06

1.2K 47 16
                                    

Sana's PoV

Pagdating namin sa dorm nagkanya kanyang pahinga na sila.

Habang ako umupo lang ako sa sofa. Oo, parang wala namang nangyareng masama sa akin.

Okay lang naman ako eh, ayoko lang talagang nananatili sa ospital.

Gusto pa sana akong samahan ni Dahyun kaso sabi ko magpahinga siya.

Pare pareho na nga kaming pagod nakaabala pa at nagkasakit ako.

Wala naman na akong pakialam sa sakit ko di ko naman ikamamatay 'to sa totoo lang.

Mas ikamamatay ko pa atang hinding hindi ako mamahalin ni Dahyun.

"Nagiging tahimik kana ngayon." Nayeon unnie said na kakababa lang ng hagdan.

"Hindi naman unnie." tanggi ko agad.

"Nagmamatured kana nga. Siguro sa sobrang pain na naranasan mo sa tuwing di ikaw pipiliin niya nagiging matigas kana." walang alinlangang sabi ni Nayeon unnie.

Sabagay tama siya. Sa pain na nararamdaman ko marami ng nagbago sa akin.

"May nakapagsabi pa nga sa akin na minsan medyo tanga si Dahyun."  patuloy ni Nayeon unnie. "Kung tutuusin alam nating ikaw ang ideal girl niya." dagdag pa niya.

"Pero hindi ako yung mahal niya." deretsong sabi ko at umiwas lang ng tingin.

"Medyo palpak lang siya. Kase yung ideal girl niya hindi yun yung mahal niya." segunda nanaman niya.

"Ipamukha ba naman sa akin yun." napapailing na sabi ko.

"Paano yan hindi tulad ng dati yung resistensya mo? Hindi kana pwedeng malipasan ng gutom. Sana, naniniwala na ako na yung sakit na nararamdaman mo ng dahil kay Dahyun ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan. I always wanted to blame her but Jihyo was there na lagi nagsasabing wag, kasi hindi naman niya ginugusto yung nangyayare." mahabang sabi ni Nayeon unnie.

"Wala namang dapat sisihin. Sadyang mahina lang ako." double meaning nga yata yung sinasabi ko. Hays.

"Mahina? Mahina ka ba talaga? Inabuso mo lang yung sarili mo. Masyado mong pinupush ang limitations mo. Sa grupong 'to isa ka sa maraming sakripisyo at hindi ko alam kung may Twice ba kung wala ang tulad mo." nakangiti niyang sabi.

"Fluttered naman ako sayo unnie. Hindi ko rin naman maimagine kung walang Twice sa buhay ko." nakangiting sabi ko.

"Hindi mo rin naman maimagine ng walang Dahyun. Sus, kung di lang talaga lumubog ang SaiDa at di napaamin si Momo kay Dahyun edi sana totoo pa ang mga ngiti mo ngayon." matamaan siyang tumingin sa mga mata ko. "Sana kung ikaw ang unang nagsabi na mahal mo siya edi sana baka ikaw ang nasa pwesto ni Momo ngayon. Hindi nababalewala si Dahyun sa tuwing mas pipiliin ni Momo ang ibang bagay kesa kanya." dagdag niya.

"Wala na kong magagawa dun unnie. Tapos na eh. Tsaka mas okay na di niya alam yung nararamdaman ko, mas ayos ng unnie nalang ang tingin niya sa akin." walang prenong sabi ko.

"Nagulat talaga sayo nung event natin, kung alam mo lang our ship is sailing nung si Dahyun na mismo ang lumapit sayo. You just hug her and smiled akala ko hahawakan mo yung kamay niya hanggang dulo pero hinatid mo siya kay Momo while singing that day our ship really sank. Nakakatawa, pero ang kabaklaan ng grupong 'to minsan nakakasakit di lang ng mga fans and shippers pati narin ng co-members niyo. Paano kaya kung hindi lang sa inyo pwedeng mangyare 'to?" mahabang sabi niya.

"Kanino ba? Kayo ba ni Jihyo o ni Jungyeon? Isa ka ding malabo eh." napapailing na sabi ko. "Matagal ng walang SaiDa pero hindi mawawala yung pake ko kay Dahyun." dagdag ko pa.

"Matagal na nga bang wala? May mga moments kayo na di mo inaasahang nangyayare. Kase natural lang kayo, wala act sadyang go with the flow lang. And that makes me believe that I'll just ship SaiDa no matter what." sa tanda niyang yan oh. Nakikiship pa siya, umaasa sa mga bagay na imposible na.

"Ay ewan." napapailing nalang talaga ako.

"But by the way, ISAC na next next week. Wag mong hahayaang sumpungin ka." sabi niya at tinapik ang balikat ko. "Bawiin mo si Dahyun, baka SaiDa talaga." sabay kindat niya bago ako iwan dito.

Gago talaga yun.

Napahilamos nalang ako ng mukha ako sa mga kalokohan ni Unnie.

Sana nga ganun kadali akong mahalin ni Dahyun. 

Pero hindi naman ako mawawala sa tabi niya kahit ano pang mangyare. Kahit alam ko sa sarili kong hindi ako ang laman ng puso niya.

---

Even If It's Not Me|SaiDaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon