05

1.2K 47 17
                                    

Dahyun's PoV

"I'll just call Pd-nim to report this. Iwan ko muna kayo." paalam ni Manager-nim tsaka umalis.

Nakaupo ako sa isang monoblock chair katabi ng hospital bed ni Sana unnie. Natutulog padin siya at lahat kami nag aalala.

Gumising kana.

Hindi ko kayang nagkakaganyan ka.

Pero wala akong nagawa at tuluyan kanang nagkasakit.

"Sana! You're awake." biglang napatayo at lumapit si Jihyo unnie sa tabi ng bed ni Sana.

"A-anong nangyare?" namumutla yung labi niya at alam ko na nanghihina siya.

"Nagcollapse ka. Bakit di mo man lang nasabi sa amin na may masakit na sayo? Tignan mo tuloy." segunda agad ni Jihyo unnie sa kanya.

"Okay lang naman ako. Buhay pa ko." ngumiti pa siya. Ano ba Sana?! Bakit ganyan siya, bakit wala siyang pakialam sa sarili niya.

"Anong okay? Sana, you're suffering with gastroenteritis. You have to take care of yourself more starting now." madiin na sabi ni Momo unnie.

"Di ko mamamatay. Wag OA." she just joked.

"Hindi nakakatawa. Ayusin mo nga. Wag kang gagawa ng mga bagay na pwede mong pagsisihan sa huli." sabi ni Jungyeon unnie.

"Minsan lang ako mag inarte sa mga katangahan mo sa buhay pero bestfriend kita kaya pwede sa pagkakataong man lang na 'to mangako kang kapag may masakit sayo nagsasabi ka." sa loob ng ilang taon isa na yan sa pinakamahabang sinabi ni Mina unnie.

"Yes. Noted. Balik na tayo sa dorm?" nagkatinginan kami bigla sa sinabi ni Sana unnie. Nababaliw ba siya kailangan niya munang manatili dito.

"You will stay here muna." sabi ni Tzuyu.

"What? No. Ayokong manatili dito." mabilis na tanggi niya.

"Wag makulit. Di mo ba nakita yung nangyare sayo kanina? Nagcollapse ka. You made us panic kaya please lang umayos ka." pakiusap ni Jihyo unnie.

"Hindi na mauulit yun. Kaya umuwi na tayo sa dorm. Now na." wala na kaming magawa. Kaya kinailangan na naming bumalik ng dorm.

Isinakay namin si Sana sa wheel chair papuntang van, nung una ayaw pa ngang pumayag pero sila Nayeon unnie na mismo ang nagsabe.

"Irene unnie texted. Magpahinga ka daw. Kahit si Eunha nagchat na magpagaling ka daw at yung iba mong mga babae magpagaling kana daw." sabi ni Chaeyoung na katabi ko ngayon at hawak ang phone ni Sana na nasa other side ko ngayon. Si Momo nakatulog sa likod eh, sobrang pagod.

"Hayaan mo lang. Kay Irene unnie kana lang magreply sabihin mo okay lang ako. Tas mamaya na sa akin yang mga ibang nagmessage." sagot ni Sana.

Napatiimbagang nalang ako, di ko maintindihan sa kung bakit naiinis ako ngayong nagsilabasan ang dumidikit sa kanya.

Siguro pag bestfriend mo nga talaga yung tao, gusto mo ikaw lang yung babae sa buhay niya.

"Inaantok ka ba Dub?" tanong bigla ni Sana unnie. Kanina pa niya ko di kinakausap kaya medyo nagulat pa ko.

"Oo unnie." sagot ko kaya automatic niya kong inakbayan kaya sumiksik ako sa chest niya.

Ramdam ko yung banayad na pagtibok ng puso niya na parang musika sa pandinig ko.

Ipinikit ko ang mga mata ko dahil ramdam ko narelax ako sa yakap niya.

Hindi ko alam pero normal lang ba? Na kapag yakap ako ni Sana unnie ramdam ko yung ligtas ako.

"Matulog ka lang. Hindi ako mawawala sayo kung yun ang ikinakatakot mo kanina pa." bulong niya sa akin.

Hindi ko alam kung anong meron sa akin para manatili siya sa akin.

Pero ang alam ko, ngayon sa sarili ko na kahit may mahal akong iba.

Sa kanya padin ako babalik.

---

A/N : Greet her a happy birthday for me guys. Happy birthday you know who you are.

Even If It's Not Me|SaiDaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon