Kabanata 6
I felt like I'm a dumb person. Nawala agad ko sa focus ko, sabi ko saglit lang at hahanapin lang ang may may-ari ng laptop na 'yun pero yun pa 'yung magiging dahilan kung bakit ako matatanggal. This was my first day at napagalitan agad ako ng anak ng boss ko. Oo nga, anak lang siya pero pwede niyang ipahatid kay Boss Freed ang nangyari.
"Celina, bakit nalate ka kanina? Alam mo muntik ka na rin talaga mapatawag. Delikado 'yan." Aniya ng kaderpartmant ko na si Aira. Kasamahan ko siya at isa rin siyang bank teller pero iba naman ang focus niya dun. Taga kolekta ako naman ay tagabilang ng mga incomes at nailalabas.
"Bakit naman delikado?" Pagtatanong ko naman sa kanya. May kinuha naman siya sa locker niya at ibinigay sa akin ang 4 pairs of uniform ko.
"Delikado kasi, first day mo pa lang, napagalitan ka na. Mag-ingat ka lang." Ngisi pa nito. "Saka 'yang mga binigay ko sayo ay uniform dati ng na-fired na bank teller din."
"Bakit naman siya na fired?"
"Ay, naku! Mahabang istorya, bahala na! Basta bukas, bumawi ka. Bawal kay sir ang tatanga tanga!" Diniin niya talaga ang salitang tanga.
Hindi naman ako tanga diba? Napaisip rin tuloy ako bigla. Tanga ba talaga, so kaya pala wala akong natatapos na nobela ay tanga nga ako? Does not mean naman diba? Nakakapanghina tuloy ng loob.
"Sige, Celina mauna na ko ha?" Pagpapaalam ni Aira sa akin. Tumango naman ako sa kanya, kumuha naman ako ng paperbag na nakaipon lang naman sa gilid at nilagay ko ang uniform ko. Mabuti na lang at libre na ang uniform, alam ko kasi may bayad kapag ganito pero see, nalibre pa ako.
Kinuha ko sa shoulder bag ang calling card na binigay sa akin ng author na si John Fowler. Writing Workshop, napaisip naman din agad ako. So it will help for me to improve my writing skills at hindi na ako tatanga tanga pagdating doon.
Napabuntong hininga akong lumabas ng staff room dala dala ang paper bag. Pauwi na rin ang ibang empleyado ang pinapatay na ang ibang parte ng silid. Nagtungo na rin naman ako palabas ng building. So next week is the payday. Sana may matanggap na ako kahit baguhan diba? Mag iipon din kasi ako, bibili ako ng laptop para hindi na ako magtiyaga sa computer shop. Nainggit din kasi ako bigla kay Mr. Fowler, syempre sikat siya at binabayaran na siya ng publisher.
Ako? May mapapala ba ako dito sa pagsusulat ko? May makukuha ba akong pera, may makakain ba ako? Sisikat ba ako?
Sa katunayan, hindi naman pera, fame ang habol ko sa pagsusulat. Oo dati, masugid na manbabasa lamang ako ng akda nila at pinasok ang mundo ng pagsusulat. Doon ko nalaman na mahirap talaga ang pinasok ko pero kinaya ko kasi sa araw araw na lumilipas nagiging passion ko na siya.
"Ms. Montevaldez!" Napaharap ako sa lalaking tumawag sa pangalan ko. Napangiti ako ng si Yuie ang tumawag sa akin, hindi ko alam pero ang sayaa lang.
"Ano po 'yun?" Mahinhin kong tugon sa kanya. Napangisi naman ito sa akin at iniwas ang tingin. Nilagay ang kanang kamay sa bulsa nito.
"Dahil sa nag-overtime ka sa break mo kanina. Wala kang day-off this Thursday. You know, what you did." Ngisi pa nito.
BINABASA MO ANG
A Writer Damned Story (Soon to be published under LIB)
Romance[Soon to be PUBLISHED under LIB] Manunulat? Isang mundo na pinasok niya. Wala siyang balak at hilig sa paggawa nang nobela dahil ang tanging hilig lang naman niya ay magbasa. Nang pinasok niya ang pagiging isang manunulat, marami siyang nobelang...