Kabanata 4
Hindi ko alam kung bakit ganun na lang si Mama sa akin. Alam kong may pake pa rin siya kasi hindi naman niya ako papagalitan kung ganun diba, isa lang naman 'yung dahilan n'un kaya siya nagagalit sa akin. Hindi ko nga kasi sinunod ang gusto niya, kaya ngayon unti unit ng nawawalan ng tiwala sa akin.
Gumising ako ng maaga kasi may trabaho na ako ngayon, ewan ko kung anong naging reaksyon ni Mama na malaman niyang may trabaho na ako at ang lalaking nakausap pa niya ay ang anak ng may ari ng kumpanya. May desired uniform ang trabaho ko pero dahil sa kakaumpisa ko pa lang naman magsuot na lang daw muna ako ng kulay grey na blouse tapos mini skirt.
Inayos ko na ang mga gamit na dadalhin ko. Syempre kasama na ang notebook doon. Naalala ko nga pala, hindi ko nga pala naisauli kay Yuie yung silver pen niya siguro kapag nagkita kami mamaya ay ibibiga ko na lang sa kanya. Maglalaan na rin ako ng oras para makapagsulat, kasi sa pagsusulat na rin tumatakbo ang buhay.
Nakapagtapos na rin naman ako mag-ayos sa sarili ko at mukhang presentable na naman din ako. Hindi naman sa lahat ng oras ay writer ako, may mundo rin akong ginagalawan kung saan, magulo, madaming bawal at parang limitado ka lang pero kapag nagsusulat ako, doon ka lang nararamdaman na maging masaya kahit na sa mundo ng sinusulat ko ako napupunta. Walang bawal, walang limitasyon, as in free na free akong gawin ang gusto ko.
Lumabas na ako ng kwarto ko at tumungo sa kusina. Nagulat ako ng pagkarating ko ay nakita ko si Papa, nag-aayos siya ng pagkain. Dapat si Mama ang gumagawa nito at hindi si Papa. Galing siya sa probinsya, Samar. Nang mapansin ako ni Papa Roldan ay nakangiti itoo ay pinaghahain na nga ako ng kakainin ko.
"Papa, bakit hindi ka nagsabi na uuwi ka?" Aniko. Umupo naman ako sa upuan at kumain naman.
"Ah, wala ng trabaho dun 'nak. Saka tinawagan ako ng Mama mo." Papa said.
"Ah, nasan nga po pala si Mama?" Pagtatanong ko kay Papa. Nagismula na rin naman ako kumain.
"Tumira muna siya sa Tita mo, mas gusto niya daw dun kaysa dito. Pero hayaan mo 'nak, dito na muna ako." Ani Papa. Siguro kaya umalis si Mama because of what happen last night. Kaya napagdesisyunan na niyang umalis kasi pakiramdam niya hindi ko siya laging sinusunod. Masakit rin sa parte ko kasi umalis siya dahil sa akin.
Ilang saglit lang din ay natapos na ako kumain. Muing inayos ko ang sarili ko, isinakbit ko na ang shoulder bag ko. Pinuntahan ko naman si Papa sa sala na masayang nanonood ng tv.
"Pa, alis na ko." Paalam ko kay Papa.
"Sige nak, mag-iingat ka!" Tumango na lamang ako kay Papa at tinungo na ang palabas ng pinto.
Hindi ako gaanong close kay Papa, tamang tama lang para mag-usap kami. Kasi hindi naman siya madalas sa bahay, uuwi lang siya kapag kailangan namin. So hindi talaga kami magiging close, kahit nung bata pa ako hindi na eh.
Sumakay ako ng taxi patungo sa National Bank of Freed. Its just half of thirty minutes bago makarating doon. Naalala ko na naman bigla si Yuie, because of him yesterday napagalitan na naman ako pero nung papasok ako sa bahay, I heard that he talk to Mama, ibang klase rin si Yuie kaya nga ibabalik ko sa kanya mamaya yung silver pen niya na naiwan sa akin.
Mabilis din naman akong nakarating sa building. Tinungo ko naman agad ang staff room kung saan mag-aayos muna. Nadatnan ko naman ang ibang ka-trabaho ko at winelcome nila ako. Siguro hindi ako mabobore o mapapagod dito sa trabaho kong 'to kasi mukhang mapapalagayan ko ng loob ang mga tao dito.
BINABASA MO ANG
A Writer Damned Story (Soon to be published under LIB)
Romance[Soon to be PUBLISHED under LIB] Manunulat? Isang mundo na pinasok niya. Wala siyang balak at hilig sa paggawa nang nobela dahil ang tanging hilig lang naman niya ay magbasa. Nang pinasok niya ang pagiging isang manunulat, marami siyang nobelang...