13

1.2K 47 14
                                    

Sana's PoV

"Natatawa talaga ako kay Appa nun! He just asked me kung bakit di ako nagboboyfriend and I just hella' answered na I need girlfriend!" natatawang kwento ko kay Mina.

"Lol, unnie. Kaya naman pala. Imagine, sabi mo 12 years old ka palang nun! Wala ka pang nakikilalang kung sino amin bakla kana pala!" hagalpak na sabi ni Mina.

Kami lang ang naiwan sa dorm ngayon. The rest may mga pinuntahan.

Hindi kami gumala kase naisipan nalang naming magkwentuhan. Matagal narin kase kaming hindi nakakapag usap ng ganito.

"Siguro nga kung di ako idol ngayon I swear straight ako." natatawang sabi ko.

"Kaso wala! Idol ka. Teka nga naisipan mo na bang bumisita ng Japan?" tanong bigla ni Mina.

"Di ko pa alam. Busy tayo sa Japanese comeback natin oh." katwiran ko.

"Yun na nga! Pupunta tayong Japan next week siguro naman makakauwi ka no." angil ni Mina.

Oo nga no? Pabo ko talaga minsan.

"Edi uuwi. Siguro dadalaw ako dun to see my grandma. Namimiss ko narin kase siya." saad ko.

"Your reason kung bakit ka nagpatuloy sa Sixteen." sabi ni Mina. "Naalala ko, nasa ospital siya nun nung during survival game pero unnie dahil magaling at talented ka kahit may problema isa ka sa nanalo. Isa ka sa mga nagdebut." pag aalala bigla ni Mina sa nakaraan.

Oo nga, malayo narin pala kami. Tatlong taon na kaming namamayagpag sa mundo ng Kpop.

Napatingin ako kay Mina, matagal ko narin pala siyang nakasama hindi ko na inasahang hihigit pa sa kaibigan ang kanyang nararamdaman.

"Nakakamiss rin tayong J-line noon. Lihim tayong nagmemeet kapag gabi at naghahang out tayong tatlo rin ang laging napapagalitan ng mga mentors sa mga kalokohan natin." segunda ko naman.

"Kasalanan niyo rin namang dalawa yun unnie. Si Momo unnie na laging gutom at nagpapasama sayo sinasamahan mo naman tas kakatok kayo sa kwarto para maisama ako dahil ako ang pagagastusin niyo. At dahil ako ang pinakabata sa ating tatlo wala akong magawa kundi manlibre." natatawang sabi niya.

Natatawa ako sa kalokohan namin noon. Si Mina na siyang pinaka may kaya sa amin nila Momo ang laging taya pagdating sa libre.

Inakbayan ko si Mina kase nakaupo kami ngayon dito sa may sofa.

"Yun ang dahilan para magkagusto ako noon kay Momo unnie sa sobrang annoying niya na para bang lagi siyang hinahanap ng sistema ko." saad ni Mina at tumingin sa akin. "Pero dahil nakita kong wala naman akong pag asa at masaya siya kay Jungyeon unnie okaya kay Dahyun nakuntento akong tanggapin na hanggang bestfriend lang ako." patuloy niya.

"In that moment ikaw nanaman ang nagpaubaya." saad ko naman.

"Oo, nagmove on ako. Pero ayan ka, nakikita ko kung paano yung pain na nararamdaman mo. Kung paano mong mag isang hinarap ang sarili mong nararamdaman na ayaw mong aminin. Hanggang sa umamin kana sa sarili mong mahal mo siya pero on that day na magcoconfess ka there's Momo unnie na naunahan ka. At duon you made the same thing I did. Para sa bestfriend mo tinabunan mo ang nararamdaman mo." mahabang niyang saad.

Namuo ang mga luha sa mga mata ko. Naalala ko nanaman kung paano tuluyang nasira ang sistema ng kasiyahan sa buhay ko.

"Nagpakaselfless ka. Hinayaan mo siyang maging masaya sa piling ng iba, kase yun ang tingin mong tama at kailanman hinding hindi siya magiging iyo. But after all, kahit wala ka ng pag asa sa kanya hindi ka parin nawala sa tabi niya. Mula noon hanggang ngayon mas gusto mong binabalewala ang kasiyahan mo dahil sa kanya." tugon pa ni Mina.

"Dahil doon unnie tuluyan ng naging mataas ang tingin ko sayo. Pero sa paglipas ng panahon na nakikita kang umiiyak para winawasak narin ang puso ko. Doon ko naamin sa sarili ko ang tunay kong nararamdaman. At nung magkasakit ka, I prayed for a courage to confess what I feel kase di ko na kayang itago pa." napahikbi na si Mina, umiiyak na pala siya.

Hindi ko lubos maisip na nakagawa ako ng bagay na ikinasasakit ng iba.

Niyakap ko siya ng mahigpit, mas okay nga sigurong ganito na matututunan ko rin siyang mahalin.

Uumpisahan ko ng pawalan pa ang diwa ni Dahyun sa sistema ko. Para naman maging masaya na ko.

----

Even If It's Not Me|SaiDaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon