02

1.4K 46 30
                                    

Sana's PoV

"I heard about your performance, Momo, Mina, Nayeon unnie and Dahyun. Kayo lang ang may sched ngayong week na 'to. Kayo lang magpapagod, pero wag niyong pababayaan sarili niyo." bilin ni Jihyo sa apat. She's being a protective leader nanaman.

"Ne, unnie. Kaya na 'to." sabi ni Mina.

"Sayang lang kasi at di natuloy yung collab nila Nayeon unnie at Dubu kina Seulgi unnie at Irene unnie." nanghihinayang na saad ko.

"You know the situation naman. Halos lahat ng SM Artist yah know." sabi naman ni Chaeyoung.

"Nakapagluto na ko ng baon niyo for lunch. Uubusin niyo yan nako." sabi ni Jihyo.

"Opo, unnie." sagot ni Dahyun.

"Kulang pa yan kay Momo, thomas." segway ni Nayeon unnie.

"Mag asaran pa kayo. Alis na kayo. Mag aanong oras na oh. 8am usapan na nandun na dapat kayo sa JYP Building andito padin kayo." sabi ni Jungyeon unnie.

"Ito na nga aalis na eh!" sabi naman ni Momo.

Tahimik lang ako dito habang nagbabasa ng pocket book. Di na ko nag abalang magsalita wala naman akong sasabihin.

"Unnie kanina kapa nagbabasa dyan ah. Di kana nagsasalita." sabi ni Tzuyu na katabi ko ngayon.

"Nalibang na kase ako. Ganda ng story. Bat ikaw buti di tulog ngayon alam naman nating pagod ka sa photoshoots kahapon?" tanong ko sa kanya.

"Matutulog dapat ako. Kaso lang ang ingay nila Chaeng unnie at Jungyeon unnie. Lakas ng sounds ng phones nila nage-games ata." saad ni Tzuyu.

"Baka nag-eML nanaman. Adik na yung dalawang yun dun. Dun ka nalang kaya sa kwarto namin nila Mina. Tutal wala naman si Mina. Magpahinga ka, baka magkasakit ka." nakangiting sabi ko.

"You're really sweet unnie. Siguro kundi ko alam na may gusto ka kay Dahyun unnie pinush kong gusto kita." she joked.

"Wag na. Baka mapatay nalang ako ni Jihyo." natatawang sabi ko.

"SaTzu kaya. Walang SaiDa, wala ding JiTzu." segway niya.

"Oy umayos ka nga. Lakas mong makapigil sa OTP namin ah. Ikaw talaga. I know SaTzu is real but SaiDa is realer." natatawang sabi ko.

"REALER ni unnie 2k17. Nagpauso ka nanaman. Ewan ko nga sayo. Wag ka ng aasa ayokong nasasaktan ka." seryosong sabi niya. "And dun na ko sa room niyo, I'll take rest!" pagod ba talaga yun o ano? Ang hyper eh, andaldal niya ngayon.

Nagpatuloy nalang ako sa pagbabasa ng libro. Pero wala pa atang 5 minutes may istorbo na.

"Oy Squirrel! Matulog ka nga. Magpahinga ka hangga't pwede, baka magkasakit ka." arghh Jihyo naman grabe talaga siya.

"Igaya mo ko sayo na sakitin nako." I said as I rolled my eyes.

"Mabuti na yung sigurado. Naalala ko ng sinipon at inubo si Dahyun tsaka nilagnat halos buong grupo di mapakali kaya ayoko ng may nagkakasakit ni isa sa atin." pangaral niya.

"Daming sinabi oh." asar ko. "Kahit na clumsy ako hindi naman mahina resistensya ko." katwiran ko pa.

"Tigas ng ulo minsan noh?" sabi niya.

"Lagi nama. Kasi kung malambot baka nga nabutas mo." pabalang na sagot ko.

"Ay ewan, Minatozaki Sana. Maha-highblood mo ko wala sa oras. Nakapagluto na ko, kain kana lang pag nagugutom ka matutulog lang ako." paalam niya.

"Okay. Bye Goddess Jihyo." natatawang sabi ko.

Parang ako nanamang mag isa dito sa dorm. Wala na nga yung apat, yung dalawa may sariling pinagkakaabalahan at yung dalawa matutulog nalang.

Sanay naman ako. Kapag magkasama si Momo at Dahyun mag isa ako malamang.

Bestfriend nila kong lahat pero di padin maiiwasang mag isa.

Madalas si Tzuyu ang kasama ko kapag wala si Dahyun. Lagi nalang namang ganun.

Kapag mag isa ako, napapaisip ako at nararamdaman ko yung pamilyar sakit kapag naiisip kong masaya nanaman si Dahyun kasama si Momo.

Nagiging martyr ako kaso anong magagawa ko iba yung mahal niya. At hindi ako.

Alam ko naman kung saan ako lulugar na hanggang bestfriend at unnie lang ako ni Dahyun.

Ayos lang yun ang mahalaga napaparamdam ko parin naman sa kanya ang halaga niya.

At hinding hindi ako mawawala sa pagkakataong nasasaktan siya kahit alam ko na sa hangganan nito ako parin naman ang siyang talo.

---

A/N : Yung story na 'to short chapters lang siya gaya ng sa Stupid hehe. Escaping Castle Walls talaga focus ko haha.

Even If It's Not Me|SaiDaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon