Kabanata 7

393 19 4
                                    

Kabanata 7

I'm happy with my new things, first is the silver pen and next is the old but used to be, my laptop. Its only for work, pero pwede ko naman iside line ang pagiging writer diba? Sabay silang dalawa, wala naman makakasira 'dun kasi its ony just a fun thing for me.

                "Saan mo nga pala nakuha 'yan laptop mo?" Ani Jana. Nasa coffee shop kaming dalawa ngayon at inaya ko siyang mag coffee date kaming dalawa.

                "Ah, 'to? Pahiram lang ata ni Sir Yuie sa akin 'to. Ako pa nga ata magpapagawa." Aniko. Binuksan ko na rin naman ang laptop, wala pa naman akong nakikitang problema sana lang ay hindi ako gumastos ng malaki dito.

                "Ano ka ba! It does mean na, binigay na 'yan sayo. Ikaw na nga magpapagawa? Bigay pa sayo? Isip isip din ha?" Dagdag na naman niya. Kahit kailan talaga hindi natatahimik si Jana. Writer nga ika nga. May dalawang nobela na siya na na-ipublish tapos pang third na niya ang sinusulat ngayon. Oh diba? Ang taray diba, kaysa sa akin na wala pa ni isa.

                "Okay lang naman kung hindi, atleast hindi na ako magtitiyaga sa notebook." Sabi ko. May lumapit naman sa amin na waiter, nag-order naman kaming dalawa ng frappe mocha. Umalis din at nagsimula na kami magtype.

                New plot of story na naman ang ginagawa ko. Alam kong dudugo na naman ang utak ko kasi panibagong story na naman 'to and its just freaking me out kasi 'yung first three novels ko ay wala pang ending ang hirap bigyan at na-stuck na ako 'dun tapos new novel na naman. Napabuntong hininga na lang ako, well kung kakayanin ko naman na tapusing ang kauna unahang novel ko ay mapapalagay na ang loob ko.

                "Celina, pupunta ka bukas?" Napalingon ako kay Jana na busy sa pagtatype niya. Napangalumbaba na lang akong nakatingin sa kanya at napa-isip bigla. Its a chance for me, a writing workshop to improve my writing skills. Ang kaso lang, may work ako tomorrow.

                Nagkibit balikat na lang ako. "No, hindi. May trabaho ako bukas, just to say na dapat day-off ko pero dahil sa nagkaroon ng konting problema, next Thursday na daw ang magiging day-off ko. Enjoy ka na lang." Nakangiti ko pang tugon sa kanya.

                Dumating naman ang mga frappe namin at ininom. Umalis ang waiter at natulala na lang ako bigla. May mga gumugulo sa utak ko, paano na lang kaya itigil ko na ang pagsusulat ko at wag na magtrabaho? Wag na, wala na naman akong mapapala kung wala akong gagawin. Kailangan ko rin abuting ang hinahangad ko.

                "Oh! My! Gosh!" Napatayo ako bigla sa kinauupuan ko ng biglang mag-crash ang laptop ko. Nag blue screen bigla at nagloko. Napantingin halos karamihan ng tao sa coffee shop sa sinabi ko. Nagulat din sila sa naging reaksyon ko. I tried to open it again pero hindi na siya nagbubukas.

                So, kailangan ko na bang ipagawa?

                "Ano bang nangyari diyan?" Pagtatanong ni Jana. Umiling naman ako sa kanya. Kinuha ko na rin naman ang bag ng laptop, nakakahiya rin tuloy kasi naagaw ko pa ang atensyon ng karamihan.

                "Ewan ko, bigla na lang nag-crash. Patapon na siguro 'to eh." Sabi ko. Nang malagay ko na sa bag ay tumayo na rin naman ako dala dala ang frappe.

                "Oh, uwi ka na?"

                Tumango ako sa kanya. "Nakakahiya eh." Ngiwi ko. Nagpaiwan na naman siya kasi may hinahabol na daw siyang deadline. Mabuti pa siya nakailangan libro na, pero ako ito nganga at naghihintay na may pumasok sa kinakalawang kong utak.

A Writer Damned Story (Soon to be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon