Kabanata 2
"Ang tagal naman umalis ni Mama." Aniko. Pasilip silip lang ako sa pintuan ko at inaabangan na umalis si Mama. Pinababantay kasi niya sa akin ang bahay, aalis siya at aalis rin ako. Hindi naman maaga umuwi rin si Mama minsan halos madaling araw na nakakauwi dahil sa pinuntahan daw niya.
Nakabihis na ako at handa na rin ako para sa pag-aapply ko ng trabaho. Una pa lang 'to sa mga ads na nakita ko suited naman siya dahil sa course ko. Saktong sakto para sa akin. Hindi ako makalabas ng kwarto ko hangga't nandiyan si Mama sa baba, hindi niya pwedeng malaman na aalis ako. Sinabihan niya ako na mag-stay at ayaw niya akong pahanapin ng trabaho. Magulo rin minsan utak ni Mama kaya hindi rin kami nagkakasundo.
"Alas nueve na." Hindi ko alam kung anong oras ako makakaalis nito kasi si Mama nandiyan na. Nag aalala ako baka mamaya pagkadating ko doon ay may natanggap na sila at mabalewala ako.
Ilang saglit ay narinig kong kumalabog na sinara ang pinto. Tiningnan ko naman sa bintana kung nakaalis na ba talaga siya. May schedule ako ngayong araw, binigyan ko na rin ng sariling curfew ko. Bago mag alas-ocho ay dapat naka-uwi na ako. Susubukan ko pa kasing hanapin ang notebook ko sa coffee shop pinuntahan ko. Baka sakaling naitabi nila doon.
Lumabas na rin naman ako ng kwarto ko, dala dala ang maliit na shoulder bag para sa ibang kakikayan ko. Hindi na rin ako nawawalan ng mga ballpen o lapis kahit saan aako magpunta. Dala dala ko ang pagiging writer ko.
Naghintay pa ako ng limang minuto para tuluyan umalis ng bahay. Baka bumalik si Mama at madatnan akong wala, tiyak na papagalitan niya na naman ako. Tumunog ang cellphone ko, kinuha ko nama ito. Tiningnan ang tumawag at sinagot ko agad.
"Celina! May pupuntahan ka ba ngayon? Meron akong alam na place kung saan magandang gumawa ng story. Walang iistorbo sa atin." Excited nitong bungad sa akin. Kung kailan. Nangyaya siya sa araw pa na hindi ako pwede.
"Jana... Sorry, hindi ako pwede ako ngayon. Mga mas mahalaga akong pupuntahan ngayon. Ire-sched mo lang, please?" Sabi ko. Kahit ako gustong gusto ko pumunta sa sinasabi niyang lugar, pero bago nga 'yun hahanapin ko muna ang notebook ko.
"Sige, ikaw bahala. Ingat ka kung saan ka man pupunta." Saka niya binaba. Halata ko ang boses niya na medyo nadismaya sa akin. Makakabawi naman ako sa kanya next time eh. Halos araw araw rin naman kami magkasama.
Sumakay ako ng taxi patungo sa pag-aaplayan ko ng trabaho. Hindi naman sa gusto agad matanggap sa trabaho, ang gusto ko lang hindi na magalit sa akin si Mama.
Ilang saglit lang dahil mga minuto lang naman ang biyahe papunta sa banko na 'yun. Nagbayad at bumaba na ako ng taxi at tumungo sa building. Sosyal ang mga tao kung titingnan mo, mga alaga ang kutis nila dahil ang kikinis at ang puputi ng mga empleyado, pati mismo body guard ay may appeal.
Nagtungo naman agad ako sa receptionist ng building. Nakahinga ako nang maluwag na ibalita sa akin na naghahanap pa daw sila ng bank teller at sakto daw ang dating ko kasi ngayon ang first ng pag-aapply.
"Miss Montevaldez, please head to the 3rd floor. May sasalubong din sa inyo 'dun." She said. Tumango naman ako sa anya at nagtungo sa elevator. Pinindot ko ang numero sa palapag na pupuntahan ko. Napapasign of the cross na ako nang wala sa oras, sana lang matanggap na ako dito. Extra income na rin sa amin.
Tumunog ang elevator kasabay na pagbukas nito. Dahan dahan pa akong naglakad dahil namangha ako sa laki ng palapag na ito at ang linis. Kung pwede lang sa ganito ako manirahan at ayos lang. May sasalubong daw sa akin pero nasaan siya. May natanaw naman ako na lumapit na lalaki na naka polo na blue. Maganda ang mga ngiti nito sa akin at direkta sa mga mata ko ang titig niya.
BINABASA MO ANG
A Writer Damned Story (Soon to be published under LIB)
Romance[Soon to be PUBLISHED under LIB] Manunulat? Isang mundo na pinasok niya. Wala siyang balak at hilig sa paggawa nang nobela dahil ang tanging hilig lang naman niya ay magbasa. Nang pinasok niya ang pagiging isang manunulat, marami siyang nobelang...