Kabanata 5

423 18 2
                                    

Kabanata 5

Nanghihinayang din minsan ako sa sarili ko, I tried my best pero nothing comes out puro failed lang din. I don't know what they looking at, hindi ko alam kung bakit nila ako tinitingnan nang ganun. Syempre I'm just a employer here, a bank teller.

               Lunch break ngayon kaya tumungo ako sa fast food chain na malapit lang dito. Hindi rin ako mapakali kanina habang nag-aassist ako sa mga costumer 'yung iba kong kasamahan ay nakatingin sa akin sabay pagbubulungan ako, hindi ko alam kung anong usapan ang nasa likod ng mga bulungang 'yun pero parang may kutob ako pero hayaan na lang siguro naninibago ata sila sa akin.

               Pagkadating ko sa fast food chain ay pumila na rin naman ako, siguro kung magbabaon naman ako sa araw araw hindi ako mapapagastos sa araw araw. Masyado kasing magastos if araw araw din akong nandito. Umorder na rin naman aako ng makakain ko nagbayad at naghanap ng mapupwestuhan. Nagtungo agad ako sa isang bakanteng upuan.

               Malapit na sana ako ng may saktong umupo doon. Babae siya at mahaba ang buhok, nilingon niya ako pero inirapan. Wala akong nagawa kaya naghanap na lang muli ako ng mauupuan, nasaktuhan ko rin naman na may umalis at ako ang naunang umupo. Pahirapan din minsan dito ang paghahanap ng uupuan, lalo na kapag gutom ka na maghihintay ka pa talaga ng upuan para lang makakain.

               Nang makaupo na ako at nalapag ang tray ay may umupo sa harap ng lamesa ko. Hindi ko na lamang siya pinansin, hindi naman ganun kasama ang aura niya sa akin kasi baka may gawing masama, wala akong kamalaay malay.

               Sinimulan ko na ang pagkain ko, hindi rin ako masyadong makakain kasi hindi ako kumportable sa lalaking nasa harapan ko.

               Umiiwas ako ng tingin kapag biglang nagsasalubong ang mga mata namin. Maganda ang mata nito at nakakaattract ng paningin ng babae, matangos ang ilong at may maninipis at malamot na labi. Medyo magulo ang buhok pero ang gwapo niya tingnan. Nasa 25 na siguro ang isang 'to.

               Parang may namumukhaan ako sa kanya na medyo may kahawig ng unti sa taong iniimagine ko. Pero imposible, hindi siya pwede dito 'no.

               Napansin kong nauna siyang kumain at tumayo na siyaa. He didn't even say than you to me saka siya umalis na lang. Aba! Siya na nga ang pinaupo at pinakain kasabay ako wala man lang thank you, mabuti na lang at hindi ko siya kilala kaya hindi ko siya pwedeng upakan.

               Natapos rin naman akong kumain at syempre isang oras ang break namin ay nagpalipas muna ako ng ilang sandali at nag-isip ng bagong plot for the story. Actually, nagtutuon ako minsan sa title, minsan kasi hindi ko napapanindigan at nalilihis ang title sa plot, kaya minsan walang kwenta ang storya ko. Dapat pala kasi plot muna before the title, nasa flow din naman ng story 'yan. Kung hindi ka naman komportable sa napili mong title ay pupwede naman na makapag-isip na mas aangkop talaga sa storya.

               Tiningnan ko ang relo ko at muntik na akong lipasan ng panahon, sa kakaisip wala naman matinong plot na pumapasok sa utak ko, kahit clichè wala man lang. Tumayo na rin naman ako sa upuan, sakto sa pagkatayo ko ay muntik na akong matapilok dahil sa bag na humarang sa dinadaanan ko.

               "Bastos naman 'tong bag na 'to! Buti na lang walang nakatingin!" Sakaa ko pinulot ang bag. Muntik ko na rin mabagsak kasi mabigat pala 'to. Nang pinatong ko sa lamesa ay binuksan ko naman ang zipper ng bag, habang binubuksan ko to ay halos maluwa ako nang sumagi sa utak ko a bag 'to ng laptop. Nang mabuksan ko na nga ay, isang lenovo laptop ang isang 'to.

               Bigla ko ulit sinara. Inisip ko bigla kung kanino ba ang isang 'to, kung magtatanong man ako baka mapagkamalan akong magnanakaw nito.

A Writer Damned Story (Soon to be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon