman mga shippers niyo." sabi naman ni Jihyo. Mga baliw 'tong dalawang 'to.

"Kanina pa nga nagwawala." nakigatong si Sinb aba, itong batang 'to.

"Pasayahin niyo. Sail niyo ship niyo. Swear SaiDa's Sprite Team mapa-submarine, ship, plane, car, motorcycle, tricycle or kahit bike pa yan aandar yan." segunda ni Chaeyoung.

Andami nilang sinabi haha.

"Manahimik. Ingay niyo oy. Respeto sa single." sabay na sabi ni Jihyo unnie at Wendy unnie na nagkatinginan pa.

Nagkatinginan naman kami nila Momo at Chaeng.

"May nasesense ako." sabi ni Chaeng.

"Bagong ship?" sabi ko agad.

"WenJi? WenHyo? Hindi na sila magiging single." sabi ni Momo.

"Oy mga gagong to. Pauso nanaman." sabi ni Jihyo.

"Bagay naman nga. Wala namang magagalit." gatong ni Irene unnie.

"Oy shattap. Kame nanaman nakita niyo." nakasimangot na nga si Wenderp unnie.

Sa group nila para siyang si Jihyo unnie kaya bagay talaga sila. Haha.

"Height niyo din pareho!" sabi ni Joy.

"Uy, gago!" sabi ni Yeri. "Height naman ngayon. Ngina mo talaga." binatukan niya tuloy si Joy.

"Kayo lang bakla dito. Wag niyo kong idamay." sabi ni Jihyo na katabi si Nayeon unnie.

Walang imik si Nayeon unnie pero sumandal siya kay Jihyo. Bakit nananahimik yung bunny na 'to.

"NaHyo shipper." sabi ni Dahyun sa akin.

"Walang pag asa. 2yeon eh." sabi ko naman.

"Malay naten. Reaksyon ni Nayeon unnie ang bumuhay sa ship ko." segunda niya.

"WenHyo nalang." saad ko.

"Pero SaiDa talaga." nakangiting sabi niya.

"DahMo is real." deretsong sabi ko.

Hindi ko papaniwalaan ang SaiDa kase alam ko may DahMo na.

---

Even If It's Not Me|SaiDaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon