10

1.2K 49 19
                                    

Dahyun's PoV

During ISAC lagi lang akong nasa tabi ni Sana unnie. Hindi na nga raw kame mapaghiwalay.

Natapos ang ISAC pero ito todo bantay kame kay Sana unnie na careless sa health niya.

Nandito ako living room ng tumabi sa akin si Momo unnie.

"Dubu ko~" naglalambing nanaman siya.

"Bakit unnie?" malambing na saad ko.

"Wag kang magsasawa sa akin." nakaramdam ako ng pag aalala.

"Hindi naman eh." sabi ko sa kanya at niyakap siya.

"Thank you." saad niya. "I love you." she added.

"I love you too." sagot ko.

Mahal ko siya oo.

Mula ng maging Twice kame siya na ang alam kong mahal ko.

"Paano kapag hindi ako yung naunang umamin sayo?" tanong bigla ni Momo unnie.

"May mauuna ba?" takang tanong ko.

"May mauuna nga sana. Pero hindi ko alam at nagparaya siya." seryosong saad niya.

"Sino?" tanong ko.

"Basta." sagot niya.

"Kahit sino pa siya ikaw naman ang mahal ko wala ng iba." sabi ko nalang.

"DahMo will always sail. Is it enough?" tanong niya bigla.

"Kahit alam nating sugal 'to. Oo, we will always sail unnie." saad ko.

Niyakap niya lang ako ng sobrang higpit. Yung para bang ayaw niya kong mawala.

Kapag si Sana unnie ang kasama ko nakakalimutan kong may Momo pa. Pero kapag si Momo ang kasama ko, buo ang loob ko na siya naman talaga ang taong mahal ko.

We stayed in this position for a while. Nakita kong lumabas si Sana unnie sa room nila pero ng makita kami nagbago ang ekspresyon niya.

Mabilis rin siyang naglakad papuntang kusina.

Ganyan naman siya parang wala naman kameng pinag usapan last time. At kapag si Momo ang kasama ko nakadistansya nalang talaga siya sa akin.

Di ko maiwasang magtampo, nakakalungkot na ang daming pinagbago.

Hindi ko nga alam ang problema niya, nakakalungkot na parang nagbago na yung bestfriend ko.

Sana's PoV

Magandang view para sa mga DahMo shippers ang naabutan ko sa sala pero para sa akin hindi.

Masakit parin kasi. Kahit pa sanang alam kong merong sila di ko maiwasang masaktan o magselos kase mahal ko nga si Dahyun.

Kumuha lang ako ng tubig sa kusina tsaka mabilis na bumalik sa kwarto namin ni Mina.

Sa terrace ako ng kwarto nagstay. Second floor 'to at tanaw ang nasa labas.

The rain is pouring nakasabay sa lungkot na nararamdaman ko.

Mula ng maging sila lagi nalang akong malungkot pero wala akong magawa para maibsan ko.

"I wish I could take away your pain unnie." saad ng kung sino sa likuran ko.

"Mina..." I stated.

"Matagal ko naring di nasisilayan ang mga ngiti mo na totoo." seryoso niyang sabi.

Mina is my bestfriend like Momo noon palang. At minsan lang siyang magsalita kaya alam kong sincere siya.

"Okay naman ako." I denied ng lingunin siya.

"Sa akin kapa nagsinungaling." saad niya. "I wanna take away the pain and sadness in your eyes but I can't." dagdag niya.

"Di mo naman kailangan gawin yun." saad ko dahilan para lumapit siya ng ilang dipa sa akin.

"Kahit hindi ko kailangan gusto kong gawin na maging masaya ka. Pero hindi ako si Dahyun, unnie eh." nakita ko ang pamamasa ng mga mata niya kaya nagstart na kong mapaisip.

"Ano bang sinasabi mo?" naguguluhan na ko sa kanya.

"Dahyun is so lucky. Why? Kase yung dalawang taong minahal ko siya yung mahal. I fell for Momo but Dahyun is the one that she loves at ngayon ikaw naman. Hindi nga ikaw yung mahal niya pero martyr ka nananatali kang loyal kahit wala naman siyang nadarama." saad niya na ikinagulat ko.

"Mina.." yun nalang ang nasabi ko.

"Wala kang dapat isagot gusto ko lang na malaman mo 'to." sa pagpatak ng luha niya nasasaktan din ako kase bestfriend ko padin siya kahit anong gawin ko. "Hindi ko narin kase kayang nahihirapan ka. Hindi ko matiis kaya nilabas ko na. Gusto kitang yakapin sa tuwing malungkot ka at gusto kitang makasama pero lagi kang nakadikit sa kanya. Masakit alam mo yun? Kase sa grupong 'to maraming nagmamahal sayo ng patago at isa na ko dun. Pero ngayon gusto kong malaman mo na. I prayed for the courage para sabihing mahal kita." minsan lang siya maglabas ng emosyon at di ako makapaniwala.

"Sana hayaan mo ko unnie na iparamdam 'tong nararamdaman ko. Ones and for all. All and for ones sana ako muna, itigil mo na yung ikakasakit ng puso mo. Nagmamakaawa ako, ako naman. End this pain make yourself happy, with me..." sa paghahulgol ni Mina agad ko siyang kinulong sa yakap ko.

Tama siya, kay Dahyun lang ako nakafocus kaya hindi ko na siya naramdaman.

Siguro hudyat na 'to na itigil na ang ilusyon ko.

At kahit mahirap bibitaw na ko.

Para sa sarili ko, para kay Mina. Ititigil ko na 'tong kahibangan ko.

---

Even If It's Not Me|SaiDaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon