Kabanata 3

522 24 5
                                    

Kabanata 3

Tama nga talaga ang hinala ko na lahat ng mayayaman ay hindi ganun kabait. May mga sinalo talaga ang kayabangan katulad niyang Yuie na 'yan. Pasalamat din ako sa kanya kasi napunta sa kanya ang notebook ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag hindi ko na nahanap 'yun. Ewan ko rin kung bakit sa kanya nga napunta 'yung notebook ko.

           Hindi ko na siya sinundan ng umalis siya. Wala naman akong kailangan sa kanya, as if naman kung meron diba? Babalik pa naman ako sa building para kunin ang schedule ko at uuwi na ako. Nakuha ko na rin naman lahat ng pakay ko ngayon, kaya no worries na.

           Patungo ako ngayon sa receptionist kasi sa kanila ko na lang daw kunin ang schedule ko. Pagkarating ko ay inabot naman agad nila ang papel kung nasaan ang schedule ko. Maganda ang oras na nakuha ko, by 8am ang pasok ko at ang uwi ko naman ay 5pm. Sakto na sakin at may dalawang day off's pa, Thursday at Sunday.

           Palabas na ako ng makasalubong ko pa siya. Dire diretsyo lang ang lakad ko pero hinawakan niya ako bigla sa braso at hinigit na sumama sa kanya. Nagpupumiglas naman ako sa pagkakahawak niya pero malakas siya.

           Nang huminto siya ay hinarap niya ako. Hindi niya pa rin binibitiwan ang kamay ko. I rolled my eyes to him, nakakairita! Ang gwapo nga, sobrang yabang naman at akala mo kung sino.

           "Bitawan mo 'ko, uuwi na ko." Galit na tono ng boses ko. Nakangisi pa siya at halatang nang iinis talaga.

           "No, you won't."

           "Ano?! Kapag hindi ko nauwi ng maaga, papagalitan ako. Kaya please lang?" Kung hindi niya tatantatanan ay bubulyawan ko ng isang 'to at matatamo niya ang gusto niya.

           "Come with me at the mall." Aniya na hinigit muli ako at pumasok kami sa isang room at kinuha ang mga gamit niya saka rin lumabas. Bakit ba ayaw niya akog bitawan? Hindi naman ako aso diba.

           "Yuie, tigilan mo ako. Uuwi na ako!" Pagpupumiglas ko pa sa kanya.

           "Ano bang masama na samahan mo lang ako?!" Napatahimik ako sa pagsalita niya, nakaramdam din ako ng biglang kaba. Hindi ko alam pero parang nagalit ko rin ata siya, dapat hindi. Baka tanggalin niya ako bigla sa trabaho kasi anak ng boss. Lagot ako, ang bilis ko naman mapahamak.

           Hindi na ako kumibo habang hinahatak niya ako papunta sa sakayan ng taxi. Napakunot noo na lamang ako kung bakit hindi kami sa parking lot ng building pumunta. I know mayaman siya dahil anak siya ng boss ko at syempre diba may sasakyan 'yan.

           "Ah, bakit sa taxi tayo sasakay?" Pagtatanong ko.

           "Para mabilis tayong makarating." Aniya na misinterpret ata ang sinabi ko at hindi naintindihan. Huminga ulit ako ng malalim.

           "Hindi, ibigsabihin ko diba mayaman ka? May kotse ka naman siguro, dapat sa parking lot diba?"

           Ngumisi siya. "Wala." Tipid nitong sagot. Napatango tango naman ako sa sinabi niya. I get naman.

           "So, naiwan mo kotse mo?" Tanong ko. Hindi naman sa nangintriga ako, sayang lang kasi sa pamasahe if mag taxi kami diba?

           "I have no car and please shut up." Aniya na napatahimik nga agad ako. Pinansin ko ang mukha nito at magkasalubong ang kilay, mukhang nagalit siya sa mga nasabi ko. I didn't mean anything, nagtanong lang naman ako.

A Writer Damned Story (Soon to be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon