Kabanata 8

395 18 2
                                    

Kabanata 8

Wag kang kakabahan, Celina. Laptop lang naman 'yon, hindi naman malalaman ni Yuie na nasira mo ang bigay niya. Its just that mag dahilan na lang para hindi mabuking. Wala naman kasi dapat akong pasok ngayon eh, pero dahil si Yuie na ang nagsabi kailangan kong pumasok. Dagdag sweldo na rin para pangpagawa ng laptop ko.

              "Celina?! Bakit ayaw mo pa pumasok?" Napalingon ako bigla sa tumawag sa pangalan ko. Paglingon ko ay nakita ko si Aira, napangiwi na lamang ako sa kanya at sumunod sa paglalakad papasok sa loob.

              "Ah, eh. Wala lang! Natutuwa lang kasi napasok ako sa ganitong kumpanya." Nakangiwi pa rin ako sa kanya. Sana lang ay hindi niya mahalata, tumango tango naman ito sa akin at tumungo na kaming dalawa sa staff room.

              Nakahinga naman ako ng maluwag na hindi na siya nagtanong pa ng kung ano ano. Inayos na rin naman namin ang mga gamit namin, ewan ko ba pero kinakabahan ako, bakit naman kasi nag crash bigla 'yung laptop. Nakakapagtampo rin kasi, magbibigay na nga lang, yung luma pa.

              "Celina! Diba day-off mo ngayon, bakit pumasok ka pa pala?" Aniya. Nagkibit balikat na lamang ako sa kanya at lumapit.

              "Si Sir Yuie na nagsabi sa akin, nalate nga kasi ako diba?" Saka siya tumango sa akin at ipinusod ang mahabang buhok at tinalian. 

              "Sabagay." Aniya na agad sumangayon. Lumabas na rin naman kami ng staff room. Nagtungo agad kami sa mga pwesto namin. Maaga aga pa naman at hindi naman siguro dadagsa ang mga tao ngayon diba? Ang gawain ko lang din naman ay, tagapalit ng pera from check. Tagabilang ng mga tinatago at pinapalagay sa kanilang mga bank account kaya nga mas kailangan ko ng laptop. Mano mano na naman siguro ako ito.

              Inasikaso ko muna ang mga kahapon na nag cash out kahapon sa kani kanilang bank accounts. Mahirap din minsan ang trabaho ko kasi kailangan, detailed by detailed ang mga nilabas at pinasok na pera kundi magkakagulo. Ayokong magkaproblema.

              "Oh Celina, bakit nandito ka?" Napalingon agad ako sa babaeng nagsalita at natulala sa hindi ko malamang dahilan. "Diba? Day-off ka?" Pagtatanong nito sa akin.

              Napailing naman agad ako sa kanya. "Si Sir Yuie na ang nagsabi." Buntong hininga ko naman.

              "Pero kasi, ako ang duty ngayon diba?" Napakagat labi na lang ako sa kanya. Siya naman kasi talaga ang duty at wala naman akong magagawa, si Yuie naman kasi ang nagsabi, kung tumanggi man kasi ako baka mapatalsik ako nang wala sa oras.

              "Ikaw? Ah, ikaw na dito?" Pagtatanong ko naman sa kanya. Tumango naman siya sa akin. Wala naman akong nagawa kasi siya talaga ang duty ngayon, siguro pwede naman ako sa ibang department pero baka pagkamalan lang nila ako ng costumer.  Umalis ako sa pwesto ko at siya ang pumalit. "Aira, mamaya na lang ha?" Aniko. Tumango naman siya sa akin na hindi ako nililingon kasi nag eencode siya ng cash outs din.

              Naglakad din naman ako patungo sa staff room. Magtatanghali na rin naman, naalala ko rin bigla 'yung workshop ngayon. Si Jana, pumunta siya sa writing workshop ni John Fowler. I wish I could get there at may matutunan man lang.

              Umupo naman ako sa couch at kinuha ang notebook at silver pen. Magta try akong magsulat at baka may magandang resulta ang pagtatambay ko rito.

A Writer Damned Story (Soon to be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon